Chapter Thirty-Eight: Talk

1.7K 28 0
                                    

A/N: Heyaa! Medyo madrama po ito! :))) Here we go..

Clarisse's POV

Ilang araw na lang at papasok na kami.. Di na ko kinakausap ni Jorel.. Ang kapal ko naman para mag-assume na kakausapin pa nya ako after what happened..

Sunday ngayon, kakasimba ko lang.. Banal ba? Di ah, kelangan ko lang sigurong magsimba para sa lahat ng kasalanan ko..

"O anak, nakasimba ka na?" My stepmom welcomed me..

"Opo" I smiled--, no, I tried to fake a smile..

"Bat ba parang feeling ko ang laki ng problema mo?" Sabi nya habang naglalakad papapit sakin.. Umiling ako.. I know I'm not a good liar but at leasf I don't want her to worry about me, I'm a college student afterall, I'm not a Grade 1 student who needs her mom all the time..

"Nagsisinungaling ka na, tumatanda ka na nga! Ano nga? Seryoso" Sabi nya.. She really knows me well..

"Basta po, ako naman po yung may kasalanan e" Sabi ko..

"Magpalit ka na nga, mamaya na kita kukulitin" I nodded pero bigla kong naalala..

"Where's dad?" I asked..

"Out of town daw, why?" Umiling ako and went up to my room.. Wala na naman sya.. Sometimes, iniisip ko kung tatay ko ba sya, cause honestly, I don't feel it..

I changed my clothes, throw my phone somewhere and lie down.. 2 weeks na rin ata mula nung huli kaming nagka-usap ni Jan.. (Jan na ule cause I don't have the guts to call him a friend and afterall, it was entirely my fault)

Someone knocked, of course its my mom.. Wala ng ibang tao dito diba?

"Come in!" I shouted.. It's not being rude, it's for her to hear it..

"Anak" She said.. She sat on the end my bed.. I got up from lying..

"Po?" Tanong ko..

"Kwento ka na, alam kong may hinanaing ka dyan o" Sabi nya sabay turo sa puso ko..

"Mali po yan, dapat po sa hypothalamus kase dun daw po galing yung mga emosyon" That's true sabi yun nung teacher namin!

"Hayss, basta! May problema ka at kelangan kong malaman kung ano yun" Sabi nya..

"Ma, nagpakatanga po ako ee.." Sabi ko..

"Pag-ibig?" I nodded..

"Hay, anong ginawa mo?" Tanong nya...

And there, kinuwento ko ang lahat ng kagag*han ko.. Mula nung pagsakay ko sa plano nina Jarred at Ethan hanggang sa nangyayare ngayon..

"Naalala mo yung una mo kong nakilala? Nung una talaga ayaw mo sakin na halos itulak mo ko palayo.. Pero ngayon, you're saying things that a daughter really tells her mother.. And I'm happy about it.." Sabi nya.. Yeah, she was right.. When I was 8, I would lock the door just to stay away from her tho, di ko pa abot yung doorknob nun.. Ahahaha!

"Anak, alam kong madali para sakin na sabihin to pero at least para may masabi naman akong may kwenta, sasabihin ko na.." She paused.. I just looked at her intently..

"Maybe God has a reason kung bat ginawa nya yang mga series ng events na yan.. Cause maybe, yang si Jan, isn't really that sure about his feelings for you.. At kelangan pa nya siguro ng onting sampal para magising sa katotohanan na mahal ka nya.." She said.. I just smiled..

"Pero Ma, pano kung kahet na nagising na sya, wala talaga?" Tanong ko..

"Kasalanan nya na yun.. Pero anak, bat ka maguiguilty sa ginawa mo? E yun yung naisip mong tama noon? Alam mo, dapat maging proud ka pa nga" Sabi nya.. Teka, di ko gets..

"E? Bat po ako magiging proud?" Tanong ko..

"Kase kaya mong gumawa ng desisyon para sa sarili mo.. Kaya mong masaktan para maging masaya.. Kaya mong umiyak ng isang beses tas umaktong wala lang nangyare" Tama sya, lahat yun nagawa ko..

"Salamat po" Sabi ko sa kanya..

"Hay nako, gumagana naman ang pagiging teacher ko" Sabi nya.. Dati kase nagtuturo sya kaso, tumigil sya para sakin..

"Di mo pa po kase tinuloy e" Sabi ko..

"Kung tinuloy ko edi sana, di tayo close diba? Tsaka at least pag ganun, baka matuwa pa ang Mommy mo sa langit" She smiled..

"Hayss, kundi naman dahil sakin, di sila maaksidente ni Papa.. Di sya nawala at di galit sakin si Pa---" My mom cut me off..

"Di sya galit sayo, you just resemble your true Mom based on your attitudes.. Ganto daw kase sya makitungo sa Mama mo dati, kase yung Mama mo yung laging nag-aaproach.. At dahil sa nasanay sya na sya yung in-aaproach, akala nya pati ikaw, ganun.. Ka-ugali mo daw kase talaga si Aileen kaya akala nya ganun ka din.." So, ganun pala?

"Pero, di ba nya napapansin na di ako ganun?" Tanong ko..

"He notices but he's too shy.. And as I said, nasanay sya na sya yung in-approach.. Kahet ako, ganun ang ginagawa ko sa kanya.. Tignan mo nga nung pinakiusapan sya ni Marco, pumayag naman sya diba? Kase nga, gusto sya yung nilalapitan" Sabi nya.. (A/N: Ayy paspecial! Joke! Hahaha!)

"Salamat po" Sabi ko and then, I hugged her..

"Walang anuman" Sabi nya..

Kahet wala ka na Mama, I'm happy that someone like her came into my life.. Pangalawa sya sa mga taong kayang makatagal sa mga kadramahan.. Pangalawa kay Marco.. Pero syempre, pag sa heaven na ang usapan, alam kong ikaw laging nakikinig at bumubulong kay Lord na tulungan at bigyan ako ng mga taong magpapalakas sa loob ko..

You are my angel in heaven, and I have two angels here in Earth willing to listen to me all the time..

And I'm really grateful for that..

____________________________________

Mr. Popular & I [Completed]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora