Chapter 7

104K 4.2K 369
                                    


Pinatay ko kaagad ang alarm clock ko dahil naririndi ako sa tunog.

"Five minutes," I murmured but I can't go back to sleep anymore. Ugh. That damn alarm clock!

Dahil hindi na ulit ako makatulog, pinilit kong bumangon kahit na gusto ko pang mahiga. Dumiretso kaagad ako sa banyo at nagprepare and after some time ay lumabas ako ng kwarto. As usual, nasa harapan na naman ng pinto ko ang bubwit at nang nakita niya ako ay ngumiti siya nang malawak sabay takbo pababa ng hagdan.

"Ate's here na!" sigaw niya habang bumababa.

"Dahan-dahan, Czanelle. Huwag kang tumakbo sa hagdan," saway naman ni Jazer na sinalubong siya at inalalayan pababa. Napatingin siya sa direksyon ko at umirap naman ako dahil naalala ko ang sinabi niya noong isang araw. Bago pa tuluyang sumama ang mood ko ay inalis ko na kaagad 'yon sa isip ko at bumaba na.

Pagdating ko roon, nakahain na ang pagkain. Sa sala naman ay naglalakad si Clark at tuwang-tuwa si Nanay Meling habang inaalalayan siya. Clark giggled as he walked away from Nanay Meling.

Umupo ako at nagsimulang kumain. Tahimik lang akong kumakain nang biglang may humawak sa binti ko kaya napasigaw ako. And then I saw Clark, clinging to my leg, and when he saw me looking at him, he mumbled something and giggled.

This kid!

"Mukhang nagiging malapit na rin sa'yo si Clark," sabi ni Jazer at tinarayan ko lang siya.

After that ay nagprepare agad ako sa kwarto ko. Pagbaba ko ay palabas na rin sina Czanelle at Jazer. Dumiretso kaming tatlo sa kotse at tahimik na nagmaneho si Kuya Larry.

Nang nakarating kami sa school ni Czanelle ay bumaba sila ni Jazer. Naiwan naman kaming dalawa ni Kuya Larry at as usual, nakatingin na naman siya sa akin dahil hindi ako sumama sa kanila. Hindi ko siya binigyan ng pagkakataon na tanungin pa ako dahil sinaksak ko kaagad ang earphones sa tenga ko. Pagbalik ni Jazer ay agad din kaming dumiretso sa university.

Pagpasok namin ay humiwalay agad ako sa kanya ng daan at dumiretso ako sa klase ko. Dahil masyado akong maaga ay ako lang mag-isa ang nandito. Well, it wasn't that bad. At least I can have some peace of mind. The silence was actually soothing.

Dahil sa gilid ako nakaupo ay sumandal ako sa bintana sa may bandang corridor at pumikit. Ang sarap sanang matulog pero baka antukin ako kapag klase na.

"Chloe."

Bigla namang nawala ang peace sa paligid nang narinig ko ang boses na 'yon. I know that he was behind me. Lumingon ako sa kanya at sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Ano na naman? Bakit ka nandito?"

"Chloe, I just want to—"

"Leave me alone, Iñigo," pagalit kong sabi sa kanya. "Kaya ako ang napagdidiskitahan ng fans n'yo, eh. Imbes na kayong dalawa ang mag-usap, ako pa ang kinukulit n'yo. I don't want to be involved with your mess anymore, so please, habang hindi pa nauubos ang pasensya ko, lubayan mo na ako."

Hindi siya nakapagsalita after that at tahimik siyang umalis sa harapan ko. Nang makalayo na siya ay napabuntong-hininga na lang ako.

Isa-isa na ring nagsidatingan ang classmates ko kaya umayos na ako ng upo at naghintay na lang sa prof namin. After some time ay nakumpleto ang class at dumating na si Sir. Nag-discuss lang siya and then nagpa-quiz kaya naman nabadtrip ako kasi hindi ko masyadong naintindihan ang lecture niya kanina.

Right after that ay dumiretso ako sa next class pero wala raw ang prof namin. Ang nakakainis pa ay ang last subject ko ay mamayang 4 PM pa kaya naman sandamakmak na vacant hours ang meron ako ngayon. Kaya naman pumunta na lang ako sa library para matulog. Pagdating ko roon ay pumunta ako sa lagi kong pwesto—doon sa pinakadulo.

Baby MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon