Agad din naman kami nakarating sa bahay at nakitang nandon na din sila Cath at Karl.

"Nakita namin si Arman kila Marae." bungad ni Karl sa amin. "At mukang may balita sila."

"Kailan niyo nakita?" tanong ni Nathan

"Kahapon." Bagot na sagot ni Karl

"Kahapon?! Eh diba kahapon kasama niyo si M.?! At yung Emryk?" nabigla ako sa biglang sinabi ni Ken.

Mukang gulat din si Karl sa narinig.

Di dapat sinabi yon ni Ken.

"Papano mo nalaman?"

Ayan na nga ba. Malalaman nila na binabantayan namin sila.

"Hindi na importante yun. Ang tanong dito, bakit niyo kausap si M. kahapon at may kinuhang mga rosas sa kanya?" sambit ni Nathan.

Si Cath ang seryosong humarap kay Nathan habang naka ekis ang mga braso't nakataas ang kilay.

"Raket. Bakit Nathan? Pinagbibintangan mo nanaman kami?"

Huminga ng malalim si Nathan bago magsalita.

"Ayaw kong isipin na pinagtataksilan mo kami dahil kaibigan ka namin. Pero bakit? Bakit kausap niyo si M.? Atsaka bakit... parang mas pinipili mong kasama itong Karl na to?"

"Kailangan namin ng pera kaya may raket kami. Ok? At ang kay M. naman, hindi namin alam na siya pala ang nagtext sa amin na magpapadala ng bulaklak dun sa Emryk Miranda. Hindi na rin namin siya natanggihan dahil sayang din yung bayad dun." paliwanag ni Cath.

"Hindi ba kayo nagtaka bakit niya binigyan yung Emryk?" tanong bigla ni Jef

"Nagtaka nga din eh. Pero bago pa kami makapagtanong, sinabi na niya na nililigawan daw niya." nagkibit balikat si Cath. "Crush daw niya e. Ewan. Hindi na din kami nagtanong ni Karl."

Bigla namang humalakhak si Ken. "Aba ayos, Klever. Nakakamove on na siya sa'yo. Hahaha." Napatawa din naman yung iba habang ako ay masamang nakatingin sa kanya. Kaya nagfake cough siya at tumigil sa pagtawa at sineryoso ang mukha. 

"Bakit nga pala kayo nasa bahay ni Marae kahapon? Bakit hindi man lang kayo nangsasama?" tanong ko. Mukang nakuha ko din ang atensyon nila Ken, Jef at Nathan sa tanong ko.

"Sht! Oo nga pala!" Sinapo ni Cath ang kanyang ulo. "Karl! Yung gig!" natataranta na sambit nito.

"Nga pala! Buti pinaalala mo! Tara! May thirty minutes pa tayo para makarating dun at maghanda." tumingin sa amin si Karl saka nagpaalam. "Sige mga tol. Una na kami. May gagawin pa kami eh."

Tumango na lang kami sa kanila. Nang makaalis na sila, napatingin kami kay Nathan na nakapasok na pala ng sasakyan niya at sinundan ang dalawa.

Nang mawala na siya sa mga mata namin, napatingin kaming lahat sa isa't isa.

"Anong plano?" Tanong ni Ken

"Punta tayo kila Marae?" Sagot naman ni Jef. "Diba, may balita daw sa kanya?"

Tumango naman ako. Pagkatapos ay sumakay na kami sa aming mga sasakyan.

Ako ang naunang dumating sa bahay nila Marae. Oo pinagmamalaki ko talaga na ako ang nauna.

Nakita ko na merong isang hindi pamilyar na sasakyan ang nakaparada doon.

Bumaba na ako ng sasakyan at sabay sabay na kaming pumasok sa loob.

Nadatnan namin doon ang mga Kuya ni Marae saka si Arman na nag uusap.

Nandito nanaman siya?! Sabi nila Cath, Kakagaling lang niya kahapon dito ah?! Ano bang meron?

"Oh? Napadaan kayo?" tanong ni Kuya sky sa amin. si Kuya Cloud naman ay seryoso lang na nakatingin sa akin. Galit pa din. Si Arman naman ay nakipag tanguan kila Jef at Ken.

"Ahh Kuya alis na ako. May pupuntahan pa kasi ako eh." sabi ni Arman at tumayo na.

Nang makalabas na siya ng bahay ay nagkatinginan kami nila Jef at Ken.

Kailangan kong sundan si Arman.

"Mukang hindi ako welcome dito. Sige una na ako." palusot ko para makaalis nang hindi halatang susundan ko si Arman.

Sila Jef naman at Ken ay naiwan para makibalita.

Agad akong sumakay sa sasakyan ko at hinanap ang sasakyan ni Arman. Agad ko naman itong nakita na palabas pa lang ng kanto nila Marae kaya binagalan ko ng konti para hindi ako makita.

Mabuti na lang at medyo dumidilim na kaya ilaw na lang galing sa poste ang nagsisilibing liwanag dito sa kalsada.

Medyo nahirapan ako sa pagsunod sa kanya nang makarating kami sa may hi-way. Madami kasi ang mga sasakyan.

Nakita kong tumigil siya sa isang bar kaya tumigil din ako dun na hindi naman malayo sa sasakyan niya.

Hinintay ko muna siyang makapasok sa loob bago ako pumasok din.

Mukang ordinaryong bar lang ito at kahit sino ay pwedeng pumasok at kahit sino ay afford dito

Nakakasilaw ang iba't ibang ilaw na paikot ikot. Ngayon lang kasi ako nakapasok dito at ganito pala ang itsura.

Nakita kong parang may stage sa may harap at may mga instruments na nandoon.

Medyo madami ang tao kaya nahihirapan ako sa paghahanap kay Arman. Tsk. saan na ba yun?

Nagulat ako ng may tumapik sa balikat ko. Si Nathan pala.

Pumunta kami sa medyo konti ang tao at doon nag usap.

"Anong ginagawa mo dito?" sabay pa kaming nagtanong. Pinauna ko na siyang sumagot.

"Nandito sila Cath at Karl. Nasa may VIP eh kaya dito lang ako. May mga kasama din silang nandoon. Ikaw?"

"Nandito si Arman. Hinahanap ko nga e. Biglang nawala." sabi ko at luminga linga sa paligid.

Pangmayaman pala tong bar na to. Akala ko ordinaryo lang e. Haha

"Tol, una na ako. Ayun na sila." sabi ni Nathan at nakita kong pinuntahan sila Cath at Karl na mukang papunta ngayon sa stage.

Dito ang gig nila?! Pwede pala yun?

Nagvibrate ang phone ko kaya tinignan ko ito.

Nathan:

Nandito si Arman malapit sa stgae.

Agad naman akong pumunta sa sinabi ni Nathan at naaninag nga doon si Arman na may mga kasama.

Tumayo sila at umalis. Agad ko naman silang sinundan hanggang sa makalabas sila.

Mukang nagmamadali sila dahil yung isang lalaki na kasama niya ay nakabangga pa ng lalaking dumaan.

"Aray! Tumingin ka naman sa dinadaanan mo!" galit na saad nito. Napayuko na lang yung lalaki saka umalis.

Pagkaalis nila, may nakita akong bagay na nahulog nung lalaking kasama ni Arman na nakabangga.

Pinulot ko yun at nabigla sa nakita.

Panyo na may letter K sa dulo. Katulad ng mga napulot ko.

Napaangat ang ulo ko para tignan ulit sila at nakitang sumakay sila sa kani kanilang sasakyan.

Sumakay na din ako sa sasakyan ko at sinundan sila.

Mabilis ang pagpapatakbo nila kaya minadali ko din.

Nang magkahiwa hiwalay sila ng destinasyon, ay napagpasyahan kong yung lalaking nakahulog na lang ng panyo ang sundan ko imbes na si Arman.

Habang nagdi'drive ay nagvibrate ang phone ko.

May text galing kay Nathan at isa galing kay Ken na nagtext pala sa akin kanina nang nasa bar pa ako. 

Nathan:

'Klever. Sorry. Nahuli na ako nila Cath at Karl na sinusundan sila.'

Pero mas napukaw ang atensyon ko sa text ni Ken:

'Pre! Good news! Mukang si Marae nga ang nakita mo sa coffee shop! Ayon sa mga kuya ni Marae, nakumpirma ng mga pulis na hindi si Marae ang bangkay. Buhay si Marae, Klever!'

PVP2: Playing The BattleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon