"ELS version 1.4"

9 0 0
                                    

Kath's POV

Kanina pa ako pagulong-gulong sa kama ko at bawat gulong ay tinataas at tinitignan ko ang aking cellphone. Ewan ko ba but I have the urge of waiting for something. A reply message for someone.

Diba kapag nag 'thank you' ka sa isang tao dapat sasagot siya ng 'you're welcome?' Pero bakit wala akong natanggap na ganon? Tenext ko siya kanina pa, nag thank you ako for today pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nag rereply.

Yet, I still waited. Naghintay ako ng isang minuto. Pero wala pa rin. I waited again. Pero lumagpas na ng 30 minutes ay wala pa ring reply galing sa kanya. Until 1, 2, 3 and 4 hours passed by, still no response.

I can't help but to over think. Did I did something wrong earlier? May nasabi ba ako'ng mali? Nagpaalam at nag thank you naman ako kanina no'ng dumating kami dito. Tapos I also invited him to come in but he refused kasi may pupuntahan pa raw siya.

I even asked him kung saan siya pupunta but he just shrugged.

Oh no! maybe that's it. Maybe it's because I asked him if where he was going when I don't even have the right and place to ask.

Are we dating? No, I don't think we are. Yes, I admit. Wala pang lalaki ang gumawa ng ganon sakin. Sinundo, hinatid at binigyan ng something na gustong gusto ko, not until him.

May mga nanliligaw rin naman pero hindi ko masyado'ng ineintertain. Hindi rin naman ako titibo tibo. Meron din naman kasi akong tinatawag na taste at standard. Kahit hindi ako kagandahan,  meron din naman akong karapatang pumili ng taong mamahalin.

'Yong dating manliligaw ko, bumisita sa bahay tas tinakot ni papa ng mga tanong niya na umabot sa 'kaya mo ba'ng buhayin ang anak ko?' 'Bakit ganyan ka umupo? Ganyan umupo ang tamad, ah. Tamad ka ba?' At kahit ano pang tanong. Kaya ayon, hindi na nagpatuloy. Tapos pagkaalis niya ng bahay. Tumatawang ginagaya ni papa ang natatakot na reaksyon niya. Ganyan siya sa mga nanliligaw sa akin. Dinadaan niya sa pananakot ang biro niya. 'Tas hindi niya babawiin ang biro niya kung nakikita niya'ng natatakot na ito.

Swerte lang si Daniel kanina kasi wala si papa. Hindi siya natanong ng mga nakakalokong tanong ni papa. Eh, kahit pa siguro kung nandito si papa, hindi rin naman niya tatanungin si Daniel kasi hindi ko naman siya manliligaw.

Sinundo at hinatid niya lang ako. 'Yon lang yon.

I should not give any meaning in everything he has done for me today and for those past days. Dahil baka ginawa niya lang 'yon kasi kaibigan niya ako. Kasi naging magkaklase kami dati. 'Ganyan nga! Magaling ang ginagawa mo'ng 'yan. 'Wag mo'ng paasahin ang sarili mo sa isang tao'ng nagpapaasa lang.' Ayan. Sumingit na ulit ang other self ko'ng matagal di'ng nananahimik.

I heard a soft knock and followed with Mama's voice.

"Nak? Gising ka pa ba?" I get up from my bed and opened the door for her. Her usual smile met me that I also returned with a sweet smile and gave her a hug and a peak on her cheek.

"Akala ko tulog ka na. Sorry ha, natagalan ako sa pag-uwi. Si tita Dawn mo kasi nag aya'ng namasyal. Syempre tinodo na namin kasi matagal-tagal din kaming hindi nagkita. Oh, kamusta? Kumain ka na ba?" She asked while stroking my hair.

"Yes Ma. Tapos na po. Sabay po kami ni nana Fely."

"Oh, syanga pala. Hinatid ka ba dito no'ng manliligaw mo?" Napaangat naman ako ng tingin sa kanya.

"Mama naman eh. Hindi ko naman po manliligaw 'yon. Pero opo, hinatid niya ako kasi nangako raw po siya sa'yo kanina." Ngumiti naman si mama ng nakakaloko.

"Sus. Nahihiya na ba ang baby ko na magsabi kay mama?" Tinaasan niya ako ng kilay habang nakangiti pa rin.

"Ma, I swear. Hindi ko po manliligaw si Daniel. We're classmates po in high school. Overwhelmed lang siguro 'yon na nakakita ng former classmate sa school kaya siya nag offer na sunduin ako. Closure ba." Mahabang paliwanag ko.

"Why do you sound so defensive?" Nakataas pa rin ang kilay niyang tanong.

"Mama naman eh... " I said with a frown.

"Parang jinojoke lang, 'to naman. Pero anak, he looks very nice, sincere, gentleman and very handsome. You two looks good together. Hindi ba talaga siya nanliligaw sa'yo?" Mama said still smiling.

"No, po." I answered shortly.

"Bakit parang dismayado ang boses mo? Do you like him?" Agad naman akong napalingon kay mama.

I opened my mouth to say something but I can't utter the exact words to say. Para bang bumaon ang dila ko pababa.

Mom smiled meaningfully. I can't really hide something from her. Alam na alam niya na talaga ako. But I'm glad that we're very open to each other. So, when I can't share my what abouts' to my friends, she's very willing to listen and her advices are so much inspiring.

Kapag may nanliligaw sa akin, she always asks me if gusto ko ba ang tao. Pag sinabi ko'ng 'oo', susuportahan niya ako kung wala naman siyang nakikita o nararamdamang kakaiba sa tao. Pero kapag sinabi ko'ng 'hindi',  sasabihin niya ring 'ako rin, hindi ko bet 'yon'. Tapos magtatawanan na lang kami.

"Ano na? Gusto mo ba?" She asked again.

Dahan-dahan akong napatango and mom spreads her arms inviting me for a hug.

"I like your taste, anak." She laughingly said while hugging me.

"Gwapo ba ma?" Pabiro kong tanong at bahagya kong sinilip ang mukha niya.

"Oo naman. I'm sure magaganda at gwapo ng magiging lahi 'non. Lalong-lalo na siguro kapag ikaw ang makakatuluyan niya. Aba! Ang ganda kaya ng anak ko. Manang-mana kay mama. Di ba 'nak?" She laughingly said between our hug na ikinatawa ko rin.

"Oo naman, ma." Sagot ko that made her laugh harder.

"Ano nga ulit pangalan niya anak? Daniel, hindi ba?"

"Opo ma. Daniel po." I answered. Tumingala siya ng bahagya. Tila nag-iisip.

"Parang bagay ang combination of names ninyo na "KATHNIEL". Ano sa tingin mo anak?" Nakangiting napatingin ako sa kanya.

"Kathryn and daNiel equals KathNiel. Maganda ma. I like it." Natatawang sabi ko.

"Pero hintayin muna nating manligaw siya anak ha?" And we both ended laughing again.

"Epic Love Story Version 2.0"Where stories live. Discover now