"ELS version 0.7"

4 0 0
                                    

Kath's POV

Days, weeks and months passed ay naging mas close kami nina Liza, Julia, Kiray, Miles and lalong-lalo na si Pamu.



"Girl, ano'ng mukha yan? May problema ba?" Bungad na tanong ko kay Pamu nang makita ko siyang nag-iisa sa student's lounge.

Nga pala. Kaya kami mas maging close ni Pamu kasi may mga subjects na hindi kami magkaklase ng ibang girls. Kami lagi ni Pamu ang magkakatulad ang schedule. Kami rin paminsan-minsan ang magkakapartner sa mga reportings at projects.


Madalas na rin siyang nakakasama saamin sa pag-uwi kasi the last two weeks, nasa ibang lugar ang mga varsity player. May laban sila doon at next week pa ang uwi. Mag t-three weeks ko na ring hindi nakikita si Daniel. Which is fine with me para hindi na ako umasa at masaktan. Nakakalito rin naman kasi ang gestures niya to think na may girlfriend siya.


"Pinapauwi ang boyfriend ko." She sadly said after the long silence. Nakatingin lang ako sa kanya. But my eyes were asking why.


"Na injured daw. Papauwin siya ng coach nila mamaya." Malungkot pa rin ang tinig at mga mata niya na may halong pag-aalala.


"Bakit? Malala ba?" Tanong ko sa kanya. Mahahalata sa boses ko ang worry. Si Daniel na kaya ang pinag-uusapan dito.


"Hindi naman. Pero di ko maiwasang mag-alala. Kaya nga naisipan ko'ng saamin muna siya patirahin para maalagaan ko siya. Wala kasing tao sa bahay nila. Nasa SG ang dad niya, yung mom niya, 6 years nang patay. He's leaving in a condo now. Walang kapatid, malayo sa kamag-anak. Pwede rin naman na akong ang tumira sa condo niya pero baka mahirapan lang din siya don. Kaya sa bahay na lang." Mahabang paliwanag niya. Okay. Iba ang nasa isip ko. Hindi niyo ako masisisi kasi sa dating school ko, ang magkasintahang nagsasama sa iisang bahay or kwarto, naglalaro ng bahay-bahayan. Injured ang boyfriend niya kaya tigilan mo na yang mga pinag-iisip mo!" My other self snapped.


"Kath, pwede mo ba akong samahan sa pagsundo sa kanya mamaya?" She asked. Tumango naman ako. Iisa lang kasi ang klase namin kapag Saturdays.


Nandito na kami sa airport. Hinihintay namin na dumating si Daniel.


"Kath, CR muna ako ha? Kapag dumating na sila, pwede bang ikaw muna ang bahala? Bibilisan ko lang, promise." Pumayag naman ako.


May maghahatid daw kasi sa kanya pero aalis din daw agad kasi may ibang lakad pa ito. Pinakiusapan lang daw kasi ng coach nila para may gagabay sa kanya sa byahe.


Nakita kong may naglalabasan nang mga pasahero. Ang tagal naman ni Pamu. Tumayo ako at hinanap si Daniel. Pero wala naman akong nakita.


Maya-maya, may nakita akong isang lalaki na akay-akay si Denver. Denver? Bakit si Denver? Akala ko...


"Hon!" Sakto naman ang pagdating ni Pamu. Hinalikan niya sa pisngi si Denver at niyakap ito. Teka. Naguguluhan ako. Ano ba 'to??

Hindi kaya nag break na sila ni Daniel at si Denver na naman ang bagong boyfriend niya? 'So, ano ang gusto mong isipin? Na maharot ang kaibigan mo?' Singit na naman ng other self ko. Nga naman, hindi naman siguro ganong klaseng babae si Pamu.


"Sir, thank you po ah?" Sabi ni Pamu don sa tumulong kay Denver.


"Walang anuman. Pwede na ba akong mauna? May meeting kasi ako ngayon." Paalam nung lalaki. Nagpasalamat pa ulit sina Pamu at Denver bago umalis ang lalaki.

"My God, Hon. I'm so worried. Hindi kita nakita ng ilang linggo tapos ganito pa ang dadatnan ko pag uwi mo." Pamu said with teary eyes. Denver hugged her tightly.

"I'm sorry for worrying you, Hon. Medyo madumi kasing maglaro yo'ng kalaban namin. Muntik pang napaaway ang buong team dahil sa nangyari sa akin. Pero naawat naman nina coach. Hon, stop worrying now please? I know I'll be fine and I can recover from this knowing na ikaw ang mag-aalaga sa akin." Denver said that make Pamu blushed and smile. She gave Denver a peak on his lips and again, they hugged each other.


I'm still confused but I decided to just let it go for now. Just for now. I just can't asked them right now and ruin their moment. Papahirapan ko munang mag-isip ang aking isip bago ko iising matulog mamaya. Ano daw? Naguluhan din ako sa naisip kong yon. Tsk.

Inaya ako nina Pamu na magdinner sa kanila but I refused. Gusto kong sila muna ang magkasama. Kaya umuwi na lamang akong mag-isa.


Tinutoo ko talaga yong sinabi kong papahirapan ko munang mag-isip ang aking isip bago ko iisiping matulog. Nasa kwarto ako habang iniisip ko ang lahat nang nangyari. All this time, akala ko si Daniel ang boyfriend ni Pamu, pero si Denver naman pala. Kaya ba iba ang gestures ni Daniel sa akin? Kaya ba iba ang mga tingin at ngiti niya? Pero bakit niya tinawag na 'Hon' at 'Prinsesa' si Pamu? Tapos no'ng gumawa kami ni Pamu ng report sa bahay ay siya ang lumabas ng sasakyan para sunduin si Pamu? Tapos nagagalit si Pamu kapag nagpapacharming siya sa akin?  Haaaaay nako. Nakakapagod mag isip. I'll just sleep na nga lang.

"Epic Love Story Version 2.0"حيث تعيش القصص. اكتشف الآن