Chapter XXIV (UNDER EDITING)

419 10 1
                                    

Tahimik lang na nakatingin si Lucian sa magkatabing puntod ng ama at ina niya. Naisipan niyang puntahan ang puntod nito pagkatapos ng tatlong araw mula ng lumabas siya.


Kailangan niya kasing makabawi sa nawala sa kanya ng limang taon. Kailangan niyang magtayo ng bagong negosyo na walang bahid ng pagsamba kay Mammon.


Sa tulong na rin ni Fabio Mercado, ang isang negosyante na kilalang Kristyano at makipag-kapwa, ito ang tumulong sa kanya para maka-ahon muli.


He offered him a business partnership. Kaagad naman niya itong sinang-ayunan. Nagpapasalamat na lang din siya dahil nakuha pa nitong magtiwala sa kanya. Pagkatapos ng lahat ng nangyaring isyu. Willing itong tumulong sa mga nangangailangan.
Nabalitaan niya na marami na ring tumiwalag sa Mammonus Invictus dahil sa isyu na nangyari. Subalit alam niya na hindi basta mawawala ang samahan na ito. Baka nga mas maingat na ang mga ito sa pagkakataon na ito.


Linggo no'n at naisipan niya na rin na isama si Eli, ayon na rin sa kagustuhan nito.


"I wish them peace," narinig niyang sabi ni Eli. Napatingin siya rito.


Humugot siya ng buntong-hininga. "No they can't," sabi niya rito. Alam niya kung nasaan ang mga kaluluwa nito. Mammon had already possessed their soul. At wala nang makakapigil pa sa kalaamang makakasama nito ang mga magulang papalubog ng impyerno.


Or at least iyon ang paniniwala niya. His mother was a firm believer of Christ and God but her soul was offered to Mammon. Maybe God saved her soul. Hindi niya alam. Subalit sana, iniligtas ng Diyos ang taong buong naniniwala dito.


He then remembered when his soul was snatch from his body. He has surrendered himself to God and accept Him as his creator and yet Mammon still had a grab of his soul. He prevented him from his body. Sana ay hindi ganoon ang nangyari sa ina niya.


As for his father, alam niya na kasama na ito ni Mammon sa kabilang buhay. Kahit na malaki ang galit niya dito ay ama niya pa rin ito. His sacrifice to make him live is enough to forgive him.


"I'm sorry," mahinang sabi ni Eli. She sounded apologetic.


Ngumiti siya at hinawakan ang kamay nito. "Maybe they are watching us now," Tumingin siya sa puntod ng mga magulang. "Ma, Dad, maybe you can hear me. Ipinapakilala ko pala sainyo si Eli, ang babaeng pakakasalan ko,"


"L-Lucian," muli siyang bumaling sa babae at nakita ang bahagyang bigla sa mukha nito.
Lumuhod siya rito. "Will you marry me, Eli?" Kinuha niya ang kahita at binuksan ito.


Pinagplanuhan na talaga niya ang mag-propose sa babae. He wants to keep her forever. Sa lahat kasi ng babaeng nakilala niya ay ito ang pinaka-kakaiba. At ayaw niyang mapunta ang pambihirang babae na ito sa iba.


He bought a diamond ring. Binili niya pa ito sa shop ni Fabio.


Napahawak sa bibig si Eli sa labis na pagkagulat.

Nagsimula nang mamasa ang mga mata nito.


"Totoo ba ito? Are you proposing to me?" tanong nito.


Ngumiti siya. Hinawakan niya ang kamay nito at hinalikan."I want you to be on my side as I start my new journey," sabi niya rito. "Will you be my wife, Eliana Labrador,"


"Yes, Lucian, yes," kaagad nitong tugon. Sinuot na niya ang singsing dito pagdaka'y tumayo.


Kahit pigilan man ang sarili, kusa na lang bumaba ang labi niya rito at ginawaran ito ng saglit na halik. Nais niyang matawa sa pamumula nito. Para kasing bago lang dito ang ginagawa nila.

Devil Duology Book I: The Devil Behind Him (Completed) UNDER REVISIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon