3

169 17 1
                                    


[Chapter 3]




Kinabukasan...


Wala akong imik hanggang sa makauwi kami sa bahay. Nagdere-deretso lang ako sa kwarto at wala akong ibang ginawa kundi ang humilata at magkulong.


Akala ko mamamatay na ko kahapon. 


Akala ko magkakasama na kami ni mama. 


Matutuwa sana ko pero aaminin kong nabalot ako ng sobrang takot habang sinusubukan kong isalba yung sarili ko. 


Ganun pala yung pakiramdam ng malapit ng mamatay? 


Yung tipong nag-aagaw buhay ka. 


Hindi mo masabi kung makakaligtas ka pa o hindi na. 


Akala ko talaga katapusan ko na. 


Pero kahit papano ay nagpapasalamat na din ako kay Janlee  dahil dumating siya at iniligtas ako sa bingit ng kamatayan.


Nang bigla kong maalala si Janleeay bigla akong napabangon sa kama.


"Oo nga pala. Hindi pa ko nagpapasalamat sa kanya." sabi ko sa sarili ko.


Hindi ko na namalayang halos kalahating araw na pala akong nakakulong at nakahilata habang malalim na nag-iisip sa kwarto ko. Gabi na din kasi nung lumabas ako ng kwarto ko. Dumeretso ako sa kwarto niJanlee. Medyo nagdalwang-isip pa kong kumatok dahil naisip kong baka tulog na siya, pero sinubukan ko pa din.

Hindi siya nagresponse sa unang katok ko. Hindi rin sa pangalwa, kaya naman sinubukan ko ng buksan yung pinto dahil hindi din naman iyon naka-lock, at icheck kung tulog na nga ba si Janlee. Nang makapasok ako sa loob ng kwarto ni Janlee ay naglakad pa ko ng ilang hakbang bago ako makarating sa mismong kama niya.


"Janlee?" tawag ko sa kanya habang hindi ko malaman kung lalaksan ko ba o hihinaan yung boses ko. "Janlee, gising ka pa ba?"


Nakita kong nakahiga na si Janlee at nakabalot ng kumot sa kama niya. Nang wala akong makuhang response ay lalo pa kong lumapit sa may tabi ng kama niya at dun ko nakita ang tila nahihirapang kalagayan niya. Agad akong nagtaka kaya naman hinawakan ko yung noo niya at nanlaki ang mata ko nang maramdaman ko ang sobrang init niyang temperatura.


Nilalagnat siya??


"Janlee, nilalagnat ka. Teka lang ha? Kukuha ako ng towel at maligamgam na tubig." Medyo nag-alala ako at nagpanic kaya agad akong kumuha ng towel at maligamgam na tubig, at sinamahan ko na din ng gamot.


Nang makakuha na ko ng kailangan ko ay agad din akong bumalik sa kama ni Janlee. Umupo ako sa tabi niya at pinunasan ko siya ng basang towel. Wala akong ibang maisip na dahilan sa pagkakasakit niya kundi yung pagkakasagip niya sa 'kin sa swimming pool kahapon.

My Mr. Right //Eunkook// [COMPLETED]Onde histórias criam vida. Descubra agora