"eh hindi naman kasi napagpractice-san yon! hindi kami prepared, kaya di ko na ginusto na ayain kapang manood, baka makita mo pa kami magkalat sa gitna" kakainis ang aga aga nangbabadtrip!


"hindi naman kayo nagkalat ah! ang gagaling nyo nga, and seriously hindi ko inexpect yun, ang dami nyong fans kulang nalang matanggal utak ko kakatili ng mga istudyante, hindi ko inexpect na ganun kayo kagagaling sumayaw"

may narinig ako na parang bumagsak sa kabilang linya, pero di ko nalang pinansin.


"si chito pinsan mo, hindi mo alam na marunong sumayaw?" kunot noong tanong ko.


"hindi, malay ko ba sa ugok na yun! may pahawak hawak pa sya sa legs mo tsk!"


narinig ko naman na parang tunog ng elevator.

natawa ako, "timang ka? hahaha, eh kasali sa choreo yun! ano ka ba naman."


"ewan ko sayo, buksan mo tong pinto" badtrip na sagot nya.


"h-ha? anong pinto?" takang tanong ko.


"pinto ng condo ng kapit-bahay mo! jusko ka, nauntog ka lang naging slow kana"

inis na pinatay ko ang tawag. ang aga aga nangbabadtrip sya! malay ko ba naman sa pinto na sinasabi nya tss!


inis na binuksan ko ang pinto ko, at di ko maiwasan na pagmasdan sya dahil nakauniform sya ngayon..


"ano dito nalang ako? di mo ko papapasukin?" kunot noong tanong nya,


"ba't ba ang aga aga ang init ng ulo mo? okay kapa nung unang sagot ko sa tawag mo ah, pasok"

dumiretso ako sa sala, kinuha ko ang mug ko na may laman na gatas, padabog nyang ibinaba ang shoulder bag nya.


umupo sya sa katapat kong upuan, "ba't nandito ka?"


tanong ko bago humigop ng gatas, "hatid sundo kita, habang wala kapang kotse.." malumanay na sagot nya, aba mukhang kumalma na ang pusa.


nanlaki ang mata ko ng tinanggal nya ang neck tie nya at isa isa iunbotton ang blouse nya.


napatakip ako sa mukha ko, gamit ang isang kamay ko.

"h-hoy! a-anong ginagawa mo?"

sumilip ako sa pagitan ng mga daliri ko, isa ito sa tinatawag kong oportunidad hehehehehe!


"para di magusot ang blouse ko"

nang tuluyan nya ng mahubad ang blouse nya di ko maiwasan madisappoint, may suot kasi syang tank top psh! ang korni!


"takip takip kapa dyan, eh nakakasilip ka din naman hahaha" natatawang sabi nya, di ko maiwasan na di mamula.. napakahusay lozano!


"tabihan mo ko.." nakangiting sabi nya habng tinatapik pa ang gilid nya.


Miss  I DONT CARE WHO YOU ARE(girlxgirl)Where stories live. Discover now