XCVII: Somewhere I Belong

472 31 0
                                    

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko nang makaramdam ako ng kung anong mainit sa ulo ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko nang makaramdam ako ng kung anong mainit sa ulo ko. Pagkatapos ay marahan akong lumingon sa bintanang nasa likod ko. Naningkit ang mga mata ko dahil sa sikat ng araw na sumalubong sa mga mata ko.

Napansin kong kulay kahel na ang langit at palubog na ang araw. At nasa laot pa rin kami sa mga oras na 'to. Naramdaman ko naman na may kung anong nakapatong sa hita ko at nakita kong si Jerome pala 'yon. Natutulog siya habang nakaunan sa mga hita ko.

Nahikab ako nang bahagya. Hindi ko namalayan na nakatulog pala kami.

"Aika."

Napatingin ako sa tumawag sa'kin at nakita kong si Ryker ito. Napahinto siya bigla nang makita niyang natutulog si Jerome.

"Kakain na tayo. Malapit na raw tayo sa Eclipxis sabi ni Mr. Smith," aniya nang may mas mahinang boses para siguro hindi niya magising si Jerome.

Tumango na lang ako bilang tugon. Pagkatapos no'n ay umalis na si Ryker.

"Jerome, gising na," sambit ko sabay marahan kong tinapik ang kanyang mukha.

Napansin ko ang pagkunot ng kanyang mga mata sabay ungot nang mahina.

"Kakain na muna tayo. Malapit na raw tayo."

Dahan-dahan niyang dinilat ang mga mata niya na namumungay pa. Pagkatapos ay dahan-dahan siyang bumangon. Nagkusot siya sandali ng kanyang mga mata at napatingin sa bintana. Nakita ko ang pagtama ng kahel na liwanag sa kanyang rubi na mga mata.

"Pumunta na tayo sa dining area. Naghanda na raw ng pagkain si Gunner," aya ko sa kanya.

Lumingon siya sa'kin sabay tango. Pagkatapos ay sabay na kaming tumayo at pumunta sa dining area ng cabin. Nadatnan na namin doon ang mga kasama namin na nagsisimula nang kumain. Umupo na lang kami sa nga bakanteng upuan at kumuha ng plato't kubyertos.

"Malapit na tayo sa Eclipxis sabi ni Mr. Smith," sambit ni Xavier.

"Si Mr. Smith? May pagkain na ba siya ro'n sa navigation station?" tanong ko.

"Oo. Pinadalhan ko na siya ro'n ng pagkain," sagot ni Gunner.

"Balita ko, naging pugad na raw ng mga Unholy ang Eclipxis. Totoo kaya 'yon?" sabad naman ni Xavier.

"Marami ngang nagsasabi niyan pero hindi naman napapatunayan. Itinurin nang dead island ang Eclipxis at prohibited area na siya dahil do'n," tugon ni Klein.

"Malalaman natin 'yan mamaya pagbaba natin," ani Ryker.

Pagkatapos ay tahimik na naming tinapos ang aming pagkain. Nagtulong-tulong kami na magligpit ng pinagkainan at maglinis ng mesa. At nang matapos kami sa pagliligpit ay naupo na kaming lahat sa couch.

Ilang sandali pa ay naramdaman namin na parang huminto na ang yate. Mayamaya lang ay nakita naming pumasok dito si Mr. Smith sa cabin.

"Narito na tayo," balita niya.

Underworld University: The Mystic QuestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon