Chapter 10

121K 2.7K 184
                                    

Every girl has this male friend
who is a friend
but the whole universe thinks
he is not just a friend
~Nikita Gill~

🍎

"You're late..."

NANG makabawi ako sa gulat, mabilis kong nilagok ang baso na may lamang alak na nasa harap ko. Lumunok pa ako tsaka ako tumayo at naupo sa upuan na nasa tabi ni Yro.

Narinig ko ang pagprotesta niya sa ginawa kong paglayo sa kanya pero pinagwalang bahala ko na lang siya. Shit! Bakit ba kasi itong pusong 'to, nagre-react ng ganun-ganun! Gosh!

"At least nakahabol ako" Sabi ko naman sa kanya bago tinapunan ng tingin sina Caileen at Iya na nasa gilid. Malapit kila Czero at Trace. I glared at them when they threw me a knowing grin.

Tignan niyo ang mga yan. Kadarating ko lang, nagsisimula na naman silang manukso.

"Alam mo fren, kanina pa walang imik yang si Yro at puro pag-inom lang ang ginagawa" Bulong sa akin ni Iya para hindi marinig ni Yro at kumindat. Kumunot naman ang noo ko. "Jino-joke time mo ba ako? Baka ang sabihin mo, nakipaglandian na naman" Irap ko tsaka tinapunan si Yro ng tingin nung biglang pumaikot sa baywang ko ang isang kamay niya. Hindi siya nagsalita at tumungga ulit sa alak niya.

Sinundot ko siya sa tagiliran. "Qazvin, wag kang maglalasing ah. Sasampalin kita gamit ang tsinelas kapag sumobra yang inom mo" Seryoso kong sabi sa kanya dahil apat na walang lamang bote ang nakalapag sa harap niya. Ngayon, may isa pa siyang iniinom.

Tumango lang siya at hinagod konti ang baywang ko tsaka ulit uminom sa bote na hawak niya.

Bumaling ako kay Iya nung natahimik siya at nakitang nakatingin siya sa mga babae na nasa kandungan nina Blue, Gavin, Red at Eux na mga babae. Napatitig na rin ako. Sa huli ay napailing na lang ako. Ewan ko kung anong magandang naidudulot ng pagiging babaero nila sa buhay nila. But well, they are guys so I think that's normal?

Sa 21st century kasi, iilan na lang ang loyal. Iilan lang ang disente. At mabibilang lang ang mga lalaking hindi naghahanap ng pinapasukang kuweba from time to time. Etong mga ito, grabe! Pero hindi ko rin naman sila masisisi dahil pure blooded na playboy ang mga ito. They are all good looking and not to deny the fact that they are bachelors. Women throw themselves to them even if these guys doesn't even show any motive towards them.

I just wonder who would be the right women that could tame up these guys.

Tumingin si Iya sa akin. "Kanina, may tatlong babaeng isa-isang nag-aya at nagpakilala kay Yro pero tumanggi siya. Sabi niya may asawa na daw siya. Briane daw ang pangalan. Akalain mo yon? Grabe nga ang panunukso nina Czero sa kanya kanina" She chuckled.

Napanganga ako. "Ano?"

Lumapit na rin si Caileen sa amin at ngumiti. "Kung di ka maniniwala, bahala ka sa buhay mo. Pero yang si Yro, talagang di namamansin kanina pa. Tipid nga lang sumagot kapag kinakausap"

Mahina akong natawa. "Ganun? Baka may nakaing mali?" Mahinang bulong ko para di marinig ni Yro. They giggled. "Ang sabihin mo, ikaw lang talaga ang hinihintay!"

Napailing na lang ako at napairap. Sus! Maniwala ako, tsk!

Ilang minuto pa kaming nagku-kwentuhan nang mapansin kong wala si Ivo lalo na si Hunter. Medyo light kasi ang mood kapag wala siya. That man is really hot but scary at the same time. "Asan si Hunter?" Tanong ko kay Yro pero natutop ko ang bibig ko nang mapansing dumilim ang mga mata niya.

He glared at me. "Why do you care?" Walang buhay niyang tanong kaya ngumuso ako. Wala sa sariling napangiti naman ako nung walang hirap niyang hinila ang upuan ko palapit sa kanya.

The Playboy Game Changer (REVISING)Where stories live. Discover now