Chapter XIV (UNDER EDITING)

209 9 0
                                    

Naisipan na lang na magcheck in ni Eli sa isang pipichuging hotel. At least doon ay safe siya na hindi makikita ni Lucian.


Nang makapasok sa silid ay agad niyang binuksan ang laptop at tinignan ang mga nakakonektang messages ni Lucian sa kanya

.
Marami itong messages pero wala ni isa man sa mga ito ang nagbabanggit tungkol sa kulto nito.
Pumunta siya sa software kung saan nagawa niyang idownload ang lahat ng content ng cellphone ng lalaki. Games nito, application nito, basta lahat ng makikita sa cellphone nito ay magagawa niyang makita. Si Henry ang gumawa ng software na ito since tapos ito ng Computer Technology.


Napunta siya sa calendar ng lalaki kung saan nakakita siya ng isang reminder nito.
Mammonus Invictus, June 28, 12:54 am Full Moon
Nangunot ang noo niya. Mammonus Invictus? Ano ito?


Binuksan niya ang internet niya at sinearch sa google subalit wala siyang maapuhap na impormasyon tungkol dito. Ano ito? Bakit hindi ito mahanap sa internet? Ito ba ang pangalan ng sikretong samahan ng lalaki? Wala siyang ideya kung ano ito.


Muli niyang itinype ang salita at napukaw sa mga related searches gaya ng Mammon. Na-curious siya at pinindot ang salitang iyon.
Bumungad sa kanya ang impormasyon tungkol kay Mammon.


Mammon is the demon to whom the riches bow to possess wealth on earth.  Binanggit ito sa new testament bilang kasakiman sa pera o entity na nangangako ng kayamanan. Ang sabi pa, "Hindi mo pwedeng pagsabayin ang pagsamba sa Diyos at sa mammon,"


Sa middle ages, itinuturing itong isang deity na kasama sa Seven Princes of Hell: Lucifer-pride, Mammon-greed, Asmodeus-lust, Leviathan-envy, Beelzebub-gluttony, Satan-wrath, Belphegor-sloth.
Ito ay base sa classification ni Peter Binsfield tungkol sa mga diyablo.  Alam niya na marami pang ibang diyablo pero ito lang ang dapat niyang malaman.


Sinearch niya rin ang meaning ng Invictus. It was a latin word means invincible.


Could it be that Mammonus Invictus is a cult and they worship a demon of greed named Mammon?
Napansin niya ang date. June 28. Tinignan niya ang kalendaryo niya. Yes, it is indeed a Full Moon. Walang siyang ideya sa mangyayari sa petsang ito. Subalit kailangan niyang malaman.


Kaunti na lang at malulutas na niya ang misteryong ito. Ngayon ay kailangan na niyang mapilit si Lucian na makapunta sa sinasabi nitong Simbahan.


****


"Sa tingin ko alam ko na ang samahan ni Lucian," sabi ni Eli kay Angela. Kausap niya ito through bluetooth speaker habang nagmamaneho pabalik ng unit niya.


"That's good news," sabi nito.

"Sa tingin ko, ang pangalan ng samahan nila ay Mammonus Invictus. And they are worshipping a demon named Mammon. Hindi ko masearch sa internet ang samahan nila kaya wala akong nakuhang impormasyon,"


"How about in deep web?" tanong nito. "Okay, may kilala akong may kakayahang makapasok sa deep web. Babalitaan na lang kita kung anong nakita ko,"


"I need it by tomorrow. May nakita ako na sa tingin ko ay may operation sila sa Full Moon. Kaya kailangan kong malaman ang lahat ng pwedeng malaman bago mag-Full moon,

"
"Count on me," anito.


Napabuntong-hininga siya nang ibaba ang tawag. Ito na ang pagsisimula ng pagbagsak ni Lucian.


****


"Susanne," napaitlag siya nang may tumawag sa pangalan niya mula sa likod niya.

Abala siya no'n sa pagta-type ng password sa unit niya.  Mabilis niya itong hinarap. Nakita niya si Lucian. Nakatayo ito at nakatingin sa kanya.

How come hindi niya ito naramdaman?

"L-Lucian," nauutal niyang sambit.

Devil Duology Book I: The Devil Behind Him (Completed) UNDER REVISIONWhere stories live. Discover now