"Nakakamangha kayo. Sa unang pagkakataon lang yata napahiya at nataasan si Dr. Lertez dahil wala pa noon ang nagtangkang makaligtas sa kanya. Imposible mang isipin ngunit totoong ngang dumating na ang mga taong makakapantay sa aming amo." Ngiti nitong sabi.

Nagkatinginan ang apat at natuwa sa sinabi ng scientist.

"Totoo ang sinasabi ko. Kahit si Jude noon na isang napakahusay na tauhan ni Dr. Lertez na sinubukang lumaban ay hindi nakaligtas sa mga likha nito," dagdag pa ng scientist.

"Noon 'yon pero ngayon ay bumalik ang aking ama hindi lamang upang ipaghiganti ang pagkamatay ni ina pati na upang tapusin ang kasamaan ni Dr. Lertez na dapat ay noon niya pa ginawa." Matapang na sabi ni Jhanjo at nagimbal ng labis ang kaharap na scientist.

Muli nitong inayos ang suot na salamin at nagpatuloy sa paglalakad dahil baka magalit sa kanya ang anak ng kinalaban nila noon na si Sir Jude. Huminto ito nang matanaw ang isa pang hagdan papaitaas.

"Bakit?" patanong ni Jhenn.

"Iyan na ang huling hagdan papunta sa itaas ng tower. May isang pinto riyan na kailangan muna raw daanan dahil nandoon ang sinasabing bantay bago matunton ng tuluyan ang tuktok," halata na muli sa mukha nito ang takot.

"At ikaw? Ba't mo sinasabi iyan? Sasama ka sa amin paakyat." Bigkas ni Jhenn at muling itinutok dito ang spear.

"Maaari bang magpaiwan na lamang ako rito? O baka may ipapagawa pa kayo? Ayaw ko talagang umakyat diyan noon pa, pakiusap..." Muling lumuhod ang scientist.

Muling napa-isip sina Jhanjo at pumasok sa isip ni Kristine sina Kris at Sir Jude.

"Sige, mayroon. Mukhang mapagkakatiwalaan ka naman at maaasahan dahil nadala mo nga kami rito. Naaalala mo ba si Kris at Sir Jude?" patanong ni Kristine.

"Oo, totoo ngang narito si Jude. Ano ba ang nais mong ipagawa sa akin?" tanong naman nito.

"Salubungin mo sila sa ibaba at gabayan upang makaakyat din dito, naiintindihan mo? Huwag kang mag-alala." Ngumiti ang dalaga. "Wala ka na marahil makakaharap na halimaw na sinasabing walang kamatayan. Lumakad ka na at nagmamadali kami." Utos nito at tumango ang scientist na dali-daling tumahak pabalik.

Nang hindi na nila matanaw ang pinaalis na scientist ay sandaling umupo si Kristine sa sahig.

"Ano ba ang nasa isip mo?" tanong ni Mrs. Cassandra.

"Maghintay na muna tayo rito. Malakas ang kutob kong makakabalik agad sila. Hindi naman natin natagpuan ang silid na sinasabi sa kasulatan dito sa itaas ng tower pero ipinagdarasal kong natagpuan nila iyon." Yumuko ang dalaga at sa unang pagkakataon ay tila nakaramdam siya ng pagod at gutom nang wala na silang halimaw na nakaharap.

"Sang-ayon ako." Kinuha ni Jhenn ang isa pang malinis na injection at gamot.

"Para saan 'yan?" tanong ni Kristine.

"Ayon dito, kaya nitong palakasin ang isang nilalang kahit hindi pa man kumain ng tatlo o higit pa sa limang araw," paliwanag nito.

"Subukan natin," wika ni Mrs. Cassandra dahil nakaramdam na rin pala ito ng panghihina at gutom.

Naturukan silang apat at nanumbalik ang ordinaryo nilang lakas.

SA PANIG nina Kris at Sir Jude.

"Tama ba 'yang mga pintong pinapasok natin?" na-e-excite na rin Kris at pareho silang nagmamadali na tahakin ang dinadaanan at bawat hagdan.

"Oo." Nagpapatuloy sila at napatigil nang matanaw ang scientist na pababa na siyang nagturo ng daan kina Kristine patungo sa itaas ng tower.

Itinaas ni Sir Jude ang shotgun at papuputukin na sana iyon.

"Teka lang, Jude." Yumuko ang scientist dahil natakot at kinabahan.

"Naaalala mo pa ako? Ni hindi nga kita kilala e. Ano naman ngayon ang pakana n'yo ni Dr. Lertez?" hindi nito ibinaba ang armas.

"Hayaan n'yo akong magpaliwanag. Naroon na ang apat ninyong kasamahan sa itaas kabilang ang anak mong si Jhanjo, Jude dahil tinulungan ko silang makapunta roon," una nitong pahayag.

Nagulat sina Kris dahil hindi nila alam ang buong kuwento at dahilan.

"Ikuwento mo para makasiguro kami." Nakataas pa rin ang shotgun ng lalaki.

Mahinahong nagpaliwanag ang scientist habang inaayos ang salaming nasa mata. Ngayon ay naniniwala na sina Kris at Sir Jude dahil sa mga tamang dahilan nito. Ibinaba na ng lalaki ang armas.

"Dalhin mo na kami kung nasaan sina Kristine." Utos ni Kris at tumango ito.

Sumusunod lang ang dalawa sa scientist habang nagmamatyag. Napangiti ang dalawa nang mapagmasdan ang bangkay ng ilang halimaw kasama si Winston. Huminto sa patay na kapatid si Sir Jude.

-------------
A/N: Excited na rin ako sa pagpunta nila sa tultok ng tower. Sino kaya ang tinutukoy ng scientist na nagbabantay roon? 😇

Mystery in Island (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon