"ELS version 1.0"

4 0 0
                                    

Kath's POV

"Kath, patext naman ako oh." Pamu said. Nandito kami ngayon sa classroom. Kakatapos lang ng class namin.

"Oh eto. Bakit? Asan ba phone mo?" I asked as I handed her my phone.

"Naiwan ko sa bahay. Eh kanina kasi bago ako pumunta dito, nandon yung boys sa bahay. Tatanong ko sana kung ano na ang ginagawa nila doon. Baka pinaglaro nila ng basketball yong isa, eh hindi pa yon masyadong gumagaling." Nag-aalalang sabi ni Pamu.

"Tawagan mo na lang kaya." Sabi ko sa kanya at ginawa naman niya. We heard a couple of rings bago may nagsalita. Si Denver.

"Hello, sino to?" Medyo maingay sa kabilang linya pero naririnig pa rin naman namin si Denver. Naka loudspeak rin kasi and phone ko.

"Hon, it's me. Nakitawag ako kay Kath. Naiwan ko kasi ang phone ko diyan. Ano? Ano nang ginagawa niyo?" Tanong ni Pamu. Narinig namin ang malakas na tawanan sa kabilang linya.

"Eto, naglalaro sila dito ng cards. Kinawawa nila si Enrique." Natatawang sabi naman ni Denver.

"Kayo talaga. 'Wag ka masyadong makigulo sa kanila ah? Hindi ka pa magaling." Paalala ni Pamu.

"Opo." Natatawang sagot ni Denver.

"Hoy, sino yang kausap mo? Halika na dito. Madaya talaga to." Sabi ng isang lalaki kay Denver. Kahit hindi sabihin ang pangalan eh kilala ko na kung sino siya.

"Si Kath, gusto mong kausapin?" Sagot ni Denver. Nagkatinginan kami ni Pamu. Nginitian niya ako ng nakakaloko.

"Seryoso? Si Kath yan? Pakisabi naman 'hi'."

"Bat di ikaw ang magsabi?"

"Si Kath ba talaga yan?"

"Oo nga. Oh, eto oh."

"H-hello K-Kath?" Mahinang sabi ni Daniel.

"Daniel ha, dadaan ka muna sa akin." Natatawang sabi ni Pamu.

"Loko ka pre, si Pamu naman to eh." Pinagtawanan naman siya ni Denver.

"Edi kausapin mo. Ilalakad ka niyan kay Kath makikita mo. Tsaka magkasama sila ni Kath ngayon. Hon, e-loudspeak mo nga. Nang marinig naman ni Kath tong isang ulol dito." Natatawang sabi ni Denver.

"Oh, ayan. Ano yon Daniel? Nakikinig na si Kath." Nakangiting aso si Pamu habang nakatingin sa akin.

"Hi, Kath. Ingat ka. Pero pwedeng hindi na. Nandito naman na ako, willing na ingatan ka."

"Boooom...!" Rinig naming sigawan ng mga nasa kabilang linya na sinundan naman ng tawanan.

"Ano ba kayo! Baka isipin non nagbibiro ako. Pamu, pakisabi nga pwede ko bang hingin number niya. Etetext ko na lang kako sa kanya. Maraming inggitero dito." Sabi naman ni Daniel. At nagtawanan ulit ang mga kasamahan nila.

"Hon, ibigay mo number ni Kath sa kanya. Tignan nga natin kung magtetext ba talaga. Oh, sige na. May isang klase pa kami. Uwi na ako pagkatapos. Bye!" Paalam ni Pamu. At enend na ang tawag.

Our class ended at walang minuto akong pinalampas para tignan ang cellphone ko. Hindi ko rin alam kung bakit. 'Weee? Maang-maangan tayo teh?' Hayan na naman po ang other self ko. Palagi nalang kumukontra.

"Ano, nag text na ba?" Sulpot na tanong ni Pamu.

"Ha? Sino?" Pagmamaang-maangan ko.

"Ako nga wag mong niloloko. Halata ka masyado eh. Akala mo ba hindi ko nakikita ang bawat dukot mo dyan sa cellphone mo." Okay. Halata nga siguro ako. Isang hilaw na ngiti ang sinagot ko sa kanya.

"Halika na nga, mabuti pa umuwi na tayo. Kanina pa pala nakauwi sina Julia." Sabi niya nang mapadaan kami sa room ng last class nila. Wala ng tao doon.

Nagring ang phone ko at nagflash sa screen ang mukha ni Miles.

"Hello, Miles. Bakit?" Bungad na tanong ko sa kanya nang sagutin ko ang tawag niya.

"Naiwan ko pala sayo nung friday yong USB ko. May ipiprint sana ako. Kailangan ko na bukas. Pwede ko bang kunin sa inyo mamaya?" Mahinang sabi niya.

"Oh sure. What time ba?" Tanong ko.

"Hindi ko sure eh. May pupuntahan pa kasi ako sa may Kiara Hil's Village. Baka magabihan na ako eh." Naku, malayo pa ang Village na yon sa amin.

"Ako na lang kaya ang magprint, tapos bukas ko ibibigay sayo." Suggest ko naman sa kanya.

"Talaga? Ayy nako. Maraming thank you talaga Kath. Etetext ko na lang sayo ngayon ang file name ha." Masayang sabi niya.

"Oo sige Miles. Hintayin ko."

"Okay. Thank you talaga Kath. Bye." Nagpaalam na rin ako at enend ang tawag.

Nasa parking lot na ako nang magvibrate ang cellphone ko.

"Kath, halika na." Tawag ng driver ko kaya pumasok na ako sa kotse. Mamaya ko na lang babasahin ang message ni Miles.

Pagkarating namin ng bahay, dumiretso ako sa kusina. Narinig ko ang malakas na tawanan ni mommy at manang, ang taga luto namin.

"I'm home!" Bati ko kay mommy at nagbeso't yumakap sa kanya. Tsaka ko pa lamang napansin na nandito pala si tita Melai. Nagbeso rin ako at yumakap sa kanya.

"Ang ganda naman talaga ng dalaginding mo, Min. Erereto ko to sa inaanak ko." Patawang sabi ni tita Melai kay mommy. Natawa na lamang si mommy. Nagvibrate ang phone ko, tumatawag si Miles.

"Hi Kath, nabasa mo na ba ang tinext ko sayo?"

"Ahh, oo. Kanina pa sa school. Don't worry, I'll do it later para mabigay ko sayo tomorrow."

"Thank you so much, Kath. I love you, bye!"

"I love you too, bye!" Napangiti akong enend ang tawag. Napapitlag ako ng may sumundot sa tagiliran ko.

"Ikaw ha, sino yang ka-i love you han mo?"

"Si mommy naman ehh. Si Miles yon. May hiningging favor." Sabi ko kay mommy habang chinecheck ang text ni Miles. Meron akong 4 messages. 2 kay Miles at dalawa sa isang unknown number.

"Akyat na Kath. Bihis ka muna tapos baba ka kaagad, let's have some snacks with your tita Melai." Hindi ko na pinansin ang sinabi ni mommy. Inopen ko ang text ni Miles. Yung file name at nag thank you siya. Inopen ko naman ang text ng unknown number. Halos lumuwa ang mga mata ko nang iopen ko ang messages.

"Hi Kath, this is Daniel. Kukulitin kita araw-araw ah? Wala ka nang choice kasi senave ko na number mo. Ingat ka sa pag-uwi mo ha. Wala kasi ako diyan para ingatan ka. 😉

"Ayy, snob."


Napahawak ako sa dibdib ko. Jusko! Eto na. Eto na ang hinihintay ko.

"Epic Love Story Version 2.0"حيث تعيش القصص. اكتشف الآن