Isa si Eliana Labrador sa tinaguriang top undercover agent ng Private Operating Crime Organization, isang organisasyon na layuning mahuli at maihayag ang mga matataas na lider ng mga sindikato. Nang tanggapin ni Eli ang misyon kung saan kailangan niyang magpanggap na anak ng isang mayamang negosyante at akitin ang gwapong bilyonaryo na si Lucian Robredo, ang CEO ng Prime Concrete Construction Company, hindi niya inaasahan ang pagsisimula rin ng kababalaghan sa buhay niya. Lucian is being subjected into accusations of drugging the women associated on him. Lahat kasi ng babae nito ay nababaliw at nagco-commit ng suicide - ito ang dapat na malaman ni Eli. She only has a month to accomplish her mission before Lucian uncovers her true identity. It is supposed to be a plain assignment she can carry out easily - not when her heart starts to yield on his devilish charm. Hindi niya rin maintindihan kung bakit naapektuhan siya sa pinapakita nitong tahasang pang-aakit sa kanya, na dapat siya ang gumagawa - and not when something chase her instead. Nagawa niyang mahuli ang puso ng lalaki. Lucian started to talk about the church he is in, and let her see the glimpse of his forbidden religion. Dinala siya nito sa resthouse nito sa Ilocos Norte kung saan nakita niya ang kakaibang simbulo na nakaburda sa bawat uniporme ng mga tagasilbi nito - na makikita rin sa bawat sulok ng malaking bahay nito. As soon as Eli realizes the evil truth behind him, Lucian has already closed all the doors for her escape. Huli na ba ang lahat para sa kanya?
26 parts