LXV: When It Blooms

527 28 11
                                    

Nakasilip lang ako rito sa gilid ng pader habang pinagmamasdan sina Ryker at Laura

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nakasilip lang ako rito sa gilid ng pader habang pinagmamasdan sina Ryker at Laura. Nakaupo lang si Ryker sa tatami table at umiinom ng tsaa, habang si Laura naman ay paikot-ikot na para bang may hinahanap na kung ano. Pagkatapos ay sinusundan lang siya ng tingin ni Ryker.

Pagbalik ni Laura galing kung saan ay may dala na siyang basket. Lalabas na sana siya nang bigla siyang pigilan ni Ryker.

"Laura, sandali."

Huminto naman si Laura para lingunin si Ryker.

"Ano 'yon? May ibibilin ka ba?" tanong ni Laura matapos niyang suotin ang kanyang wooden sandals.

"Sa palengke ka ba pupunta?" tanong ni Ryker.

"Oo. Mamimili ako ng kakainin natin mamayang tanghali," sagot ni Laura.

"S-Samahan na kita," naiilang na sabi ni Ryker habang hinihimas ang kanyang batok.

Mukhang bahagya namang nabigla si Laura.

"S-Sabi kasi ni Abu, samahan daw kita kung sakaling lalabas ka," pahabol agad ni Ryker.

Tumango si Laura, "Sige."

Isinuot ni Ryker ang wooden sandals niya nasa pintuan at sumunod siya kay Laura paglabas nito.

Susundan ko sana sila nang biglang may humawak sa balikat ko para pigilan ako.

"J-Jerome," sambit ko paglingon ko sa likod.

"Saan ka naman pupunta?" tanong niya.

"Susundan ko sina Ryker at Laura," sagot ko.

Kinunotan lang niya ako ng noo.

"Hindi lang 'yon. Naiinip na rin naman ako rito sa loob. Para naman makagala ako kahit sandali," katwiran ko pa.

"Sandali lang," sambit ni Jerome tapos ay may kinuha siya sa katabing silid.

Nakita ko naman na isa itong parasol umbrella na kulay pula na may print ng cherry blossoms.

"Tara," aniya.

Napangiti naman ako nang bahagya tapos ay nagsuot kami ng wooden sandals pagdating namin sa pintuan bago kami lumabas ng bahay.

---

Nandito na kami ngayon sa syudad at nasa bukana na kami ng palengke. Maraming nilalang dito ngayon at nakasunod lang kami kina Ryker at Laura mula sa 'di kalayuan.

"Bakit mo naman sila gustong sundan?" tanong ni Jerome habang hawak-hawak ang parasol kung saan kaming dalawa ay magkasukob.

"Interesado lang akong malaman kung magkakagustuhan ba sila. Malay natin, si Laura na pala ang makakapagpabago kay Ryker mula sa pagiging babaero," sagot ko.

"Puwede mo lang gawing inspirasyon ang isang nilalang para magbago. At hindi sila mismo ang gagawin nating dahilan. Magbabago lang tayo dahil gusto natin."

Underworld University: The Mystic QuestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon