Sixteenth Leaf

16 1 0
                                    

Third Person's Point Of  View

"I need to do this, Romeo. Kailangan kong umalis at isama ang anak ko. My parents will kill you."sabi ng babae na dala dala ang isa sa kambal.

Kanina pa siyang umiiyak. She doesn't know what to do. Hirap na siya sa mga sitwasyon na nangyayari sa kaniya. She can't marry the man she loves.

"B-bakit kailangan mong dalin si Skyler? Ano ang sasabihin ko kay Nemo? Kaya ko silang pag aralin at buhayin. I am rich, alam mo 'yan."yumuko si Romeo sa crib at hinaplos ang mukha ni Nemo. "At mahal ko kayo. Pamilya na tayo kaya pwede na kitang ipaglaban."

"Alagaan mong mabuti ang anak natin, Romeo. Mahal na mahal ko kayo. Pero sana..."hinawakan niya ang kamay ni Dory. "Wag mo na ipaalam sa kaniya ang pangalan at apelyido ko. Ayokong magulo pa ang isip ng bata pag nalaman niyang may asawa na ako."

Tuluyan ng lumabas ng silid ang babae kasama ang kaniyang anak. Buhat buhat niya 'yon habang umiiyak. Damn. Sa ganitong sitwasyon, you need to choose the weakest one. She did the right thing, pero mukhang mali pa rin.

"Please, comeback!"

*****

AFTER SIX YEARS

May isang batang babae ang binubully ng mga classmate ni Nemo. Lunch ngayon at nasa canteen sila nila Zero, Fire, Rocher, McQueen, Neil at Herrald. Nakaheadphones si Nemo 'nong araw na 'yon. May kung sinong bumato sa kaniya ng lunch box kaya natanggal ang headphones at naputol ang pakikinig niya sa mga dance songs. Isang princess lunch box. Napalingon siya sa pinanggalingan 'non.

"Uh. Oh."bulong na lang ni Herrald na tinignan ng masama ni Nemo.

Kahit na anim na taon pa lang ang bata ay matangkad at mukhang eight years old na kaya marami ang natatakot sa kaniya.

Tumayo siya at lumapit 'don sa mga nambubully sa batang babae. Kinuha niya muna ang towel niya at pinunasan ang sipon niya dahil may lagnat rin siya ngayon dala ng maulan na panahon.

"Omyguahd! Oxy! Oxy! Prince Nemo is here!"nagpout ang isa pang batang babae na sobrang cute kay Nemo. "Please help my bestfriend."

"Tigil niyo yan. Susumbong ko kayo kay Teacher."sa pangalawang pagkakataon ay pinunasan niya ang sipon niya. Hindi talaga maganda ang pakiramdan ni Nemo ngayon.

"Ano nangyari?"malungkot naman na tanong ni Fire sa gilid ni Nemo. Sumunod na pala ang anim sa kaniya.

Lumapit si Zero 'don sa babae at inalakayan na tumayo. Kinuha naman ni Rocher ang lunch box na nasira na at tumapon na ang laman sa sahig.

"Hala nasira?"hindi makapaniwalang sabi ni Rocher habang iniaangat ang lunch box ng batang babae.

"Bigyan natin ng pagkain."singit ni McQueen sa kanila.

"Ok ka lang ba?"tanong ni Zero sa batang babae. Pinunasan ng babae ang luha niya bago tumango kay Zero. Mukhang naiiyak nanaman siya.

"Tama na nga."hinila ni Nemo ang batang babae sa kanina nilang inuupuan.

Umalis na 'yong bestfriend ng batang babae para magsumbong sa teacher nila. Ayaw niya rin kasing makasama ang pitong lalaki na 'yon. Hindi siya nakikipag close basta bata even if she's bubbly.

"Eto."binigay ni Nemo ang lunch box at ang bawas niya ng pagkain sa batang babae. "Wag ka ng umiyak. Ingay eh."

Hindi makapaniwala sila Zero sa nakita nila. Madamot si Nemo sa gamit niya. Lalo na pag pagkain. Maarte 'yon at ayaw na may ibang kakain sa kainan niya at may ibang gatamit ng kutsara't tinidor niya.

"Bakit ka nila inaaway?"inosenteng tanong ni Herrald sa kaniya nang magsimula na siyang kumain ng hotdog at kanin. "Maganda ka naman ah?"

Sa sobrang inosente ni Herrald ay hindi niya na namalayan ang sinasabi niya. Ganon kasi sa mga palabas na napapanood niya. Basta maganda ka, hindi ka aawayin.

"Sabi nila *hik* hindi ako love ni mama at papa."nagulat si Zero sa sinagot ng batang babae kaya napatayo siya.

Binalikan niya ang mga nambubully sa bata kanina. Masama ang tingin niya rito. Hindi naman kasi tama na ganunin ang batang babae. She's still a girl no matter what imperfection there is.

"Hoy!"tinuro ni Zero ang isa sa mga batang lalaki na nang bully. "Kayo! Wag niyo na aawayin siya ah! Hindi ko kayo isusumbong sa teacher. Bubugbugin namin kayo!"

"Opo kuya Elfondo. Sorry."nagsitakbuhan naman ang mga batang lalaki palabas ng canteen.

Nakangiting lumapit si Zero sa table nila. Pinausog niya si Fire para siya ang tumabi sa batang babae.

"Ako nga pala si Zero Elfondo. Siya si Nemo Alcantara yang katabi mo. Tapos si Fire Seven yung katabi ko. Si Herrald Ignacio naman yung katapat ni Nemo ng upuan. Si Rocher Francis ang nasa harapan mo. Tapos yung nakasalamin sa tabi ni Rocher, si Neil yon. At huling huli, si McQueen Concepcion."isa isa niyang pinakilala ang mga kasama niya na may kasamang ngiti. "Ikaw ano pangalan mo?"

"Ako si..."hindi natuloy ng batang babae ang sasabihin niya nang magbell na. Tumayo na siya at tumakbo palabas ng canteen.

"Hindi nag thank you?"tanong ni Herrald habang inaayos ang lunch box niya.

"Epal nung bell."hindi makapaniwalang bulong ni Fire. Napatingin tuloy sa kaniya ang anim.

"Crush mo noh? Ayiee. Crush mo si Noona!"sigaw ni Neil sa kaniya. "Kilala ko 'yun e."

"H-hoy hindi ah!"pagtanggi ni Fire saka tumakbo na rin palabas ng canteen.

"Ako crush ko siya."sabay sabay na sabi ni McQueen, Rocher, Herrald at Zero. Nagkatinginan tuloy silang apat.

"Akin lang siya. Bleh."tumakbo na rin si Zero palabas ng canteen na siya namang hinabol nila Rocher na napikon sa kaniya.

Si Neil at Nemo na lang ang naiwanan. Nagkatinginan silang dalawa. May gustong itanong sa kaniya si Nemo.

"Anong pangalan niya?"

"Oxygen Monterial."ngiting sagot ni Neil sa kaniya. "Bakit?"

"Weird. Parehas kami ng mukha."tinuro pa ni Nemo ang mukha niya.

"Tara late na tayo."hindi na pinansin ni Neil ang sinabi ni Nemo at nag aya ng bumalik sa classroom. 

Kamukha ko siya. Baka si Skyler? Kamukha ko eh. Kilala kaya niya si mama?

CaurdaxxCodes

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 18, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Live Until We Die (Book1)Where stories live. Discover now