"ELS version 0.6"

4 0 0
                                    

"Kath's POV"

Until now, nalilito pa rin ako sa mga sinabi ni Kiray. I want to call her to clear things out. Kasi mababaliw na ako kakaisip. I don't want to give meanings pero di ko maiwasan. Nag e-echo kasi sa isip ko. Paulit-ulit.


Flashback

"Pasok na rin ako, girls." Paalam ni Pamu saamin ni Kiray. Tumango at nag beso lang kami sa kanya bago siya pumasok sa loob ng gym.


Nang makarating na kami sa parking lot, nag beso na saakin si Kiray dahil dumating na ang sundo niya. Pero bago siya umalis, may ibinulong siya saakin.


"Ganda mo talaga girl. Pangalawang beses nang nabibighani ang lalaking yun sayo. Feel ko, bet ka nun." At pangisi-ngisi siyang nagpaalam. Ako naman, naiwang napatanga, naguguluhan at nalilito. I don't know what she was talking about but my heart skipped a beat. Loud and fast.


End of flashback

That's why I wanted to call Kiray. Gusto ko lang i-klaro sa kanya kung ano ang ibig niyang sabihin. Pangalawang beses na daw eh. Na ano naman kaya?


Kaya lang, would it change the fact that Daniel and Pamu are together? Na-ah. I don't hink so. Pero what does Kiray mean when she said that Daniel was..was..


"Okay Kath, calm down. Inhale, exhale. Whooo...! Take a deep breath and.."


"Ka--"


"Aaaaaah!" Sabay kaming napatili ni Nana Fely. Siya ang nagbabantay sa akin kapag nasa ibang bansa sina mom at dad. Sapo-sapo niya ang kanyang dibdib and stared at me shockingly. Napalo niya ako ng marahan sa braso.


"Ikaw bata ka. Papatayin mo ba ako?!" Galit na singhal siya saakin.


"Sorry po. Eh, kayo naman kasi. Pumapasok kayo agad. Hindi man lang kayo kumakatok. Eh pa'no kung nakahubad pala ako no'ng pumasok kayo? Eh, makikita mo na ang katawan ko." Exagge na pagkakasabi ko.


"Kung alam mo lang kung ilang beses akong kumatok. Hindi ka naman sumasagot. Tapos naririnig ko pa sa labas na nagsasalita kang mag isa. Sino bang kausap mong bata ka?" Nakapameywang na tanong niya. Hala. Narinig niya? Teka, ano ba ang mga exact words na mga sinabi ko? Baka isumbong ako kina mommy nito. Sumbungera pa naman si Nana.


"Wala. May kausap lang sa phone." Lie. Lie. Lie.


"May naghahanap sayo sa baba. Baka yon yung kausap mo sa telepono. Pamu daw ang pangalan. Babain mo na at naghihintay siya sa baba." At lumabas na si Nana.


Nandito si Pamu? Ano naman kaya ang ginagawa niya dito? Kinuha ko ang aking phone at lumabas na ng kwarto.


Naabutan ko'ng nakaupo sa may sofa si Pamu habang may katawanan sa cellphone.


"Oo. Etext or tawagan kita later, hon. Pwede mo rin naman akong sunduin if ever magabihan kami dito. Okay, hon. Yes. Yes. Ikaw rin. Take care. I love you too, bye." Nakangiti niyang ibinaba ang kanyang cellphone at napatayo nang makita niya ako. Ngumiti siya sa akin ng ubod ng lapad. Sino ba naman ang di ngingiti ng ganyan, eh nakipagpalitan ng i love you's sa boyfriend. Halatang bitter ang other self ko.


"Hi, Kath. You ready?" Tanong niya habang beneso ako. Ready saan?


"Ready for what?" Takang tanong ko.


"Hey, where were you yesterday? Diba, magkapartner tayo sa reporting? You agreed na dito na tayo sa inyo gumawa. Haaay nako. Ano bang iniisip mo? Medyo tulaley ka ata?" Nakapalumbaba niyang tanong.


Oo nga pala. Magkapartner pala kami sa reporting. Pero malayo pa naman ang schedule namin. Malayo pa nga ba? Ayyyy ewan.


"Or I must say... Who? Who are you thinking Kath?" Nakalokong tanong niya.


"Wala ah. Hindi ko siya iniisip." Sagot ko at umupo.


"Oy, sino'ng siya??" Tanong niya ulit. Mahuhuli talaga ako sa katangahan ko'ng 'to.



"Wala nga. Tara na lang. Sa kwarto ko na tayo gumawa." Inaya ko siya sa kwarto ko at doon na kami gumawa ng report namin.



Madali lang naming natapos ang ginagawa namin. Maganda rin naman kapartner si Pamu kasi nag susuggest siya ng ideas niya at tumatanggap din siya ng mga suggestions ko. We made it with fun. Minsan nagkukulitan kami kasi may nasasabi kaming mga out of nowhere words and we just ended up laughing. Nag snacks at nanood kami ng movie.



T'was past six when she decided to go home. Susunduin na rin daw siya ng boyfriend niya na crush ko naman. It's okay. I'll get use to it.



We were at the garden when we heard a horn of a car.



"Ayan na ata ang sundo ko." She said and stopped swinging.



"Hatid na kita sa labas." Sabi ko at tumayo na kami sa swing.



A black car stopped in front of our gate. Bumaba ang isang napakapamilyar na gwapong mukha. He was wearing his jersey. Medyo pawisan pa. Mukhang kagagaling lang sa paglalaro ng basketball.



"Good evening miss beautiful. Sunduin lang namin to'ng prinsesa namin." Nakangiting sabi ni Daniel. Napapalo naman si Pamu sa braso niya. Nakita ko namang may mga nakasilip si bintana ng kotse. Marami pala sila. Mga kasamahan niya ata sa varsity.



"Una na ako Kath ah? Thank you!" Nagbeso kami sa isat-isa.



"Pwedeng makibeso rin? Di, joke lang." Natatawang sabi ni Daniel saakin. Natawa na rin si Pamu. Habang ako, nagpipigil ng kilig. Leche. Other self ohh.. Nilalandi ako ni Daniel sa harap ng girlfriend niya. 'Kilig ka naman!' Sigaw ng other self ko.



"See you on Monday, Kath." Nakangiting sabi ni Daniel. Kinurot siya ni Pamu sa tagiliran.



"Humihirit ka na naman." Sabi ni Pamu sa kanya.



"Support ka naman, please." Nagmamakaawang sabi ni Daniel sa kanya.



"Oo na. Pero pwedeng next time na? Naghihintay sila ohh." Sabi ni Pamu at tinignan ang mga nasa sasakyan.



"Una na kami girl ha." Sabi ni Pamu at pumunta na sa sasakyan. Pinagbuksan siya ng pinto ni Daniel.



Pumasok na rin si Daniel pero bago pa non, lumingon siya sa akin at tinitigan ako bago ngumiti. Isang napakagwapong ngiti. Feeling ko namumula na ako. Shit mo Daniel!


"Bye Kathryn...." Paalam nang ibang varsity player na nagsiksikan pa sa bintana para makakaway at makapagpaalam sa akin.. Sinundan ko lang ng tingin ang kanilang sasakyan.



"I am morethan nalilito na ngayon." Nasambit ko na lang sa aking sarili.



Really, what was that? Nakakalito ang gestures niya talaga.



Sumingit na naman ang other self ko. 'Ganon lang talaga ata siya. May girlfriend diba? Pinapaasa mo sarili mo'ng gaga ka.'

"Epic Love Story Version 2.0"Où les histoires vivent. Découvrez maintenant