4

160 18 0
                                    


[Chapter 4]




Para akong nabingi sa sinabi niya. "Huh? Anong sinabi mo??"


"Gusto kita... Febbie." Nanghihina pero malinaw niyang ulit.


"Uhm... Pano naman kung sabihin ko sayong hindi ako naniniwala?" –ako


Nakita ko ang bahagya niyang pagngiti. "Okay lang. Hindi naman kita pipiliting maniwala eh. Atlis, nasabi ko sayong gusto kita. Kahit ngayon lang." at muli na ulit siyang pumikit.


"Matulog ka na nga. Kung anu-anong sinasabi mo diyan eh. Iisipin ko nalang na dala lang yan ng lagnat. Geh na." –ako


Muli siyang ngumiti at ilang saglit lang ay nakatulog na siya. Medyo nabother ako dun sa sinabi niya at napaisip na din, pero hindi ko nalang din masyadong binig deal yun.


Panigurado namang limot na din niya yung sinabi niya bukas.


Kinabukasan...


Nang magising ako ay nakita kong solo nalang ako sa kama at wala na si Janlee. Pupungay-pungay akong umayos ng pwesto at nag-inat.


"Goodmorning." Agad akong napatingin sa nagsalita at nakita ko si Janleena nakatayo sa tapat ng kama at bihis na ng school uniform niya.


"Bihis ka na?? Papasok ka??" taka at medyo gulat kong tanong sa kanya.


"Oo. Magaling na ko eh." casual niyang sagot habang inaayos niya yung butones ng polo niya. Sunod na siyang naglakad papunta sa pinto then muli niya kong binalingan. "Magbihis ka na. Late na. Sabay na tayong pumasok." pahabol pa niya tsaka siya lumabas ng kwarto.


Kunot noo akong bumangon habang maraming tanong ang nabuo sa isip ko.


Seryoso?? Papasok na siya?? Di kaya siya mabinat??


Anong nangyari?? Bakit pati parang nag-iba ata siya?? Sinapian ba siya ng mabuting espiritu??


O baka naman nananaginip lang ako??


Bahagya kong kinurot yung sarili ko pero nasaktan ako.


Tsk! Hindi eh! O baka naman natauhan na siya at naisipan na niyang magbago?? Epekto na rin siguro nung pagkakasakit niya kagabi??


*sigh* Ah ewan! Kung nagbago na talaga siya.. sana naman panindigan na niya. Hmf!


Sunod na din akong nagprepare at tulad ng sinabi ni Janlee ay sabay nga kaming pumasok.


(School)


Halata ko ang tinginan sa 'min ng mga estudyante pati na rin yung pagbubulungan nila.


Malamang na nagugulat sila at naninibago kasi sabay at magkasama kaming pumasok ni Janlee, pero big deal ba yun?? 


Magkasabay lang naman kami na naglalakad at... 


teka.. 


At magkaholding hands??... 


Teka, teka, teka!


Hawak pala niya yung kamay ko?? 


Oo nga! 


Hawak nga niya! 


Yun pala yung big deal dun!


Sinubukan kong kumalas sa hawak ni Janlee pero lalo lang niyang hinigpitan yung hawak niya sa kamay ko.


"Janlee, bitawan mo na nga yung kamay ko. Pinagtitinginan na tayo eh." bulong ko sa kanya.


"Hayaan mo sila." patay malisya niyang sagot.


"May problema ba? Kasi kanina ko pa napansin na parang nagbago ka?? Epekto ba yan ng lagnat mo kagabi??" –ako


"Sabihin na nating oo. At ito din ang epekto nung naging confession ko sayo." –Janlee


Bigla akong pinag-initan ng mukha nang maalala ko yung naging pag-uusap namin kagabi.


So naaalala niya pala yun? At alam niya yung mga pinagsasasabi niya kagabi?? So ibigsabihin... totoo yun??


"Yung kagabi... hindi ka naghahallucinate nun??" –ako


"May lagnat lang naman ako kagabi eh. Hindi naman ako nakadroga. Bakit ako maghahallucinate??" at tumingin siya sa 'kin.


Dahil dun ay napaiwas ako ng tingin at naitikom ko yung bibig ko.


So nag-confess nga talaga siya sa 'kin kagabi!? Na gusto niya talaga ko!?


Hindi na ko nagsalita pagkatapos, hanggang sa makarating na kami sa room ko. Nagpaalam lang siya sa 'kin at dumeretso na din siya sa room niya. Naging gentleman sa 'kin si Janlee ngayong araw, pero hindi ko pa rin mawari kung ano ba talaga ang nangyari dahilan para bigla siyang magbago ng pakikitungo sa 'kin. Lumipas pa ang mga araw na hindi na cold at arrogant ang trato sa 'kin ni Janlee kaya naman medyo nagkaroon na kami ng pagkakataon para maging close kahit papaano.

My Mr. Right //Eunkook// [COMPLETED]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang