Chapter V (UNDER EDITING)

260 7 0
                                    

Abala sa pagbabasa ng sales report si Lucian nang may kumatok sa pintuan niya. Pumasok ito.

Bumungad sa kanya ang private investigator na inokupahan niya - Si Warren Darwin.

"Nakuha ko na ang lahat ng kailangan mo," anito. Napangiti siya. Gaya ng inaasahan niya. Matagal na itong namamasukan sa pamilya. Mabilis itong magtrabaho at pulido.

Lumapit ito sa kanya at ibinigay ang isang makapal na envelope.

"Marami akong nakuhang litrato diyan. Wag ka magugulat sa makikita mo," anito.

Kumunot ang noo niya. May kagulat-gulat ba?


Kinuha na niya ang envelope at binuksan ito.


Bumungad sa kanya ang litrato ni Susanne. Nabigla siya.

"Si Eliana Labrador ay taga-Davao na nagtatrabaho sa Private Operating Crime Organization bilang undercover agent. Siya si Agent Chamelion. Isa siya sa magagaling na ahente ng POCO. Binansagan siyang Chamelion dahil sa pag-iiba-iba niya ng hitsura para di makilala. Siya ang nagbunyag sa ilang senador ng katiwalian nito. Isa rin siya sa mga nakapasok sa transaksiyon ng Black Market at deep web," lahad ni Warren. "She has a fake identity on the internet. But too sorry for her, I am beyond her ability,"

Nilipat-lipat niya ang mga litrato nito na may iba-ibang anyo. Minsan ay kulay dilaw ang buhok nito, minsan naman ay kulay gray, at minsan naman ay kulay puti. Iba-iba rin ang disguise nito na kung hindi sinabi sa kanya ni Warren ay hindi niya makikilala..

Sadyang magaling lang talaga ito magbago ng hitsura.

Ang huling litrato ay kuha nila na magkasama.


"At siya rin ang nagpapanggap na anak ni Fabio Mercado bilang Susanne," dagdag nito. "Sa karagdagang kaalaman, kasama ni Fabio ang anak sa Norway ngayon. Lihim ang pagsama ng anak nito,"

Just what he thought.

"Gusto mo bang alamin ko ang totoong identity ni Susanne?"

"Hindi na kailangan. Ang mahalaga malaman ko kung sino si Eliana Labrador," sabi niya rito. Dinismiss niya rin ito agad.

Nahulog ang pag-iisip niya kay Susanne o Eliana. So, ipinadala ba ito ng POCO para alamin kung may koneksyon siya sa black market? O dahil sa mga babaeng napunta sa mental institutions?

Naalala niya bigla ang unang gabi na magkasama sila. Wala talagang naganap sa pagitan nila. Kaya pala wala siyang maalala dahil wala talagang nangyari sa kanila.

Pinilit niyang alalahanin ang gabing iyon. She made him licked her neck. Naalala niya ang kapeng pinainom nito. She told him to keep him on many round but....could it be na ... may pampatulog iyon?

Mukhang ganoon na nga. Una pa lang pala ay pinaglalaruan na siya ng babae. He hates to be played at pero wala siyang makapang galit para sa babae.

Natutuwa siguro ito dahil naisahan siya. Pero tapos na ang masasayang araw nito. Siya naman ngayon ang maglalaro dito.

Napangiti siya sa naisip niya. Naiimagine na niya ang babae.

Ipapakita niya muna dito na wala siyang alam. Hanggang sa kapag nabunyag dito ang katotohanan ay huli na ang lahat para makatakas pa ito sa kanya.


****


Tumunog ang intercom ni Lucian pagkalabas na pagkalabas ni Warren. Ang sekratarya niya ang tumawag.

"Sir, may naghahanap saiyo dito na babae. Si Ms. Susanne Mercado daw po siya,"

"Let her in," tugon niya rito.

Parang kahapon lang ay magkasama sila. Mukhang gusto na nito tapusin ang misyon sa kanya agad.


But he is not through with her yet. Mahaba-haba pa ang pagsasamahan nila.

"Hey," ngiting bungad niya nang pumasok ito.


Ngumiti naman ito ng malapad bilang pagtugon. Nakasuot ito ng puting off shoulder na crop top na tinernuhan nito ng maong na kupas. Napansin niya na nakarubber shoes ito.

Nakabalunbon ang buhok nito habang may light make up. Her sight is so pleasing. Hindi niya akalain na isang agent ang kaharap niya. Napaka-swerte naman ng pinapasukan nito.

Tumayo siya at walang sabing sinalubong ito ng isang mapusok na halik. He missed her. Mas hinapit niya pa ito lalo dahilan para lumalim ang halik niya.

Naramdaman niya ang pagtulak nito sa kanya. Tumigil siya at nagpaubaya sa pagtulak nito sa kanya papalayo.

Nakita niya pa ang pagkagat nito sa ibabang labi. How he wanted to take this woman! Pero hindi pwede. Hindi pwede dahil ito ang alay niya.

Nakakainis isipin na may nakahain na masarap na pagkain pero nakalaan pala sa iba.

"How are you?" tanong niya rito. "Glad you visit me here," muli siyang bumalik sa kinauupuan.

"Well.." nakita niya ang pilit na ngiti nito. "I just can't wait to see you," umupo ito sa sofa na ipinalagay niya sa opisina para sa maramihang bisita.

"I really want to take you right now but I'm afraid I'm on my hectic schedule," sabi niya rito.

Sinadya niya na hindi ito dikitan. Baka kasi hindi na niya mapigilan ang sarili at maangkin ito. She has been circling on his dreams since they met - naked, hot, and so wet. He guess, hanggang panaginip na lang ito.

"Am I interfering you?" tanong nito na nagdikwatro habang nakatingin sa kanya. He feels like she's seducing him.

"No, of course not," tugon niya rito.


Nakita niya na nilibot nito ang tingin sa paligid. Marahil ay nag-oobserba ito para may maireport sa boss nito.

"Pwede mo ba akong samahan?" tanong niya rito.


"Sure. Saan?"

"I plan to buy a pet," tugon niya rito.

Ngumiti ito. "Wow. You're into pet?"

Tumango siya. "I just saw my friend having a pet. Said it is stress-reliever,"

"Yes, a cat is a good companion," suhestiyon nito.


"I want the exotic ones," makahulugan niyang sabi. Tumingin siya rito ng malagkit habang abala pa rin ito sa paglilibot ng tingin sa opisina niya.

"Ano bang gusto mong alagaan?"

"Chamelion,"

Sukat na marinig ay mabilis itong napatingin sa kanya. Ang kaninang ngiti nito ay nawala na para bang nakakita ito ng multo.

Confirmed then. Nakita niya ang pagbalatay ng pagkabigla sa mukha nito na agad naman nitong nabawi.

Ngumiti ito ng pilit.

"T-that's exotic," nauutal nitong wika. "Bakit naman Chamelion ang gusto mong alagaan? I find nothing interesting on that animal," bumalik sa pagka-kaswal ang tinig nito.

Napaka-galing talaga nitong magpanggap.

"I find that animal so appealing," tugon niya rito na sumandal sa upuan habang nakatingin sa babae. She's trying to act so calm. "Nakakatuwa lang na kaya nitong mag-blend sa kahit anong environment na napupuntahan nito. Kaya nitong mag-iba ng anyo para hindi makita,"

Napalunok ito. Pero nanatili pa rin itong kaswal na animo'y hindi apektado sa paksa.

Tumango-tango ito. "That's indeed fascinating,"


Muli siyang tumayo. Lumapit siya rito at inoffer ang braso. "Shall we go now?"

Ngumiti naman ito at tumayo na rin. Ginagap nito ang braso niya.

"Come on,"


****


Nabigla si Eli nang biglang gusto nitong mag-alaga ng Chamelion. Iyon kasi ang agent name niya. May kakayahan kasi siyang i-blend ang sarili sa bawat misyon niya kaya iyon ang ibinigay na codename sa kanya. May alam na kaya ito sa kanya? If so, kailangan niyang mag-ingat. Mukhang unti-unti nang nag-iimbestiga si Lucian sa pagkatao niya.


Or maybe baka nagkataon lang. Dahil kung may alam na ito ay kinompronta na siya nito. Marahil ay gusto lang talaga nito ng Chamelion at nasaktong iyon ang codename niya.

Sinamahan niya ito sa isang pet shop na nagtitinda ng mga exotic na hayop. Lumapit sila sa isang chamelion na nasa sanga ng puno. Hindi nila agad ito nakita dahil ginaya nito ang kulay ng sanga.

"Wonderful," komento ng lalaki habang nakatingin sa hayop. "Isn't?" tumingin ito sa kanya.

"Of course it is wonderful," pagsang-ayon niya rito. Hindi pa rin naman niya nararamdaman na may alam ang lalaki. However, she should be real careful this time. No one knows what Lucian might thinking. Ayaw niya na magising na lang isang araw na hindi na siya makaligtas sa misyon na ito.

"I'll take this one," sabi nito sa salesman. "Saan mo gusto magpunta?" tanong nito nang bumaling sa kanya.

Magsasalita pa lamang siya ng maamoy nanaman niya ang pamilyar na amoy na masangsang. Napaubo-ubo pa siya.

"Are you okay?" tanong ni Lucian sa kanya.

Tumango-tango siya. Kinuha niya ang panyo at itinakip sa ilong.

"Wala ka bang naamoy na mabaho?" tanong niya rito.

"Honey, pet shop ito," anito.

"Ibang amoy. Parang nasusunog na laman," describe niya rito.

Nakita niya ang biglang pagbabago ng ekspresyon nito. Sumeryoso.

Napatingin siya sa kanan nang mag-ungulan ang mga aso sa bahaging iyon. Halos manlaki ang mata niya ng makita nanaman ang imahe na may matutulis na kuko. Nakatayo ito sa harapan ng kulungan ng mga aso.

Napatili siya. Nagulat ang lahat ng nasa loob ng shop. Naghi-hysterical na lumabas siya ng shop habang nakapikit ang mata. Patuloy lang siya sa pagtakbo. Nakasarado pa rin ang mga mata niya.


Natatakot siya. Sobrang natatakot siya. Bakit ba may nagpapakita sa kanyang ganoon?

Nagulat siya ng may humawak sa braso niya. Sinalubong niya ito ng suntok pagharap.


Si Lucian iyon. Napaatras ito pero hindi naman nabuwal. Napahawak lang ito sa ilong nitong dumugo.

Doon pa lamang siya natauhan. Nagulat siya sa ginawa niya sa lalaki.

"I'm so sorry," lumapit siya rito. Kinuha niya ang panyo at pinunas sa ilong nito.

"That hurts," halos ngongo nitong sabi na nakasapo sa ilong.

"I'm so sorry talaga. Hindi ko sinasadya," patuloy na paghingi niya ng paumanhin dito.

Napagtanto niya na naka-agaw sila ng atensyon sa mga tao na nakatingin sa kanila. Kaagad niyang hinatak si Lucian pabalik ng kotse nito.

Mabuti na lang at palaging handa ang lalaki. May dala kasi itong first aid kit sa kotse. Nilapatan niya muna ito ng paunang lunas.

"Gusto mo bang pumunta sa ospital?" tanong niya rito.

"No need," tanggi nito. "Bring me to your unit,"

Siya na ang nagprisinta na magmaneho. Baka kasi nahihilo pa ito sa ginawa niya.

Mabuti na lang at hindi ito nagtaka kung bakit marunong siya ng self-defence.



++++
I T U T U L O Y

Devil Duology Book I: The Devil Behind Him (Completed) UNDER REVISIONUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum