Special Chapter

215 20 7
                                    

Ops! Esta imagem não segue nossas diretrizes de conteúdo. Para continuar a publicação, tente removê-la ou carregar outra.


*J O H N   L I A M   O R V E D E Z*




May isang babae ang biglang dumating sa buhay at bahay namin. 


Maganda siya at simple, pero meron siyang napakalungkot na buhay. 


Nung malaman naming ulila na siya ay hindi na nagdalwang-isip si mommy na kupkupin siya.


Hindi na rin naman ako kumontra dahil may utang na loob din kami sa nanay niya.


Ang nanay niya kasi yung naging donour ni daddy, at kung hindi dahil sa tulong ng nanay niya, malamang, wala na din sa 'min si daddy.


Malamig yung pakikitungo ko sa kanya at madalas ko din siyang sungitan, 


dahil sa totoo lang... 


hindi ko talaga alam kung paano ko ieexpress yung sarili ko sa kanya.


Bigla ko nalang kasi narealize na...




Gusto ko siya.




At simula nun... 


Madalas ko na siyang obserbahan sa school. 


Alam ko naman kasing may usapan kami na walang imikan at pakialamanan kapag nasa school kami, dahil ayokong pag-usapan kami ng mga estudyante.


Kaya pinagmamasdan ko lang siya mula sa malayo.


Nung time na madalas siyang sitahin ng teacher niya... 


Alam ko yun. 


At kahit yung madalas niyang pagtambay sa detention...


Alam ko din yun. 


Pero hindi ko yun sinasabi kay mommy dahil ayokong mamisunderstood niya si February. 

My Mr. Right //Eunkook// [COMPLETED]Onde histórias criam vida. Descubra agora