Chapter Thirty-Two: Her Call

1.9K 39 1
                                    

A/N: Aloo! Creepy ba nung title? Hehehe! Medyo maiksi lang to! Sarreh! Here we go..

Clarisse's POV

It is Friday morning, ilang linggo na rin mula nung niyaya ako ni Jorel sa labas.. Medyo awkward para sakin pero lapit pa rin sya ng lapit.. Nakakakilig lang.. Hahaha!

Nakaupo lang ako sa upuan ko, maaga pa kase.. Napaaga ako ng gising.. Kinuha ko muna yung libro namin sa Algebra at nagbasa.. (Kahet wala akong naiintindihan)

"Clarisse" Tawag sakin ng kung sino.. Tinignan ko kung sino, si Marco lang pala..

"O bakit?" Tanong ko.. He just shrugged.. Tas umupo na sa upuan nya.. Wala ni isa sa kanilang 3 ang sinabihan ko tungkol dun sa date namin ni Jorel..

"May itatanong ako" Napatingin naman ako kay Marco..

"Anu yun?" Tanong ko..

"Wala pala" Sabi nya..

Weird.

Marco's POV

Tang*na! Di na naman ako makapagsalita! Dapat kase tatanungin ko kung anong mangyare sa kanila ni Jan nung lumabas sila.. Pano ko nalaman? Sa kwentuhan nung tropa nila nung club meeting last week..

Alam kong ilang linggo na mula nangyare yun kaso, di ko pa nga kase natatanong! Umuurong dila ko lagi e!

Bahala na nga! Pag may tyempo, edi itatanong na lang!

Ilang minuto pa ay dumating na sina Keith.. Umupo sila agad tas inihanda yung kelangan para sa Algebra..

"Anu ba yan? Aga-aga, Algebra!" Reklamo ni Katie..

"Chill" Sabi ko... Natawa naman si Clarisse..

"Wala ka ng magagawa, estudyante ka lang" Sabi ni Keith.. Sinamaan naman sya ng tingin ni Katie.. Biglang dumating si Ma'am Alonzo

"Awat na awat! Andyan na si Ma'am" Saway ni Clarisse..

"Tsssss" Sabi na lang ni Katie..

Parang di kolehiyala tong babaeng to!

++++++++++++++++++++++++++++

Natapos ang klase, at ang daming gagawin! Halos lahat ng teacher nagbigay ng group work! At iisa lang ang grupo para dun! Walang hiya..

Bale 6 per group, at wala naman akong reklamo sa grupo (kase wala si Jan) Bale ang magkaka-grupo ay ako, Clarisse, Ethan, Jarred, Katie at Keith.. Ewan ko kung saang grupo napadpad si Jan, bayaan nyo yun! (A/N: BITTER!! XD)

"O ano? Anong gagawin natin sa sandamakmak na gawain?" Tanong ni Jarred..

"Mga leche kase yang mga teacher na yan! Ano tayo? Superhero?" Sabi ni Keith..

"Di na uso ang mga superhero pare! Alien na!" Sabi naman ni Ethan..

"Wahh si Do Min Joon!" Sigaw ni Katie.. Dinamay na naman yung Koreanong alien na yun.. =____=

"Tama na Katie, share tayo dun, wag kang OA" Sabat ni Clarisse.. Pati sya, adik dun! Kung ako kaya ay naging alien? Mapapansin ba ko neto? Aish! *Erase erase* Kung ano-anong kabaliwan naiisip mo Marco!

"Gagawin na ba natin?" Tanong ko, para maiba ang topic..

"Oo, san tayo?" Taning ni Jarred..

"Kina Ethan na lang?" Sabi ni Keith..

"O sige sige" Sabi ni Ethan, ayus to ah.. Mayaman talaga, walang paalam-paalam sa magulang e..

"Payag ba nanay mo?" Tanong ni Clarisse..

Mr. Popular & I [Completed]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora