Fourth Leaf

21 15 0
                                    

Oxygen's POV

How I wished that it never turned out like this. Ilang beses kong pinaulit ulit sa isip ko ang nangyari kanina. Pinigilan ko na ang luha ko dahil nakakapagod ang umiyak. Ayokong ma dehydrate.

Masyado kasi akong umasa kay Zero. Lahat ng bagay na ginagawa niya ay binibigyan ko ng kulay. Ang t*nga ko lang para hindi maisip na ganon talaga kabuti ang kalooban ni Zero sa mga malapit na babae sa kaniya. Nakakainis. Nakakagigil. Damn. Ano ba ang dapat kong gawin? I have been existing for seventeen years, yet I don't know what's wrong and right. Daig ko pa ang bata na kapag hindi isinama ng magulang sa pag gagala ay nagwawala. Lagi naman akong nag tatantrums sa loob ko. It's too childish pero 'yon ang totoo.

Binalot ko ang sarili ko sa makapal na comforter ng kama ko. Hindi naman ganong kalamig. Sadyang ayoko lang makita ang paligid ng kwarto ko. Our memories together in this place is still fresh.

Maraming tanong ang tumatakbo sa isip ko. Kung bakit hindi na lang ako ang pinili niya. Kung bakit naging mas masaya siya sa piling ng iba. Kung ano ba ang pagkukulang ko. Kung manhid lang ba talaga siya para maramdaman ang untold feelings ko sa kaniya o talagang wala akong epekto sa kaniya. Hindi ko na alam! Nabob*bo na ako. If only I could escape reality. If only I could make my own path and story. Edi sana hindi nagkaganito.

Noon, I consider myself the luckiest girl alive. Dahil nandyan si Zero—a man that every girl dreamt of. Pero ngayon, I labeled myself unlucky. Nahulog ako sa taong imposibleng maging akin. Sa taong napakalapit lang, pero mahirap abutin.

Nakarinig ako ng tatlong sunod sunod pero mabagal na pagkatok sa pintuan ng kwarto ko. Tinanggal ko ang comforter na nakatakip sa mukha ko at tumingin sa kisame.

Sino naman kaya ang gumagambala sa pagkakahiga ko? Nilingon ko ang pintuan at mapait na ngumiti. Kung sino man ang nasa likod ng pintuan na 'yan ay lubos kong pinapasalamatan. Inalis niya lang naman ang atensyon ko sa pag iisip kay Zero.

Tumayo ako at lumapit sa pintuan. Pagkahawak ko ng doorknob ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Napahawak ako sa dibdib ko at tulalang tumingin sa mga nakaukit na bulaklak sa pintuan.

Pagbukas ko ng pintuan ay walang bakas ng kahit na sino sa tapat nito. Sino ang kumatok? Inilibot ko ang paningin ko at halos mapatalon ako nang makita kung sino ang nakaupo sa gilid ng pintuan.

"Bakit..." Napalunok ako ng laway ko. "Bakit ka nandito?"

Hindi niya ako sinagot at pinasadahan lang ng tingin. Napayukom ako ng kamao ko. Hindi na dapat siya nagpunta dito. Wala naman dapat siyang gawin dito.

"S-sige na. Balik na ako." Akmang papasok na ulit ako sa loob ng kuwarto nang magsalita siya. Two stiffening words that made me quiver.

"Totoo ba?" Humigpit ang pagkakagawak ko sa doorknob. 'Yan nanaman ang mga nagbabantang luha sa mata ko. Amo ba ang pakialam niya kung totoo man o hindi ang tungkol sa amin ni Fire? Does he really need to know? "Sumagot ka."

Ilang beses akong lumunok ng sarili kong laway. Why is he acting like this? Tama ba na kwestyunin niya ako tungkol sa bagay na 'yon? I don't deserve this sh*t. Wala naman akong ginagawang masama. Inayos ko ang pagkakatayo ko at mapait siyang nginitian. Just play with the game, Oxy.

"Oo. Totoo. Bakit?" Tumawa ako ng mahina at umirap sa hangin. "Alam ba nila mama at papa na nandito ka?"

He cleared his throat then nodded at me. Tumingin siya sakin bago tumayo.

"Oo alam nila. Sila pa nga ang nagpapunta sakin dahil kakara---" di ko na siya pinatapos magsalita. I don't need his explanation kung paano siya pinapunta dito.

"Bisita ka pala eh. Tara, pagbebake kita ng brownies." I felt my heart skipped a beat nang ngitian niya ako. Ganon pa rin ang epekto niya sa'kin. Walang kakupas kupas.

Nakaramdam ako ng isang awkard na atmosphere sa pagitan naming dalawa. I know he wanted to talk to me pero hindi siya nagsasalita. At ganon din ako. Tahimik lang kaming dalawa na naglalakad at tanging yabag lang ng aming mga paa amg maririnig mo sa hallway. Everything changed. Biglaan. Nagbago ang lahat sa loob lang ng anim na buwan. Bakit? He... He's not Zero anymore.

"Baka hindi kita masundo bukas." Pareho kaming napatigil ni Zero sa kinatatayuan namin. Pareho kaming nagulat sa sinabi niya. Nakatingin lang kaming dalawa sa paa ng isa't isa.

Meron siyang tinatago sa'kin. Alam ko 'yon. Nalilito siya sa mga sinasabi niya.

"Zero..." Hinarap niya ako sa kaniya at matalim akong tinignan saaking mga mata. Ang mga matang 'yon na nangungusap. He's hurting inside. May mga namumuong luha sa mata niya. Galit siya. Stressed. Frustrated. Ano pa ba ang maaari kong sabihin? Walang eksaktong salita ang makakapagsabi kung ano ang nararamdaman ni Zero. "Tama na."

Ikiniyom ko ang kamao ko. Hindi ko alam kung mali ba o tama ang ginagawa ko. Am I being selfish? Selfish ba 'yon kung gusto ko lang naman na hindi na kami magkaroon ng ugnayan para sa ikabubuti naming dalawa? Makasarili ba ako?

Ilang beses akong umiling sa harapan niya habang mapait na nakangiti. Hindi ako makasarili. I am just doing what is right for the both of us. Ngayon, kung sa tingin niya ay selfish ako, hindi ko na problema 'yon.

"Magkaibigan pa rin naman tayo Zero ah."mahina akong tumawa. "Yun nga lang, may iba nang espesyal na tao ang pumasok sa buhay at puso natin. Sana naiintindihan mo ako."

"Hindi..."napasandal siya sa pader gamit ang kanyamg bumbunan. "Mali eh. Maling mali."

"Walang mali Zero. Intindihin mo naman ang mga tao sa paligid mo."iniwanan ko na siya 'don at naglakad pababa ng hagdanan. Nagulat na lang ako nang may makita ako sa sala namin.

He's gently smiling and staring at me. Lumingon ako sa likuran ko. Full of emotions pa rin ang mukha ni Zero. Mariin akong pumikit bago lumapit sa taong nasa sala namin.

Tumayo siya sa kinauupuan niya para salubungin ako. I embraced him. Then right there, I feel safe.

"Namiss kaagad kita."bulong niya sa'kin bago ako halikan sa tuktok ng ulo ako.

Kumalas na ako sa pagkakayakap naming 'yon. Hindi ko maintindihan ang sarili ko if I am just acting these out o totoo at hindi labag sa kalooban ko ang ginagawa ko.

Nasagot ang katanungang 'yon nang gumuhit ang ngiti sa mga labi naming dalawa. I'm doing it because I am already attached to him.

At alam kong isa nanaman itong kat*ngahan. Ang mahulog sa isang taong alam kong kunwari lang naman.

'CaurdaxxCodes'

Live Until We Die (Book1)Where stories live. Discover now