"ELS Version 1.3"

7 0 0
                                    

Kath's POV

"Daniel ha. Dumidiskarte ka na ba sa kaibigan ko?" Pamu blurted out when he saw Daniel walking with me and Liza up to our classroom.

"Pamu talaga oh." Nahihiyang sambit naman ni Daniel.

"Pamu na agad? Hindi na 'Hon' o 'Prinsesa'?" Nakakalokong tanong ni Pamu. Pakamot-kamot naman si Daniel sa ulo niya. Natawa naman ako.

"Ang cute talaga nito." Napatingin naman sila'ng tatlo saakin. Teka. Did I speak it out? Shit naman oh. Mahahalata talaga ko nito.

"Uyyyyyyyyy.. " Sabay na udyok nina Liza at Pamu.

"Hala! Nagba-blush!" Natatawang tinuro ni Pamu ang namumulang pisngi ni Daniel.

"Hindi ah. Imbento mo. Tara na nga Kath." At hinila na niya ako palayo kina Pamu at Liza na tumatawa na parang timang. Napangiti na lamang ako.

"Pero cute ba talaga ako?" Biglang tanong niya. Agad naman akong napalingon sa kanya.

"Cute ka daw? Sino'ng nagsabi?" Patay malisyang tanong ko.

"Ikaw. Kasasabi mo lang kanina eh." Natawa naman ako  sa kanya.

"Ikaw ata ang imbento eh. Wala ako'ng sinabing ganon. Tara na nga." Aya ko sa kanya at inunahan siya sa paglakad.

"Ang daya talaga neto." Narinig ko'ng sabi niya kaya nilingon siya. Agad naman siyang humabol at sumabay ulit sa akin sa paglalakad.

We reached our classroom and I saw Miles, Julia and Kiray smiled meaningfully. I waved at them and smiled sheepishly.

"Wanna join in? Sit in." Nakangiting sabi ni Liza nang maabutan nila kami sa may pintuan. Nahihiya namang ngumiti si Daniel.

"Hindi na. Hahahanapin ko pa ang runaway fiancé mo." Ganting biro naman ni Daniel na ikinapula ng pisngi ni Liza.

"Please tell him, I missed him. So. So much!" Liza said and ran inside the classroom. Parang bata lang eh. Hahaha.

"Seryoso ba siya sa sinabi niya'ng fiancé niya si Enrique?" Tanong ni Daniel. Napakibit balikat lang ako.

"2 years na kaming magkaibigan ni quen. Pero wala naman siyang nababangit na may fiancé na siya. Kaya nagulat ako sa sinabi no'ng kaibigan mo."

"Baka naman totoo. Nahihiya lang siguro siya'ng sabihin sa'yo. Hindi naman kasi nag-iimbento 'yang si Liza. 'Di tulad mo." Sabi ko na bahayang tinignan siya ng mariin at ngumiti. Napayuko naman siyang tumatawa.

"Pasok ka na. Text mo na lang ako kapag gusto mo nang umuwi ha? Ihahatid kita sa inyo." He said sincerely.

"Hindi na. Baka nakakaabala na ako sa'yo." I shyly muttered.

"Hindi ka abala sa akin, okay? Tsaka nasabi ko na sa mommy mo na ihahatid kita pauwi. Baka isipin niya wala ako'ng paninindigan sa mga sinasabi ko." Sabi niya at ngumiti.

"Sige na nga. Sige pasok na ako. Ayan na yo'ng prof namin, parating na. Salamat ah. Text kita later. Ingat." Paalam ko. Nagpaalam na rin siya at kumaway pa kina Pamu bago umalis.

I felt my heart the moment I seated on my chair. Kanina pa nagwawala ang puso ko. Para bang gusto na niya'ng sumabog ano mang oras.

I already felt this way before. When I was in high school. It as our J.S Prom and he offered me a dance. It was my first dance during that night even when the prom started hours ago. Hindi ako sumayaw kasi I'm on my period during that time and I don't feel comfortable not until he asked me. That night, he was my first and last dance.

And I can also remember the beating of my heart. It was so fast. My hands are sweating and my body is trembling. Iba'ng klase talaga ang dating niya sa akin.

I can also rember that that night was when my most unforgettable moment happened and so as the most embarrassing moment.

Lahat pala 'yon ay drama lang. Pagkukunwari lang. Galing sa pagpuri niya sa akin kung gaano raw ako kaganda no'ng gabing 'yon. Hanggang sa bawat ngiti niya tuwing sinasayaw niya ako. Palabas lang pala ang lahat.

No'ng gabing 'yon ko rin nalaman na nagpustahan pala sila ng mga classmates namin kung sino ang makakapagpapayag saakin na sumayaw. Napaniwala niya ako sa mga kasinungalingan niya.

Naging pulutan ako ng mga usapan nila. I've been a subject whenever my classmates mention about what happened in the prom. Naging katawa-tawa ako. Ilang gabi ko ring iniyakan ang pangyayaring iyon.

Pero sa kabila ng nangyari ay hindi nagbago ang pagtingin ko sa kanya. Gusto pa rin siya ng puso ko. Kaya no'ng minsa'ng nagsorry siya sa mga nangyari ay agad ko siyang pinatawad.

But it doesn't matter to me now. Bata pa rin naman kasi kami no'ng mga panahong 'yon. Atleast ngayon, nag matured na kami kahit konti.



I was stretching my arms when Daniel suddenly appeared and peeped inside the classroom. Katatapos lang ng class namin at naglabasan na rin ang mga classmates ko. I took my bag and went out.

"Hi Daniel." Pagpapacute na bati ng isang classmate ko kasama ang dalawa pa naming classmates. Kung tama ako, sila ay sina Chali, Louisse at Jhianna. And if I'm also right, sila rin ang pinakamaaarte sa class namin.

Bahagyang ngumiti si Daniel sa kanila. Nakita ko naman na parang kinikilig na ngumiti ang tatlo bago naglakad paalis. Lumingon pa ulit si Chali at kumaway kay Daniel. Psssh.

I averted my gaze to daniel only to find out that he was looking at me. Tinignan ko ang nakasimangot na mukha ni Chali kasi denedma lang siya ni Daniel. Buti nga sa'yo. Huh!

"Hi." I shyly said. He smiled and handed me a paper bag.

"What's this?" I asked looking at him.

"Check it out. I hope you'll like it." He said. Ang cute niyang tignan. Medyo nakayuko siya at nakahawak pa ang isang kamay sa kanyang batok. Nahihiya siyang sinulyapan ako. I removed the tape and opened the bag. A wide smile scaped from my lips.

"Cotton candy." I mumbled still smiling.

"Sabi ni Pamu paborito mo raw 'yan." Tumango naman ako. Si Pamu pala. Akala ko alam niya talaga. 'Haleeeer! Pa'no niya naman malalaman kung walang magsasabi sa kanya? Feeler din bess eh, no?' Lumabas din sa lunga ang other self ko'ng nananahimik.

"Nag-abala ka pa. Pero thank you ah? Paborito ko talaga 'to." Nakangiting sabi ko. Ngumiti rin siya pabalik.

"Uuwi ka na?" Tanong niya habang nakabulsa ang dalawang kamay sa pants niya.

"Oo. Uuwi na rin kasi 'yang mga 'yan." Tukoy ko sa girls na naglalakad sa unahan namin.

Nagpaalam na kami sa girls na makahulugang tumitingin at ngumingiti sa amin. At naglakad na ulit kami papunta sa sasakyan niya.

"Uhm. Thank you ah?" I shyly muttered. Napalingon naman siya sa akin. We were walking together. At tumatama ang mga kamay namin sa isat-isa bawat hakbang.

"For what?"

"For today. Sinundo at ihahatid mo pa ako. Tapos eto pa." I smilingly said and showed him the cotton candy. Napangiti naman siya.

"It's nothing, Kath." He said as he opened the door for me.

It's nothing? What does he mean by that? Wala lang na ginawa niya lahat ng 'yon kasi para rin naman sa akin? O lahat ng ginawa niya ay talagang wala lang. Walang meaning at hindi dapat asahan.

"Epic Love Story Version 2.0"Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin