Paulit-ulit kong pinasok 'yon sa utak ko kahit sa kabila nito ay kinukutuban pa din ako sa kalaban niya.

Halos hindi ako kumurap sa panonood sa laban nila hindi ko mapigilang hindi mamangha sa pinapakita ng dalawa, dahil pareho sila ng ability, pareho silang nakalutang sa ere habang nagbabatuhan ng sari-sariling atake.

Napasinghap lang ako nang madaplisan si Mystic ng huli nitong atake sandali siyang nawala sa balanse ngunit agad din nakabawi at pinaulanan ito ng bala. Ngayon ay hindi ko na alam kung kay Mystic ba ako dapat kabahan o sa lalaki. Sa totoo kasi ay kumpara sa lahat, baril ako pinakatakot. Pakiramdam ko ay sa oras na dumapo sa iyo ang bala mula rito ay mas malaki ang posibilidad na ito na ang tumapos ng buhay mo kumpara sa ibang armas na meron kami.

Hindi ko alam pero iba talaga ang takot ko sa baril naalala ko noong una kong nakita si Kairo, natakot ako sa kanya dahil may hawak siyang baril.

"Got you," Nabaling ang atensyon ko kay Unica na ngayon ay hawak sa leeg si Athena.

"This is the thrilling part of it." Sandali kong binalingan ng may kunot sa noo si Karius.

"You're crazy. She's in trouble!" Asar kong asik dito.

"Calm down," muli itong ngumisi bago ialis ang tingin kay Athena at muling bumaling sa kabilang banda kung nasaan si Mystic at ang kalaban nito.

"Now we'll see if he really had changed." Naguguluhan kong tinignan si Karius at ang bagay na tinitignan niya.

Nagulat ako ng makitang nahinto sila sa paglalaban. What's wrong?

Nakita kong bumaling din sila sa kabilang banda ng arena kung nasaan si Unica at Athena. Something's wrong.

"Aren't you going to reveal yourself and save the girl or you want me to remove that mask for you?" Binalewala ng lalaki ang sinabi ni Mystic at muli nitong binalik ang atrnsyon sa kanya.

"Stop talking non sense things, let's get this done." Malamig nitong sabi.

It's not him, I told myself.

Imbis na panoorin ang laban nila Mystic ay mas binigyan ko ng atrnsyon ang laban ni Athena dahil na din nagaalala ako sa kanya.

I sighed in relief. Nagawa niyang makawala sa pagkaka hawak ni Unica at ngayon ay nakikipag batuhan na siya ng atake dito.

"Damn it, Mystic. What are you thinking?" Mahinang napamura si Sue kung kaya't bumaling ako sa direksyon niya at pagkatapos ay kay Mystic

Ngunit imbis na si Mystic ay ang kalaban niya ang nakakuha ng atensyon ko.

"Damn you!" Asik ng lalaki sa kanya, sapo nito ang kaliwang pisngi na nagpasinghap sa marami.

Hindi dahil sa natamo nitong sugat sa mukha kung hindi dahil sa natanggal nitong maskara sa kabilang bahagi ng kanyang mukha kung saan kamay nalang nito ang tangging nagtatakip sa nahubarang bahagi nito.

"He's never good at hiding." Sabi ni Karius habang nakatingin sa banda nila Mystic.

"Athena!" Napabaling kami kay Kagame ng bigla itong sumigaw.

"Shit. Shit." Mabilis niyang hinawi ang mga nasa harapan niya.  Natatarantang hinawakan ko ito para kumalma ngunit ng makita ang nangyari kay Athena ay agad akong napabitaw kay Kagame.

Nakaluhod ito habang namimilipit sa sakit, hinawakan siya ni Unica sa buhok dahilan ng pagsigaw nito gawa na din ng pagkakadiin ng talim ng armas ni Unica na nakatusok sa  tagiliran nito.

Nang makabawi sa pagkabigla ay walang pagdadalawang isip na tumakbo ako palapit, hindi alintana ang panginginig dahil sa kabang nararamdaman ko para sa kanya.

Pero natigilan ako ng biglang may lalaking naunang tumungtong sa arena. Nakatalikod ito mula sa kinakatayuan ko pero sa suot at tindig ay nakumpirma kong ito ang lalaking kalaban ni Mystic. Mabilis ang naging pangyayari, nanlaki ang mata ko ng makitang nakahandusay na ngayon si Unica sa sahig habang karga-karga ng lalaki si Athena.

Napasinghap ang marami, maging ang host ng game ay hindi nakapag salita dahil sa bilis ng pangyayari.

Pero ang mas nagpasinghap sa'kin ay nang humarap ito sa gawi namin. He was not just Mystic's enemy, he's not just a random player that Enigma chose. He's more than that because he is-

"A-Amiel."

. . . . .

Research paper, thesis at case study. Reason kung bakit busy ang ate niyo haha sorry mas mabubusy ako ngayon pero syempre Enigma and wattpad is life kaya isisingit ko yung pag uupdate ko kahit once or twice a week kung kaya. Miss you all!

Thank you for reading my story! Love lots.

Hindi edited yung chapter kaya pasintabi, madaming errors.

Enigma (SOON TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon