Chapter 8

100K 3.8K 175
                                    


"O," sabay abot niya sa akin ng face towel at dahil ang lamig na sa balat ay kinuha ko 'yon kaagad.

"I should've thrown those glasses of water back at them," bulong ko sa sarili ko dahil hindi ako nakaganti sa nagtapon sa akin ng tubig. Bwisit.

"Kakain ka ba?" tanong naman niya at doon ko lang napansin na dala niya ang pagkain namin na naka-paperbox.

"Oo. Wait."

Nilagay ko na lang sa loob ng blouse ko ang towel at after that ay kinuha ko sa kanya ang pagkain ko. Tahimik naman kaming kumain dito sa bench area at buti na lang ay walang fantards dito ngayon. Actually, I'm quite thankful to him since he didn't ask any questions, unlike before. Also, if he wasn't around a while ago, there might be a fight in the cafeteria right now.

Napatingin ako sa kanya pero napansin kong nakatingin siya sa akin kaya napakunot ang noo ko.

"Ano?" pagalit kong tanong.

"Wala naman," sagot naman niya.

Hindi ko na lang siya pinansin at tinapos ko ang pagkain ko. After that ay dinial ko ang number ni Kuya Larry at agad naman siyang sumagot.

"O, Chloe, bakit?"

"Pasundo na ako Kuya." Pagkasabi ko no'n ay napatingin sa akin si Jazer at nag-iba naman ang tono ni Kuya Larry.

"Ha? Hindi ba mamayang alas-sais ka pa?"

"Wala ang prof ko sa next classes kaya pwede na akong umuwi."

"Gano'n ba?"

"Yeah. Please fetch me up at 3 PM. Thank you."

In-end ko kaagad ang call para hindi na siya magtanong pa.

"Hindi ka na papasok?" tanong kaagad ni Jazer matapos kong kausapin si Kuya Larry.

"Hindi na. Maraming fantards sa susunod kong mga klase at ayaw kong makasalumuha sila ngayon."

"Hmm . . ."

Tinapon naman niya sa basurahan ang pinagkainan namin at pagbalik niya ay sumandal siya sa bench. Naglabas siya ng notebook at tinakip niya 'yon sa mukha niya. Teka parang pamilyar 'to, ah?

Kinuha ko ang notebook mula sa mukha niya kaya naman napatingin siya sa akin.

"Matutulog ka?" tanong ko.

"Oo. Thirty minutes pa naman bago makarating si Kuya Larry, 'di ba?"

Wait, ano raw? At ano namang pakialam niya kung dumating si Kuya Larry? Wala ba siyang klase at may balak siyang matulog dito?

"Ano naman? Pumasok ka na nga sa klase mo," saka ko binato pabalik ang notebook niya.

"Morning class lang ako kapag Monday."

Napatingin naman ako sa kanya. Morning class? Kaya ba ang aga niya sa sasakyan noong nakaraang Monday?

"Eh bakit hindi ka magpasundo kay Kuya Larry ng mas maaga kung umaga lang pala ang class mo?"

"Sayang sa oras niya kapag dalawang beses pa siyang babalik dito. Pwede rin naman akong mamasahe pabalik pero sayang rin sa oras kaya nag-aral muna ako sa library," sabay pakita niya sa notebook niya.

"Tss. GC."

Hindi naman na ulit kami nagpansinan at nilagay niya ulit ang notebook sa mukha niya. Ako naman, nakinig na lang ng music habang naghihintay kay Kuya Larry.

"Let's go."

Bigla naman akong napailing nang maalala ko 'yon. Napatingin ako sa kanya at mukhang tulog na nga ang loko. How can he sleep in that uncomfortable position? He looked funny.

Baby MadnessWhere stories live. Discover now