LVI: The Rescue

509 30 16
                                    

Nakatulala pa rin ako habang nakahiga sa kama at yakap ang unan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nakatulala pa rin ako habang nakahiga sa kama at yakap ang unan. Mahapdi pa rin ang mga mata ko dahil sobra ang iyak ko kanina. Tumigil na rin naman ako sa pag-iyak pero naninikip pa rin ang dibdib ko. Wala rin kahit anong tumatakbo sa isip ko ngayon. Hindi ko alam kung paano ako tatakas ngayon dito.

Sigurado akong hinahanap na ako ng mga kasama ko ngayon, lalo na ni Jerome. At wala silang ideya na nandito ako ngayon sa palasyo ng duke.

Napabuntonghininga na lang ako sabay subsob ng mukha ko sa unan. Mayamaya naman ay may narinig akong nagbukas ng pinto. Kaya naman inalis ko agad ang unan na nakatakip sa mukha ko para tingnan kung sino 'yon.

Nakita ko naman na 'yong tatlong mermaid kanina ang pumasok. Sila 'yong nadatnan ko nang magising ako.

Napakunot naman ang noo ko nang may isa pang pumasok na mermaid pagkatapos no'ng tatlo. At sa pagkakataong ito, mukhang hindi siya katiwala sa palasyo.

May suot siyang tiara sa kanyang ulo na gawa sa pilak na may mamahaling bato at perlas. May mga alahas din siyang suot at ang suot niyang bra ay hugis kabibe na may mga Swarovski gems.

Magandang babae rin siya. May mahaba siyang buhok na kulay mint green at green na mga mata. Mint green din ang kulay ng kanyang buntot.

"Kumusta? Ako si Lady Meredith, ang ikalimang consort ni Duke Aenon," pakilala nito sa'kin.

Nabigla naman ako nang malaman ko 'yon kaya't hindi ako kaagad nakaimik.

"Maiwan niyo muna kami," utos niya sa tatlong mermaid at agad naman nila itong sinunod.

Nang tuluyan nang makalabas ang mga katiwala ay nilapitan ako ng nagpakilalang si Lady Meredith.

"Anong kailangan mo sa'kin? Kung inaakala mo na gusto ko ang asawa mo, nagkakamali ka. Kaya pakiusap, kausapin mo siya na pakawalan na ako rito," sambit ko.

"Alam ko 'yon, Aika. At nandito ako para kausapin ka at hindi para awayin ka o ano man," sagot niya.

Napakunot ang noo ko, "Anong ibig mong sabihin? Saka paano mo nalaman ang pangalan ko?"

"Nagpatawag ng meeting kanina si Duke Aenon kasama kaming mga asawa niya. At sinabi niya sa'min na ikaw ang bago niyang magiging consort na nais niyang pakasalan bukas at sinabi niya rin sa'min ang pangalan mo. Hindi ko lang inaasahan na hindi ka pala isang mermaid. Mukhang tinotoo niya nga 'yong sinasabi niya nitong mga nakaraang araw na nais niyang mag-asawa ng isang nilalang na hindi tagarito sa Ground Okta," paliwanag ni Meredith.

"Pero Lady Meredith, hindi talaga ako interesado magpakasal sa kanya. Dayuhang researcher lang ako mula sa Underworld University. Kita mo? Naka-uniform pa ako," paliwanag ko sabay turo sa suot ko.

"Isa pa, may naghihintay sa'kin sa labas," dagdag ko pa.

"Kasintahan mo ba?" tanong nito.

Nabigla ako sa naging tanong niya na para bang nahuli ako na may ginagawang masama. Lumukso kasi bigla ang puso ko dahil do'n.

Underworld University: The Mystic QuestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon