Chapter 9

102K 3.5K 168
                                    


Buong linggo ay nakaramdam ako ng pangmamata, though I really don't care. Alam ko namang dahil 'yon sa ginawa ko sa "Queen" nila at wala akong pinagsisisihan. I may be viewed as immature but that was my own may of dealing with my enemies. In fact, they were more pathetic than I am.

Paakyat na sana ako sa hagdan pero nagulat ako nang bigla nalang may nanghatak sa akin papunta sa storage room. Panic started to overwhelm me and when we finally stopped walking, I turned around and saw the jerk. I calmed myself down and glared at him.

"What the fucking hell are you doing, Iñigo?"

"I'm sorry, I just really need to talk to you."

Ewan ko ba pero tuwing nakikita ko ang mukha niya ay si Queenie ang naaalala ko kaya lalo akong naiinis. Yeah, I admit, I liked his company and he was comfortable to be with, but right now he's just an annoying guy. Ang sarap niyang suntukin sa mukha.

"And? Do you really have to bring me here? Para ano? Para hindi ka makita ng fans n'yo?" Tss. What a coward.

"I know it's getting out of hand—"

"It's worse than that, Iñigo," putol ko sa pagsasalita niya. "Kaya pwede ba? Magpakalalaki ka at gawin mo na ang dapat mong gawin, hindi 'yong dinadamay n'yo pa ako sa relasyon n'yo."

Naging seryoso naman bigla ang expression niya. Kita ko rin ang lungkot, guilt at stress sa mukha niya at hindi ko alam kung bakit pero naalala ko bigla ang high school times namin. Hindi ko na siya nakikitang nakangiti nitong mga nakaraang araw at—wait, ano bang paki ko sa kanya? Tss. Magdusa siya.

"I know, Chloe, pero kahit anong gawin natin, kasama ka na sa gulong 'to. And I'm really sorry for that."

"Buti naman at alam mong kasalanan mo," sabi ko habang nakapamaywang. "Though that annoying girlfriend of yours made it worse."

"Meet us tomorrow," sabi niya at napatigil naman ako sa paggalaw.

"What?!"

"Let's face each other, once and for all."

"And why do I need to be there? Kayong dalawa ang dapat mag-usap. Huwag n'yo na akong idamay."

Naglakad ako palayo sa kanya at nilabas ko ang phone ko para magpatugtog paglabas ko rito pero napahinto ako dahil sa ginawa niya.

"Please," rinig ko at nakita ko sa reflection ng phone ko na nakaluhod siya sa direksyon ko. Hindi ko siya pinansin at tuluyan nang lumabas.


***

"There's the bitch."

"Nakita mo ba 'yong video? Grabe sobrang warfreak."

"Kawawa talaga si Ate Queenie. Hindi naman siya inaano pero bigla na lang binuhusan ng tubig ng babaeng 'yan."

Tumingin ako sa direksyon nila at ngumiti sa kanila kaya naman napaatras sila. Pathetic. Matapang lang sila kapag may kasama sila pero kapag icoconfront na, mag-uunahang tumakbo.

Nakarating ako sa class ko at buti na lang ay wala akong katabi, though most of my classes naman ay empty seat lagi ang katabi ko. Nagsimulang magdiscuss ang prof namin at nasa kalagitnaan ako ng pakikinig nang bigla na lang lumingon ang nasa harapan ko at ngumiti sa akin.

"Thanks," she mouthed and I was confused for a second, then I remembered her face. Siya ang nagtanong sa akin no'ng Monday about doon sa readings. Katrina? Was that her name? Nakalimutan ko na. At bakit ko ba kailangang alalahanin?

Baby MadnessWhere stories live. Discover now