Pagdating ko sa classroom ay napansin kong napakatahimik noon, nakakapanibago dahil kapag ganitong oras ang room namin ay punong puno ng estudyante at napakaiingay nilang lahat
Binuksan ko na lang ang pintuan ng classroom pero bigla na lang may bumagsak sa aking kung ano-ano, nang tingnan ko ang katawan ko ay nakita ko ang maitim na tubig, siguro ay tubig mula sa canal
Hindi ko na lang iyon pinansin at sa halip ay dumiretso na lang ako sa upuan ko sa pinakadulo sa likod at umupo, pagupo ko sa upuan ko ay bigla na lang may bumato sa akin ng isang lukos nang papel at doon na nagsimula ang pambabato nila sa akin
Pero anong reaksyon ko? Wala lang, nakatanga lang ako at nakatingin sa bintana habang pinagmamasdan ang langit
Hays! Bakit naman kasi napakatagal akong tawagin ng mga summoners sa ibang mundo, nagsasawa na ako sa mundong to
Pagkilapas ng ilang minuto ay pumasok na ang tarantado naming teacher at ang ganda din ng bati niya sa akin, bianto niya ako ng class attendance niya... and guess what?! Sapul ako sa mukha kaya naman nagdugo yung ilong ko
Dahil doon ay nagsipagtawanan ang mga classmates ko, tch! Fucking assholes! Maghintay lang kayo at kapag naisummon na ako siguradong babalikan ko kayo at ibabalik ko sa inyo ang lahat ng pabor na ginawa niyo sa akin, yun nga lang ten times fold at mas malala iyon
May sinabi lang na kung ano-ano yung teacher pero wala akong pakielam sa kanya, pero ang huli niyang sinabi ay medyo nakakuha ng atensyon ko
"May bago kayong classmate, iha pumasok ka na" sabi nung gago naming teacher tapos ay bumukas ang pintuan namin at pumasok doon ang isang babae
Masasabi kong maganda yung babae, may katangkaran tapos ay maputi, mahaba ang straight na straight niyang buhok at napakaamo ng kanyang mukha, pero ang mas nakakuha ng atensyon ko ay ang kanyang mga mata na kulay asul
Well like I said wala akong pakielam sa three dimensional people kaya naman inalis ko na lang yung tingin ko doon sa babae at muling ibinalik ang tingin ko sa bintana, buti pa dito maganda yung view at napakatahmik
Puta dito sa loob napakapangit eh, feeling ko nga masusuka na ako kapag tinitingnan ko yung pagmumukha ng mga kaklase kong walang mga kwenta
Narinig kong nagpakilala yung babae pero hindi ko na inintindi, tutal baka isa pa siya sa dadagdag sa mga bullies ko
Well wala naman sa akin iyon kung madagdagan ang bilang nila ng isa eh, imagine buong school binubully ako including teachers and school stuuf tapos poproblemahin ko pa ang pagdagdag ng isa sa mga bilang nila? Tch!
Narinig ko ang tarantadong teacher namin na pinahanap na ng upuan yung bago nilang kaklase, hindi ko kasi tinuturing na belong yung sarili ko dito kaya "nila" yung term ko
Anyway wala naman akong pake kaya naman hindi ko na sila pinagiintindi, sasakit lang ang ulo kapag pinansin ko lahat ng mga kumag na to
"Hi" napatingin ako sa tabi ko nang may marinig akong magsalita, yung bago pala nilang kaklase nasa tabi ko... wait! Bakit nasa tabi ko to?!
Tiningnan ko siya na para bang nagtatanong pero nginitian niya lang ako, what the fuck was wrong with this girl?!
"You shouldn't sit here" cold na sabi ko sa kanya tapos ay muli kong ibinalik ang tingin ko sa labas
"I'm Charlene, ikaw anong pangalan mo?" muli kong ibinalik ang tingin ko sa kanya ng magpakilala siya sa kin, seriously?! May sira ba sa pagiisip ang babaeng to?! Tiningnan ko siya na para bang naweweirduhan ako sa kanya pero tanging matamis na ngiti lang ang isinukli niya sa akin
![](https://img.wattpad.com/cover/154944624-288-k385754.jpg)
YOU ARE READING
The Ultimate Anti-Hero Wants To Be The Hero (ON HOLD)
FantasyWhat will happen if a person that believes he would be a heron in another world gets summoned in alternate world wherein Wars, Different Races, Demon Lords, Heroes and Magic exists. But there's a big problem... The boy expects he is summoned to be t...
Chapter 1 - I am the Anti-Hero?!
Start from the beginning