Chapter Forty-Five: Accident

1.8K 38 0
                                    

A/N: Alooo! Main characs muna. Ala pa kong maisip na endgame para kay Katie.. Here we go..

Clarisse's POV

Hanggang ngayon, di ko pa rin malimutan yung nangyare kahapon.. It was weird..

Pero feel ko mukhang tama yung hinala namin ni Marco e..

Anong nangyare kahapon? Ganto kase yun..

~Flashback~

It is the 14th Death Anniversary of my mother.. It had been 14 years since that accident.. At kahet wala akong kaalam-alam sa nangyare 14 years ago, syempre I'm still lonely for what happened..

It was Saturday today, so I decided to go to the cementery.. Wala naman akong makabuluhang gagawin sa bahay e.. It's better to visit her kesa tumunganga ako sa bahay..

I changed my clothes, t-shirt at pantalon lang sinuot ko.. I don't need to wear something formal, she is my mom afterall..

Bumaba ako at nakita ko si Mama na nagluluto..

"O, san ka papunta?" Tanong nya..

"Sa sementeryo po" Sagot ko..

"Eh? Tumawag si Marco kanina ah, may pupuntahan daw kayo" Ay! Sh*t! Oo nga pala! Nangako akong pupunta kami sa mall ngayon!

"Lagot" Mahinang kong sabi..

*ring ring*

May tumatawag.. Tinignan ko kung sino yun at walang iba, si Marco na naman..

"O?" Tanong ko..

[Nasa labas na ko ng bahay nyo] Aga naman..

"Ha? Bakit?" Magkukunware akong walang naalala, baka maging effective..

[Pupunta tayo sa mall diba?] Sabi nya..

"Ahh, oo sige.. Pasok ka kaya muna?" Tanong ko..

[Inde na] Sabi nya..

"Sigurado ka ha, hintayin mo ko" Sabi ko sa kanya..

[Sige] I ended up the call.. Luh, pano to?

+++++++++++++++++++++++++++

Lumabas ako after a few minutes, as usual, ngiting-ngiti na naman ang loko..

"Oi" Sabi nya nung nakalapit na ko sa kanya..

"Bakit?" Tanong ko..

"Lika na" Sabi nya sabay hila sakin.. Kaso nagpabigat ako para di nya ako mahila..

"Bakit?" Tanong naman nya..

"Daan muna tayo sa sementeryo" Sabi ko..

"Huh? Anung meron?" Tanong uli nya..

"14th death anniversary ng mama ko" Sabi ko.. Nag-iba naman yung mukha nya..

"Dapat sinabi mo na kanina na ganun pala, edi sana di na kita kinulit pa" Sabi nya..

"Tsk, e andito na e.. Samahan mo na lang ako.." Sabi ko...

"Sigurado ka bang okay lang?" Tanong nya..

"Puro ka tanong.. Lika na" Sabi ko..

"Oo na, pero wag na tayong pumuntang mall.. Dun na lang" Sabi nya sabay akbay sakin..

"Maka-akbay ha" Panloloko ko..

"Wag ka ng maarte, gwapo ako!" Naks, kapal..

"May sinabi ba kong hindi?" Sabi ko..

"Yun o! Bumabanat sya!" Sabi nya.. Gag* to! Hinampas ko nga..

"Aray" Pagrereklamo nya..

"Hangin mo kase" Sabi ko.. Tumawa lang sya...

Naglakad muna kami papunta sa kanto, wala naman kaseng dumadaan na taxi sa harap ng bahay namin..

Pumara ako ng taxi.. Tas sumakay na kami..

+++++++++++++++++++++++++++

Nung makarating kami, pinuntahan agad namin yung puntod ni Mama...

Inalis ko lahat ng damong tumatakip dun sa lapida nya..

It had been 14 years.. 17 na ko.. Ang tagal na ng nangyare pero sa totoo lang, di naman ako galit.. At wala naman akong mapagbubuhusan ng galit.. Kase nga di namin alam kung sino yung nakabanggaan nina Papa nun..

"Totoong mama mo yan?" Marco asked.. I nodded..

"So, di mo pala totoong mommy si Tita Jaymie?" Tanong nya..

"Oo, stepmom ko sya.." Sagot ko..

"Eh? Bat super close nyo?" Nakakatawa yung tanong nya.. Pero, di ko rin alam sagot e..

"Ewan, di ba halatang stepmom ko sya?" Umiling sya..

"Sira, nasa harap ka ng nanay ko" Sabi ko..

"Sorry po ma'am" Sabi nya habang nakaharap sa puntod..

"Hay nako" Sabi ko..

"Ay di pa po pala ako nakakapagpapakilala.. Ako nga po pala si Marco Adrian Rodriguez.. Kaibigan slash panyo po ako ng anak nyo.. Lagi nya po akong iniiyakan e tas alam nyo po, lumalablayp na po tong anak nyo.. Wag po kayong mag-alala.. Uupakan ko lahat ng lalaking lalapit dito para maging matandang dalaga sya habang ----" Naputol yung mga sinasabi nyang kalokohan nung binatukan ko sya..

"Gag* ka" Mahina kong sabi..

"Joke lang po yun ma'am! Hahaha! Wag po kayong mag-alala, babantayan ko talaga tong anak nyo.. Pramis po" Natawa naman ako.. Mukhang syang seryosong nagloloko sa totoo lang..

I said what I have to say in my mind.. Di ako katulad nung iba dyan (A/N: Ehem! Marco!) na super broadcast..

Pumunta kami sa kainan malapit dun.. Nilibre ko sya.. Nakakahiya rin naman na sinamahan na nga ako, di ko pa ililibre..

Habang kumakain, ang dami nyang tanong..

"Sino yung nakabangga ng magulang mo?" Tanong nya..

"Ay tsaka bakit sila nagkabangga?" Tanong pa nya..

"Teka, bat di ka kasama dun?" Isa pa nyang tanong..

"Awat nga! Ang dami mong tanong, isa-isa lang.. Para sa una mong tanong, di ko alam kung sino nakabangga nila okay? Para dun sa pangalawa mong tanong, di ko alam.. Sa pangatlo mong tanong, nasa bahay daw ako nun!" Sabi ko sa kanya..

"Ahh" Sabi nya sabay subo.. Tsk, tumahimik rin..

Habang kumakain kami, parehong tumunog yung mga cellphone namin.. Seriously? Si Jarn? Nagtext?

It says there: Labing-apat na taon mula nang mangyare ang aksidente... Need to find someone.. #gm

What the hell? Aksidente? Labing-taon? Like what?

"Clarisse" Napatingin naman ako kay Marco..

"Di kaya?" Tanong nya..

"Baka yung aksidenteng tinutukoy nya, pagkatapilok lang, anu ba Marco?" I tried to lie, but alam kong napansin nya rin na mukhang pareho kami ng iniisip..

"Clarisse, mukhang eto na ang makakasagot sa mga tanong ko kanina.." Sabi nya..

Posible nga kayang pareho yung aksidente na nangyare 14 years ago??

~End of Flashback~

Pareho nga kaya? Tang*na, masisira ulo ko sa kakaisip!

____________________________________

Thanks for reading!! :D

Saranghae! Byeeee!

OUT~! 

Mr. Popular & I [Completed]Där berättelser lever. Upptäck nu