Bigla naman akong na-conscious dahil sa posisyon namin. I realized I was sitting on the space between his body and right arm but I couldn't move away.

"Bakit pala dito ka natulog?" tanong ko para mawala ang atensyon ko ro'n.

"Nasakop na nila 'yong buong higaan. Wala na akong mapwestuhan pagbalik ko."

"Bakit hindi ka nagdala ng unan at kumot?"

"Nakuha na rin nilang lahat . . . kaya dito ka lang," seryoso niyang sabi kaya medyo nag-panic ako.

"Huh?!"

"Pangharang sa araw at hangin."

I should've expected that kind of answer but my anger slipped and pinched his nose in return.

"Ayan, hinarangan ko na ang hangin. Don't worry, hindi mo na rin makikita ang araw," I coldly said while he was struggling to remove my hand from his nose.

"Joke lang!" sigaw niya pero hindi ko pa rin siya tinigilan. Para 'to sa mga kilos niyang nagpagulo ng isip ko. Suffer, you misleading guy.

Bigla naman siyang huminto sa pagtanggal sa kamay ko at nagulat ako nang hawakan niya ang bewang ko. The next thing I knew, our positions had already interchanged. I was still in the middle of shock and confusion when he looked at me with a humorless expression.

"Ang sakit no'n," sabay hawak niya sa ilong niya habang nakatingin pa rin sa akin. Nakaka-intimidate pala kapag ikaw ang nakahiga at ang kausap mo ang nakaupo. I had no choice but to look up.

"You deserve that," I muttered.

Pareho naman kaming napatigil nang may narinig kaming sumigaw pero pagkatapos no'n ay ngumiti siya. It turned out na may nagtitinda ng pandesal habang naglalakad. Pagtingin ko sa relo ko, 6 A.M. pa lang. Ang aga naman niyang magtinda.

Bumili si Jazer ng at nilapag niya ang isang balot sa papag. My stomach growled upon seeing those freshly-baked bread rolls.

"Gusto mo ba ng kape?" tanong niya at tumango naman ako.

Pagkatapos no'n ay pumasok siya sa loob habang naiwan ako ritong mag-isa. Makalipas ang ilang minuto ay may bitbit na siyang dalawang tasa ng kape at nakasunod sa kanya sina Jem at Jessa. Nagsimula kaming kumain at maya-maya lang ay naglabas si Jazer ng gitara.

He started strumming. I didn't know that he can play the guitar. At least, tumugtog lang siya at si Jem ang kumakanta. Well, not really, since she was just humming along but her voice was a lot better than her brother.

The other kids woke up an hour later and the house was filled with noise in no time. Ako naman ang pumasok sa bahay at naabutan ko si Nanay Fe na nagwawalis sa loob.

"Ang aga mo yatang nagising ngayon, Chloe?" masaya niyang bati. Naalala ko naman bigla ang panaginip ko kanina kaya hindi na ako nakatulog ulit.

"I think I'm . . . namamahay? Is that the right term?"

Ngumiti naman si Nanay Fe at tinanong niya ako kung ayos lang ba ang pakiramdam ko. She was worried that I would find it difficult to live here. Hindi naman gano'n kahirap mag-adjust, I think?

"Ah, oo nga pala, Nanay Meling. Why didn't you return after three months?" tanong ko dahil 'yon ang paalam niya sa akin dati.

"Ang totoo niyan, balak ko na sanang bumalik pero sabi ni JJ, okay lang daw na siya muna roon. Kaya naman daw niya ang trabaho at gusto niyang dito muna ako para maasikaso ko ang mga kapatid niya." Saglit namang natawa si Nanay Fe. "At ayaw na niya ring mag-ayos ng mga papel para sa paglipat na naman ng eskwelahan."

Baby MadnessWhere stories live. Discover now