Chapter Eleven: Changed?

2.7K 57 0
                                    

A/N: Aloo! Happy chaps! XD Here we go..

Jan's POV

Araw ng laro ngayon... Ilang buwan na mula nung naging tutor ko si Clarisse.. Umayos ang mga grades ko kahit papaano... Salamat sa pagtiyatiyaga nya sakin.. HAHAHA! Pero sabi nya sakin nung nalaman nya ang grades ko, hindi lang naman daw sya ang nagpapakahirap para dun sa mga grado na yun,, Ako rin daw.. Tama na nga yang tungkol sa mga grades na yan, nakakapanibago e.. XD

Ibinigay ko kay Clarisse yung ibang libre kong passes kase wala naman akong pagbibigyan na iba e.. Di naman kase pede yung mga magulang ko.. Tsaka bukod sa 2 mokong na to.. HAHAHA! XD

Kasalukuyan akong nasa locker room, malapit na kaseng magstart ang game kaya nagpalit na ko ng jersey.. No.9 ang jersey number ko.. Which is a very special numver to me, 'cause its our anniversary.. Naputol nman ang pag-iisip ko nang biglang dumating si Jarred na dala ang jersey nya at magpapalit na..

"O pre, tulungan mamaya ha!" sabi ni Jarred sakin..

"Syempre naman! Para saan pa at magkateam tayo kung di tayo magtutulungan!" sabi ko.. Bigla namang nagsalita si Ethan..Teka, san galling to?

"Naks pre! Gumaganyan ka na! Yan ba ang resulta ng pagkakaroon ng isang Clarisse sa buhay ha?" tanong ni Ethan sakin.. Loko to ah! Binatukan ko nga!

"O bakit ka na naman nambabatok?" tanong nya.. Tange rin to e no? Joke! Pareho lang kami! HAHAHAHA!

"Gag* ka Ethan! Syempre sinali mo na naman sa usapan yung tutor nya.." sabi  ni Jarred..

"Mga siraulo kayo! Pag-umpugin ko kayo dyan e!" sabi ko sa kanila.. Natahimik naman sila.. HAHAHA! Natakot! XD

Isinara ko na yung locker ko nung tapos ko nang ayusin ang gamit ko.. Umupo ako dun sa bench.. Hihintayin ko nang tong dalawang mokong na to para sabay-sabay na kami lumabas..

Jarred closed his locker and turned to me..

"Pare, walang halong biro tong sasabihin ko ngayon sayo.. Minsan lang akong magseryoso sa buong buhay ko kaya pakinggan mo tong sasaihin ko sayo.. Masaya ako na nakakangiti ka na tulad ng mga ngiti mo noon nung kayo pa ni Jameela.. Kung hindi mo napapansin pwes, siguro kailangan mo nang malaman yun kung di mo pa alam..You look happy now, you're not the Jorel that was broken few months back.." He smiled to me..Totoo ba yun? Well, maybe yes..

"Pare, totoo yun.. Hindi ka na kagaya dati na parang wasak na wasak ka.. Yung tipong wala kang seseryosohin na bagay.. Pasalamat ka na lang at dumating yang babaeng yan sa buhay mo.. At least, kahit papano, nagkaroon ng direksyon yang buhay mo.. Maniwala ko o sa hindi, di na ikaw yung Jorel nainiwan ng isang Jameela Maurise Castaneda.."  Napangiti naman ako sa mga sinabi nila.. Siguro nga.. Siguro nga nagbago ako.. Siguro di na ako yung Jorel na iniwan nya..

"Tsss.. Labas na nga tayo!" sabi ko at tumango naman sila..

Sana manalo kami ngayon..

Marco's POV

Umalis na yung tropa ni Jan.. Oo, andito rin ak sa locker room.. Nauna pa nga ako sa kanila e.. Pero dahil yung locker ko nasa likod nung sa kanila, di siguro nila ako napansin..

