She almost run to me and I smiled looking at her getting so excited. Ah, it's nice to see her after a long time. She's one of the relatives I would want to see.

She gave me a hug and I heard Priam laughing at my side. Tinapik niya ako habang yakap ko si Ate Somalia.

"My favorite niece.. I'm glad you're here now." Sunod na yumakap ay si Tita Lerize.

Ganoon pa rin siya, maganda pa rin at hindi makikita ang edad sa postura niya. She looks so classic.

But aside from our noise, tahimik na ang iba pang nasa loob ng bahay.

"Tss.. agaw eksena talaga. Gusto parati ng grand entrance." I heard an irritable voice murmuring.

"Stop it, Lerissa. Have some decency." Pigil naman dito ng kaboses ni Levis.

Tumutok ang naiinis na tingin ni Tita Lerize sa anak. "Don't ruin this event, Lerissa. I am warning you." matigas niyang pahayag.

Lumapit kay Tita ang kanyang asawa na si Uncle Benedict. Hinaplos niya ang asawa sa balikat na tila pinapahinahon.

"Come on, Lerize.. Your daughter's just tired from her studies."

"Tired from her studies? Benedict, Saturday kahapon! Ang sabihin mo, puyat sa kaka-party! Pagsabihan mo nga iyang anak mo." Umiiling na nag-walk out si Tita.

I earned a glare from Lerissa and she walked out too. Uncle Benedict gave me a serious nod and went after his wife. Hindi talaga kami close ng asawa ni Tita. Isa pa'y tino-tolerate niya ang kamalditahan ng anak. Madalas din siyang makinig sa mga sumbong nitong walang basehan.

"Nasaan na ba si Tito Rich? We should start already."

Napabaling ako sa nagsalita at nagulat ako ng makita si Soffia. Nakatingin din siya sa akin at akala ko'y iirapan niya ako ngunit walang reaksyon lang siyang umiwas ng tingin. Actually, we're not in good terms. And I don't expect her to greet me with enthusiasm.

"Nandoon pa sa loob ng study room niya. May kausap daw na investor sa phone." Uncle Lorenzo explained.

He smiled at me then gave me a hug.
He's my mother's eldest brother. Apat  na magkakapatid si Mom, Tita Lerize, Tito Lucas at Tito Lorenzo.

Tito Lorenzo is the father of Ate Somalia and Soffia.

"Dad is with him too. Mga workaholic." Naiiling na pagtawa ni Priam.

Mukha siyang lasing at bangag sa pagtawa niya. Though I know he's in his sober state.

"Come on, Dazz.. doon na lang tayo sa living room.." Soffia muttered.

Tinaasan ko ng kilay ang 'langyang si Dazzel. Napakamot lang siya sa batok habang sumusunod kay Soffia. Hay naku. Hanggang ngayon ba naman..

Hindi na nadala.

**

"O girl, ba't nakapangalumbaba ka diyan? Kain ka na. Sayang ang steak oh." Nang-iinis na sabi ni Gigi.

Nakasimangot na tiningnan ko silang dalawa ni Arnie. Habang tila wala lang iyon sa kanila dahil panay na ang lamon nila. Mga walang hiya talaga.

"Ba't kasi hindi niyo ako in-informed! Lutang tuloy ako kanina! Akala ko natanggal na ako." I sighed and paid attention to my lunch.

Sayang din ang pagkain.

"Hoy! Dapat nga magpasalamat ka pa! Ayan oh, si Big Boss gorgeous na ang kasama mo parati! Hindi mo na makikita ang pagmumukha ni Reyna ng Kadiliman!" Arnie exaggeratedy said.

Sabay tapik niya sa akin. Natapon tuloy ang sinusubo kong lasagna.

"Oo nga, ang lucky mo kaya! Ako kailan ko kaya makaka-face to face ang kagwapuhan ni Boss Apollo? Patingin nga." Sabay hawak naman ni Gigi ng mukha ko at ini-anggulo niya ng side view. Pimagmasdan niya iyon ng mabuti. "Ganito sigurong ka- Dyosahan ang requirement para magka-chance na makita ang HD na mukha ni Boss."

Naiiling na iniiwas ko ang mukha ko sa scrutiny niya.

"Tama ka diyan, girl! Ikaw kasi eh, kapangalan mo lang si Gigi Hadid pero ni kahit isang features hindi mo nakuha!" Sabay tawa ni Arnie.

Sumimangot si Gigi sabay hampas kay Arnie. This is a physical riot, my gosh! I should leave them. Baka magkapasa-pasa pa ako sa harutan nila.

Naiiling na pumasok ako sa elevator.
Si Wax ang naabutan ko roon at isa pang babaeng employee. Regular employee na roon si Wax at madalas ko siyang makasabay kumain kasama si Arnie at Gigi. He's a good guy, gentleman at dedicated sa work. He's got the looks too.

"Hey, Freesh!" He smiled charmingly at me. "Na-receive mo ba ang binigay kong flowers at chocolates?"

I smiled back at him then raised a brow. "Wala naman akong natatanggap ah."

Mukhang tama nga sila Gigi at Arnie na may gusto sa akin 'tong si Wax. Matagal na nila iyong sinabi pero ipinagsawalang bahala ko na lang.

Napakamot ito sa batok. "Bakit kaya? Iniabot ko iyon kanina kay Arnie ah?"

That answers it. Kung na kay Arnie na iyon then wala na iyon. Tepok na. Malamang ipinost na noon sa instagram iyon pagkatapos ay kinain ang chocolates.

"Nailipat na kasi ako, eh. Hindi na ako under kay Miss Pagudpod." Pagdadahilan ko na lang. "Bye."

Bumukas na ang elevator at nasa 3rd floor na iyon. Napapalatak si Wax and just waved at me. Sigurado, magti-text  iyon mamaya para maki-chismis.

Bumaba na rin sa 4th floor ang babae kaya ako na lang ang naiwan. Sa 5th floor pa ako bababa eh.

Bumungad doon sa akin ang nakakamangha niyang office. Yes, Apollo's my superior now. Hindi ko alam kung ano ang sinabi niya kay Miss Pagudpod pero hindi niya ito itinanggal. And I went to the office this morning only to be informed that I'm not under Queen of the Damned supervision.

Hindi ko naman inaasahan na si-swertehin pala ako lalo dahil mababantayan ko na si Apollo sa kanyang opisina.

I grinned at the thought. No one's coming after my Apollo. Walang makakalampas sa surveillance ko. Walang makakalapit na ibang babae sa kanya!

But my grin vanished when I entered his luxurious office..

For I saw him smiling while talking to a sexy and sophisticated lady.. At mukha silang super close!

***

The Runaway GroomOù les histoires vivent. Découvrez maintenant