Chapter VIII (UNDER EDITING)

197 6 0
                                    

Kinabukasan din ay sinamahan siya ni Agatha  sa kakilala nitong paranormal expert. She is very cautious on her every movement. Madalas pa siyang tumitingin at nakikiramdam sa paligid. Baka kasi nagpadala si Lucian ng mga tao para subaybayan ang bawat galaw niya. She can’t let her bestfriend be in jeopardy. Misyon niya ito at kailangan niyang siya lang ang humarap.
But she needs her friend as well. Hindi niya ma-execute ng maayos ang misyon kung patuloy na may bumubulabog sa kanyang hindi maipaliwanag na entity.

Good thing may kakilala itong expert na makakatulong sa kanya. Ayon kay Agatha, may kakayahan itong makakita ng mga out of this world entities. Hindi high tech ang gamit nito pero magaling itong magdrawing kung saan iginuguhit nito ang mga nakikita.

Nakatira ito sa isang village sa Malabon. Nang magpunta ay naabutan nila ang lalaki na abala sa paggawa ng sasakyan nito sa garahe.

"Magandang tanghali," bati ni Agatha. Ito ang nanguna. Nakatayo sila sa tapat ng gate nito. Tumigil ito sa ginagawa at tinignan sila.

"Oh Agatha? Napadalaw ka?" Tanong nito na kaagad lumapit sa kanila at pinagbuksan sila ng gate.

"Kailangan kasi ng tulong ng kaibigan ko. By the way, si Eli pala. Eli si Robin," walang patumpik-tumpik na sabi  nito.

Nilahad nito ang kamay na ginagap naman niya. "Nice to meet you," anito.

"Nice to meet you too," tugon niya rito.

Nawawari niya na mas matanda lang ng ilang taon ang lalaki. And in fairness, may hitsura ito. Maputi ito na singtangkad lang ni Lucian. Matangos ang ilong na mukhang espanyol.

Iginiya na sila nito papasok ng bahay nito. Maliit lang ang bahay nito pero maganda at maayos. Nababatid niya rin na single ito.

"Anong gusto niyo? Cofee?Juice?" tanong nito sa kanila.

"Hindi na," tugon niya rito. "Let's get to the point directly," Kung may bahid man ng pagmamadali sa kanya ay hindi niya sinasadya. Baka kasi tumawag si Lucian sa kanya at biglang makipagkita kaya dapat ay matapos na agad ito.

"Ano bang maipaglilingkod ko sainyo?" Tanong nito. Umupo ito sa one-seated. Umupo naman sila sa three-seated sofa.

"These past few days, may mga kababalaghan na nangyayari sa akin," simulang kwento niya. "Nakaka-amoy ako ng masangsang na amoy na .. na parang may sinusunog na laman. Tapos may itim na imahe na nagpapakita sa akin..Wala siyang hitsura. Itim lang talaga siya at may mahahabang kuko.."

"Kailan ang unang pagpapakita saiyo nito?" tanong ni Robin.

Inalala niya ang unang beses na nagparamdam ito.

"Sa elevator. Nakatayo ito sa harapan ng elevator. Sinundan ako nito hanggang unit ko. Patuloy na tumutunog ang doorbell ko  kahit walang tao. Minsan na rin itong nag-anyong tao para lang pagbuksan ko ito ng pinto ng gabing iyon,"

"Tapos?" tanong pa ni Robin na matiim lang na nakikinig sa kanya.

"Nagpakita din sa akin ito sa pet shop. Tapos nang nakaraang gabi. Nasa loob na siya ng unit ko!" nagsisimula nanamang tumaas ang mga balahibo niya.

"Have you perform any ghost ritual or something?" tanong nito.

Umiling siya. "I never believe in ghost why would I do that?"

"Is it a demon?" tanong ni Agatha dito.

"We can't say it's a demon yet. Or maybe a mere ghost who is trying to get attach to you because you are seeing it," sabi nito.

Devil Duology Book I: The Devil Behind Him (Completed) UNDER REVISIONDär berättelser lever. Upptäck nu