Chapter 37

77.7K 3.4K 566
                                    



"Huy, may gwapo akong classmate."

"Gwapo lang? Ay, sa isang subject ko ang daming gwapo. Papables."

"Landi n'yo, mag-aral nga kayo."

"Tss. KJ mo."

Napairap na lang ako dahil sa ingay sa kabilang table kaya tumayo ako at lumipat ng pwesto. I ended up sitting on my favorite spot—the table at the hidden corner of the library.

Padabog kong binaba ang bag ko at saka ko inilapag ang books sa mesa. Kailangan ko nang mag-aral nang mabuti sa Advanced Calculus dahil paniguradong 'yon ang crucial sa pagiging Laude standing ko.

Two weeks na simula nang magsimula ang sem pero pagod na agad ako. Pakiramdam ko hell month na kaagad. Totoo nga ang narinig ko sa batchmates ko. Third year second sem ang pinakamahirap sa course namin.

"Iiyak mo lang. Hindi malalaman ng mundo."

Ugh! Stop pestering me! I cursed as I hit my head with my pen. Bwisit. Simula noong araw na 'yon, lagi ko na lang naiisip ang mga pinaggagawa niya.

I already admitted to myself that I like him but that was it. In fact, I wanted to stop this madness but it was hard, especially when I see him everyday. That bitch said I should confess and mind the consequences later but I'd rather hold it in. I have no intention to tell him my feelings.

Was it cowardice? Maybe. I already got hurt before and it was devastating enough that I had to close my heart to any feelings and commitment. Unti-unti ko nang tinatanggap 'yon at kahit papaano ay napatawad ko na ang parents ko pero hindi pa rin 'yon sapat.

"Hey, witch." Napatingin na lang ako kay Queenie na nakaupo na sa tapat ko. "You look ugly today. What's up?"

"Piss off, bitch," I retorted.

"Don't want to. Too many tards out there," she muttered as she snarled at those girls' direction.

"So? Sila ang bwisitin mo, huwag ako."

"So how's your prince?" pag-iiba niya sa topic kaya hindi ko na lang siya pinansin. "Did you confess? Ni-reject ka ba niya? How d—"

"Oh, for freak's sake, shut the hell up!"

"Nah. Not scared."

"Look, it's Iñigo," sabay turo ko sa likuran niya.

"Ha-ha. I know that's a bluff, witch."

I stared at her and after a few seconds, smiled smugly. Her brows furrowed and her smirk turned into an alarmed expression. She finally realized what was going on but it was too late.

"Not this time, bitch," I retorted as Iñigo sat beside her.

"Queenie," he called and her shoulder tensed.

"Enjoy your time," sabi ko saka ako tumayo. "Bye."

"Bye, Chloe," sabay ngiti ni Iñigo. "Thanks."

Agad akong naglakad palayo sa kanila at tiningnan ko nang masama ang mga chismosang nakatingin sa direksyon na 'yon. Paglabas ko ng library ay dumiretso ako sa bench area pero napatigil ako nang makita kong magkatabing nakaupo sina Jazer at Katrina. They looked at my direction so I quickly turned around. I couldn't understand why my heart was pounding loudly. Was it because I felt like I was caught? Or was it jealousy?

Huminga na lang ako nang malalim at saka naglakad palayo. Papasok na lang ako nang maaga sa klase.


Baby MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon