Chapter XI (UNDER EDITING)

188 5 0
                                    

Kinailangan niyang balikan ang unit niya dahil nandoon ang laptop niya. Marahan niyang binuksan ang pinto at sumilip sa loob ng unit niya.

Ganoon pa rin ang mga gamit. Gulo-gulo, kalat-kalat. Humugot muna siya ng malalim na hininga pagdaka'y pumasok.


Nagmamadali siyang dumiretso sa silid niya. Nakalagay kasi sa kama niya ang laptop bag niya. Nang makuha ay mabilis din siyang lumabas. Pumunta siya sa isang di kilalang cafe at pumwesto sa pinaka-sulok. Isinalpak na niya ang usb.


Tumambad sa kanya ang mga files ng babae na nabaliw at nagsuicide. Nakakalula sa dami ang mga babaeng nagcommit ng suicide.


Binuksan niya ang isang file. Nakapaloob ang impormasyon doon ng isang Angeline Sarmiento. Nagta-trabaho ito sa kompanya ng lalaki. Bente-tres ito. Maganda at may tinapos. Nagkaroon ito ng affair kay Lucian.


Ayon sa impormasyon na nakalap ay patuloy nitong sinasabi na may humahabol daw dito na anino. Nakasunod ito kahit saan man ito magpunta. Napunta ito sa mental institutions kung saan napabalitang nagsuicide ito.


"Ms. Eliana?" napataas pa siya ng tingin ng may lumapit sa kanya. Mabilis niyang isinarado ang laptop.


Bumungad sa kanya ang isang babae na nawawari niya ay mas bata lang sa kanya ng ilang taon.


"Yes? How may I help you?" tanong niya rito. Pinilit niyang ngumiti dito.


"Matagal na kitang sinusundan," umupo ito sa tabi niya. "Nabalitaan ko na kinuha mo ang misyon para i-expose si Lucian,"


Sukat na marinig ay nanlaki ang mga mata niya. "Shut up," mahinang saway niya rito. Hindi niya ito kilala. At nagulat siya kung bakit alam nito ang ginagawa niya. It can ruin her.


"Isa ako sa matiyagang nagpupunta sa POCO para maaksiyunan ang kaso ng ate ko. Naka-usap ko si Sir Henry at sinabing may ipinadala na daw siyang agent. Alam ko na ikaw ang ipapadala niya dahil malaki ang kasong ito," mahinang wika nito.


"Kung anuman ang alam mo, itikom mo ang bibig mo," saway niya pa rito.


"Nandito ako para tulungan ka," sabi pa nito. "Namatay ang ate ko dahil kay Lucian. Alam ko na hindi ito kapani-paniwala pero nakita ko mismo ang nangyari sa ate ko,"


Sa narinig ay nagkaroon siya ng kuryosidad sa mga susunod nitong sabihin.


"Ilahad mo sa akin ang alam mo," sabi niya rito.


"I saw that entity on my sister. And I saw the same entity following you when you came here," natigilan siya sa sinabi nito. So nakikita din nito?


"Sino ang kapatid mo?" tanong niya rito. "Si Angeline Sarmiento. By the way, ako nga pala si Angela," Nilahad nito ang kamay sa kanya na ginagap naman niya.


“So you have a third eye? You saw it?”


Tumango ito. “It runs to our family. And I hate to have one. You have to see unpleasing ghosts, some unshape ghosts seek you as if you are obliged to help them. I cannot enjoy my life. Para sa akin, sumpa ang abilidad na ito,” kwento nito. “May third eye din ang kapatid ko. Unfortunately, she wanted to remain it open.”


"Tell me what happened to your sister?" tanong niya rito.


"Super close kami ni Ate Angie. Kaya nang magsimulang may mambulabog sa kanyang hindi kaaya-ayang espiritu, ako ang una niyang sinabihan. Kasama ako sa lahat ng date nila ni Lucian.
We even hired in the same company. She started to see an apparition far stronger than she was seeing, just when she engaged herself on a date with him.
Kinausap ako ni Lucian na wag nang sumama sa mga date nila ni Ate. Kapag gabi, nagigising ako dahil sumisigaw si Ate. Nag-confess siya sa akin tungkol sa mga nakikita niya. She said a demon was torturing her. It was hurting her. I saw bruises all over her body. I felt alarmed. I’ve decided to re-open my third eye. That's when I saw what's happening. May itim na imahe ang laging nakasunod kay ate.
Laging nakabantay. I heard it whisper to my sister. Nakakatakot. Minsan, sinama ni Lucian ang ate ko na magsimba. Gabi iyon. Umaga nang makabalik sila. Naging tulala at mailap ang kapatid ko pagkatapos. Laging umiiyak at parang may kausap na itinataboy. Binantayan ko si ate dahil alam kong walang makaka-intindi sa kanya kundi ako. At kapag naaamoy namin ang masangsang na amoy na parang may sinusunog na laman, nagwawala si Ate, at nakikita ko ang imahe na iyon. We tried to seek physchiatric help. Hanggang sa napagdesisyunan na ng magulang namin na ipasok siya sa mental instituition. Araw-araw ko siyang binibisita. And her last word was .. 'It wants me to cut myself'.  Kinabukasan, nabalitaan na lang namin na nagpakamatay ito. She literally sliced her throat!" Nagsimula itong lumuha. “I tried to help her. I tried to seek help. But no one believed me. They thought that I was getting crazy. Even the paranormals I’ve hired couldn’t do anything. That entity is strong. My last option was to pray. I prayed to God but He never listened. He let my sister die. Or maybe maging ang Diyos ay hindi kaya ang malakas na entity na ito,”

Devil Duology Book I: The Devil Behind Him (Completed) UNDER REVISIONWhere stories live. Discover now