Narinig ko lahat ng usapan nila.. At sa totoo lang, naasar ako, naasar ako sa di malamang dahilan.. Basta! Ewan ko ba! Bahala na nga! May laro pa kaming kelangan ipanalo..

Pero di ba naalala ko lang naman sa kanya yung first love ko, di naman sya yung mahal ko diba? Di nga ba? (A/N: Ang gulo mo! XD) Heh! Ikaw nga yang magulo dyan e! Leche! >.<

Lumabas na ko mula sa locker locker room.. Madaming andito, mga supporters ng kalaban naming ngayon.. Di naman kse naming home court to e..

Nung napatingin ako sa kabilang parte, nakita ko si Clarisse and as usual, she's with Jan.. Nakatingin lang ako sa kanila pero biglang napatingin sa direksyon ko si Clarisse but she immediately looked away.. Magtataka pa ba ko? E hinalikan ko nga sya diba? At base sa reaksyon nya, first kiss nya yun.. May side sakin na naiinis sa sarili ko na ginawa ko at may side na masaya dahil malalay ko.. (A/N: O diba? Ang gulo mo talaga e!) Ewan ko sayo!

"O lalim ng iniisip ah!" sabi sakin ni Keith..

"Ala lang pre!" sabi ko..

"Sige sabi mo e, lika na! Baka hinahanap na tayo ni Coach" I just nodded..

Kailangan ko tong ipanalo, parakahit papano, may isang bagay akong mapatunayan na tama...

Clarisse's POV

Nagsimula na yung laro.. Mukhang ayaw patalo nung mga kalaban nila.. Sus! Yakang-yaka naman yan nina Jan! Hahahaha!

4th quarter na, dikit na dikit ung score.. 54-53 na pabor sa kalaban..

Yung nangyare kanina, nung nagtama yung mga mata namin ni Marco.. Ewan ko ba, nainis ako bigla.. Tsss, naalala ko na naman yung nangyare =____=  Hayss, bayaan na nga! Nastestress lang ako e!

Last 2 minutes na.. Ganun pa rin yun score.. Putcha nman! Ang galing ng depensa ng kalaban!

Sa mga huling segundo, ipinasa ni Jan kay Marco ang bola at nakashoot sya ng 3 points.. Nagpalakpakan ang mga tao maliban sakin.. Bat ko papalakpakan yan? Ee ninakaw nya yung first kiss ko! (A/N: Kelan ba matatapos yang first kiss na yan? -.-) Ewan ko sayo! Type ka ng type dyan e!

Nung natapos ang game, lumapit ako kay Jan..

"Nice game! Buti na lang sinama mo ko dito!" sabi ko sa kanya..

"Muntik na nga kaming matalo e, buti na lang ang galing ni Marco! Diba bro?" sabi nya sabay akbay kay Marco na bagong dating...

"Ha?" sabi nya.. Tas napatingin sya sakin.. Tinaasan ko sya ng kilay.. Umiwas naman sya ng tingin.. WEAK!! :P

"Mauna na ko" sabi nya tas umalis na sya..

"Anu problema nun?" tanong sakin ni Jan..

"Malay ko" sagot ko sa kanya.. Ayoko ngang malaman nya yung katarant*aduhang ginawa nun sakin!

"O sige, bihis muna ko.. Tas labas tayo?" Teka tanong ba yun o ano? Tumango na lang ako.. Tas umalis na sya...

Tanong ba talaga yun? O pinipilit nya kong isama? Aish! Tama na nga! Basta, niyaya nya ko! Tapos ang usapan! Hahaha.. Pero, kinikilig ako! Hihihi! ^.~

_____________________________________

Sarreh kung walang UD kahapon! Tinamad e! XD Hahaha! Pagbigyan, minsan lang e!

Thanks for reading! :D

Saranghae~! Ba-byeee!

OUT~!

Mr. Popular & I [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon