Chapter I (UNDER EDITING)

522 14 0
                                    

"Ipinatawag mo raw ako?" tanong ni Eliana kay Henry pagkapasok pa lang ng opisina nito. Kakagaling niya lang kasi no'n sa isang misyon.

Inaasahan niya na magkakaroon siya ng kahit dalawang araw na pahinga subalit tila ipinagkait yata ito ni Henry.

Naabutan niya itong abala sa pagbabasa ng mga kasong hinahawakan ng mga agent nito. Nag-angat lang ito ng tingin ng pumasok siya. Dumiretso siya sa upuan sa harapan lang ng lamesa nito at umupo.

Isa si Eliana Labrador sa mga undercover agent ng Private Operating Crime Organization. Isa itong pribadong organisasyon na hindi sakop ng gobyerno pero tumutulong sa pagsupil ng krimen ng Pilipinas.

Bukod sa NBI Agent, POCO Agent ang tawag sa kanila. Sumasailalim sila sa masinsinang training bago isabak sa field. Ang layunin ng grupo nila ay matukoy kung sino-sino ang mga utak ng sindikato.

Si Henry Ortega ang director nila. Ito ang nakikipag-coordinate sa NBI sa mga misyon na gagawin nila. To be an agent, you must sacrifice all what you have including family. Walong taon na siyang agent at sa loob ng walong taon na iyon ay kinalimutan niya ang pamilya. Kailangan iyon dahil sa delikado nilang misyon. Baka kasi madamay pa ang mga ito sa trabaho niya.

She exactly knows the risks. Na parang isang buntis, nasa hukay ang isang paa. Magkagayonman, gusto niya ang trabahong ito.

Isa siyang avid fan ng Marvel movies at bata pa lang ay nais niyang maging kagaya ng karakter ni Natalia Rommanoff o ni Black Widow. Kaya nang maanyayahan siya ng kaibigan na sumapi sa grupo ay hindi siya nagdalawang-isip. Dati, akala niya ay madali lang ang pagiging undercover agent dahil sa mga nakikita niya sa Hollywood movies.

Napagtanto niya lang na literal na nasa bingit ng kamatayan  ang buhay ng isang agent sa tuwing humahawak ito ng misyon. Pero kahit minsan ay hindi sumagi sa isip niya na sumuko. Nandito na siya eh. Paninindigan na niya.

Marketing Management ang natapos niya pero ibang landas ang tinatahak niya. Siguro nga ay pag nasa puso talaga ang ginagawa ay doon pa rin dadalhin ng tadhana.

Kahit malayo sa natapos ang sinabak na trabaho ay nagagamit niya ang kabokahan sa misyon. Nagdalawang-isip pa nga si Henry kung tatanggapin siya dahil ang mga kasama niya ay pawang tapos ng Crimonology. Mabuti na lang at recommended siya ng kaibigan niya na isa palang top agent kaya nakapasok siya. Unfortunately, her friend had died on a mission. Kaya pinagbutihan niya para tahakin ang landas ng kaibigan. And now, she's one of the top agent.

Naglapag si Henry ng litrato ng lalaki sa harapan niya.

"Siya si Lucian Miguel Robredo, ang nagmamay-ari ng Prime Concrete Construction Company," pakilala dito ni Henry. "You should have known him. Isa siya sa mga pinakamayaman dito sa Pilipinas. Kilala rin ito bilang flirt at babaero. Lahat ng mga babaeng napapabalitang nakaka-fling nito ay nababaliw and worst nagsu-suicide. Maraming nagsampa ng complain against sa kanya pero dahil malakas ang kapit niya at walang sapat na ebidensiya na magdidiin dito ay hindi ito basta pwedeng hulihin. Kailangan mong alamin ang ginagawa niya sa mga babae," mahabang lahad nito.

"You want me to spy on him?" tanong niya rito. "That's easy though."

Kinuha niya ang folder at tinignan ang litrato ng lalaki na mukhang stolen shot. May kasama itong babae sa litrato.

Binuklat pa niya ang mga pahina kung saan nakadikit ang litrato ng iba't-ibang babae. At nakakabigla ang dami nito. They are more than 50! Ganito karami ang nag-take ng suicide for the past years. At lahat ito ay naging babae ni Lucian. Bakit nga ba di lumalabas sa telebisyon ang ganitong balita? Iba talaga ang lawak impluwensiya nito. Hindi niya ma-imagine ang nararamdaman ng bawat pamilya ng mga babae.

Devil Duology Book I: The Devil Behind Him (Completed) UNDER REVISIONWhere stories live. Discover now