"Anong nangyari diyan?"

"Naipit po sa pintuan nila........ "

"Naku Sir kawawa naman siya. "

bago pa niya mayari yung sasabihin niya sumabat na ako.

"Oo nga, sige wag ka muna gumawa ng activity ngayon. Magpass ka na lang pag-okay na yang kamay mo. Basta ang idrodrawing mo parin ay ang partner mo."

" Sige po Sir."

"Sige Ms. Montereal ituloy mo lang yang ginagawa mo. Pagmagaling na yung partner mo saka na lang siya gagawa." Tumango na lang ako.

Marami na ang nakatapos. Malapit na ring mayari yung oras namin para sa klase na 'to. Matatapos ko na din naman yung ginagawa ko.

"Sir eto na po." pinass ko na yung drawing ko.

Kung itatanong niyo kung nakita ba ni Chonggo.  Syempre hindi kase kanina pa siya naka-dukdok natutulog. Hinayaan ko na kesa naman hindi ako makagawa dahil sa lagi kaming kontra sa isa't-isa.

"Great, ang galing mo pa rin talaga pag-dating sa arts." punta ni Jomar.

Oh hanggang tenga na naman ang ngiti ni ateng.

"Okay guys thats all for today. See you around. Oh Ms. Montereal sunod ka sa akin sa office para makuha mo yung mga notes na wala ka dahil absent ka nang mga nakaraang araw."

"Okay"

Oh teh ito na yung moment niyo yari na yung inis moment niyo ni TJ kilig moment na with Jomar.

^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^

@theOffice

"Oh heto na yung copy ng mga notes. Baka kase magpaquiz ako para may mareview ka. Bakit ka nga pala absent."

"Nagkasakit kase ako hindi na ako nakapagpadala ng excuse letter. Pasensya na."

"Okay lang."

"Maglulunch ka na ba gusto sabay tayo?" Tahasan kong pagtatanong.

"Pasensya ka na ha hindi kase pwede eh may kasama kase akong iba. Saka sa labas kami maglulunch."

"Sino yung kasabay mo? Ay sige okay lang pasensya kana tinanong ko pa siguro importante yan. Next time na lang siguro." tumango na lang siya. Tapos biglang ng ring cellphone niya. Tumingin muna siya sa akin.

"Ah sige alis na ako. Salamat sa notes." paalis na ako pero lumayo pa siya ng kaunti bago niya sinagot yung phone niya. Weird.

Paglabas ko ng faculty office nakita ko si Chonggo. Ano ginagawa nito dito? Oh sino hinihintay niya dito?

Hindi ko siya pinansin nilagpasan ko lang siya. Pero sumusunod siya sa akin.

"Partner napag-isipan mo na ba yung sinabi ko sayo noong nagpunta ako sa bahay mo? Tutulungan mo na ba ako?"

"Anong tutulungan? Ayoko nga wag mo nga akong idamay sa mga kalokohan mo."

"Please sige na. Gusto mo sabay tayong maglunch?"

"Naku ayan na naman yang lunch lunch mo na yan. Ayoko nga. Baka kung ano na naman yang pakulo mo isama mo nalang kahit sino wag na ako."

"Sige na dito lang naman sa school canteen baka sakaling magbago isip mo at matulungan mo na ako . Heto na nga pala yung picture niyo ni Jomar hindi ko pa naibigay nung nagpunta ako sa bahay mo."

"Buti naman at binigay mo pa. Kundi dahil dito hindi naman ako mapapahamak. Sige salamat alis na ako." naglakad ako ng mabilis para hindi na niya ako kulitin.

Ayan na naman siya eh. Kung mangyari na naman yung nangyari dati baka hindi ko mapigilan makalbo ko pa yung ex niyang bruha baka pagsisihan niyang sa akin siya nagpatulong.

Dahil sa paglalakad ko ng mabilis may nabunggo ako hindi naman yung classmate kung aswang pero pamilyar ang mukha nito. Si~si.......

"Jobel?  Ikaw ba yan?"

Ngumiti naman siya. So siya nga si Jobel. Naaalala nyo ba siya? Isa siya sa mga girlfriends ko sa dati kong school noong high school palang ako.

"Anong ginagawa mo dito? Dito ka ba nag-aaral?"

"Ah hindi may pupuntahan lang ako."

"Kamusta ka na?"

"Okay lang."

"Ako ayos lang din naman. Ok na ok pala kase alam mo girl andito si Jomar instructor namin siya sa isang subject . Ang galing noh nagkita ulit kami siguro kami talaga para sa isa't- isa."

"Ah."

"Ano ka ba hindi ka ba masaya nagkita tayo? Sayo lang ako walang contact sa ating magkakabarkada ah. Marami akong kwento sayo. Naglunch ka na ba? Lunch tayo libre kita."

"Ah hindi pwede may lakad kase akong iba."

"Sasamahan nalang kita mamaya pagkatapos nating kumain hindi nalang ako papasok sa isang klase ko para masamahan kita."

"Ah hindi siguro next time na lang. Nagmamadali din kasi ako baka hinihintay na ako ng kasama ko."

"Ganun ba may kasama ka pala buti naman. Sige next time na lang. Bye."

Umalis na siya ng walang ano-ano.

Aba isang weird pa tong kaibigan ko. Bigla nalang umalis ng hindi man lang nag bye. Mukhang aligaga nga noong nakita ako. Hindi ko man lang nakuha yung number niya.

"Sino yun?"

"Kaibigan ko." eh bakit sino ka bang nagtatanong ka.

Pagtingin ko si Chonggo pala.

"Andito ka na naman. Pwede ba layuan mo nga ako."

"Bakit partner naman kita ah."

"Kanina lang yun."

"Tara na iniwan ka naman ng kaibigan mo eh kain na tayo." hawak niya ako ngayon sa braso. How dare him?

"Ano ba pwede ba hindi nga ako sasama."

Pagdating namin ng canteen puno ang lahat ng table.

"Oh ayan wala ng table saan pa tayo kakain niyan ngayon."

"Edi sa ibang table. Labas tayo."

"Ha?"

Ayaw niya ako bitiwan.

Ngayon nasa loob na kami ng kotse niya.

"Sige na nga sasama na ako sayo. Siguraduhin mong wala kang pinaplano ngayon. Baka plano mong gamitin na naman ako."

"Hindi, wala akong plano. Maniwala ka na man."

"Mukha ka kasing mahirap pagkatiwalaan."

"Hay nako babae nga naman. Bumabawi lang naman ako sayo kaya inaaya kita magtanghalian. Saan mo ba gusto?"

"Kahit saan basta huwag lang doon sa mamahaling restaurant kung saan natin nakita yung ex mo."

"Okay."

==================================

A/N: Sasama din pala makipaglunch pakipot pa si atie. 

Abangan niyo nalang kung matutuloy ba talaga yung lunch na yan.

Pagpasensyahan na niyo na lang makapag-update lang eh. hihi. ^_^ Love lots!!!

Mr.SleepyHeadz and Me (ON-GOING)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant