Thirteenth Leaf

11 1 0
                                    

Oxygen's POV

Nakatulala lang ako kay Nemo. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin sa kaniya. Kung ano ba ang dapat kong isagot.

Naguguluhan ako. Bakit ako papatayin ng walang dahilan? Wala naman akong naaalala na may inaagrabyado ako. Pinilit ko na maging mabuting tao sa lahat ng nakakasalamuha ko. Kaya nagtataka ako. Bakit may gustong kumitil ng buhay ko?

"Oxygen... Makinig ka kasi."hinawi niya ang buhok ko na nakatakip sa mata ko. "Alam ko na ngayon lang tayo nagkausap. At naguguluhan ka rin kung bakit ko ginagawa 'to. Pero, magaan ang loob ko sa'yo."

Naglipat siya ng tingin sa unahan ng kotse at tikim bagang na nagsalita.

"I lost my mom and my twin sister already. Ayoko ng may mawala pang isang babae nang wala man lang akong ginagawa."

Oo Nemo, siguro sa point of view mo ay ganon ka risonable ang katuwiran mo. Pero para saakin, you're just wasting your time. You don't need to protect me from those harmful creatures. Kung mamamatay ako, mamamatay ako. Pero kung hindi, edi hindi. That's how life goes on.

And God won't give me this path kung walang dahilan. Maybe a new lesson. Maybe something important to learn.

"Pero sino ba ako, Nemo? I'm just a friend of your friend! Wala nang mas lalamang pa 'don. You don't even know me. And I don't deserve your protection. Someone else does."bubuksan ko na sana ang pintuan ng kotse pero kinapitan niya ako sa aking braso, telling me to stay.

"Please Oxygen. Let me do something. You're more than anything you think you are to me."no Nemo. Please enough with these. Hindi na ako nagiging masaya. I was never happy.

Meron akong malungkot na pamilya. Wala ako nang mga katangian ng babae na dapat ay pinoprotektahan. I don't even find myself precious.

Mapait akong ngumiti sa kaniya.

"Let me tell you a story, Oxygen. If you think you're a little chicken, well what am I?"

Nemo's POV

Hindi ako naging masaya since I was born. Wala akong nanay. I only have my dad beside me. I even lost my twin sister.

Iniwanan nila ako with my father. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan nilang gawin 'yon. We were supposed to be twins pero mas pinili nila ang paghiwalayin kami.

Wala man lang akong nagawa. Hindi ko man lang napigilan si Mom na umalis ng mansyon nung araw na 'yon. What could I do? Isang musmos na sanggol pa lang ako noon. Wala akong alam sa mundo. Ni hindi ko pa nga masabj ang simpleng 'ma' at 'pa'. All I can do is to cry.

Nang lumalaki na ako, the ice inside me started to grow too. Hanggang sa malaman ko na binabalot na pala ng yelo ang pagkatao ko. No one can talk to me unless they are important or the topic is important.

I always wanted to see my mom. I always wanted to hug my twin. I always wanted a complete and happy family. Yet, before, they were forbidden.

Hindi sila pwedeng magkatuluyan. Dahil ipinakasal sa ibang lalaki ang Mom ko. I don't know their names. All my father says is that my twin's name is Skyler. 'Yon lang ang alam ko tungkol sa dalawang babae na nawala sa buhay ko. Only my twin's first name.

Pag family day noon sa school, yaya at driver namin ang umaattend. I got bullied. Sinasabi ng marami na ampon lang ako kaya ganun. But they were wrong. Na mis interpret nila ang lahat. If only they were me. If only I had a complete family. Pero hindi. Isa lang akong talunan na nilalang.

Nagpapasalamat nga ako at nakilala ko ang anim na matalik kong kaibigan. Sila na ang naging pamilya ko. They're all I got. I feel half complete pag kasama sila. At kahit papano nakakalimutan ko ang mga problema.

Hindi ako yung tipikal na lalaki na ang pinoproblema ay kung paano sila hindi mahuhuli ng mga flings nila na nakikipaglandian sa iba. Ang pinoproblema ko lang naman ay kung paano ko hahanapin ang dalawang importanteng babae sa buhay ko. They are all I need.

And eversince I met Oxygen, nabawasan ang problema ko. I see my Mom's image in her face. She looks a lot like her. Marami akong picture sa photo album. Puro picture ni Mom. At kahit saang anggulo mong tignan, they look the same.

At hindi ako magdadalawang isip na iligtas siya ng paulit ulit hanggang sa kamatayan. Kung siya nga ang kapatid ko, atleast ngayon may nagawa na ako para hindi siya mawala.


Oxygen's POV

Tama si Nemo. Hindi lang ako ang may mabigat na problema kaya I shouldn't label myself useless. Pero hindi naman tama na may madamay pa.

"I get your point Nemo, pero ayokong madamay ka pa."sa wakas ay nakalabas na rin ako ng kotse niya.

It suddenly started to rain. Mukhang sumasabay pa ang ulan sa mga luha ko. Hindi ako tanga para hindi maintindihan ang nangyayari.

Hindi naman kaya...

No. Imposible. Nemo is just a friend of mine. Nothing more nothing less.

Pero hindi eh. I really feel strange. Alam kong may lukso ng dugo akong nararamdaman sa kaniya. Ayokong mawaka sa tabi niya pero ano nga ba ang mahihiling ko? Ayoko rin namang magpakaselfish na magiging dahilan pa ng pagkamatay niya.

Nagulat ako nang lumabas si Nemo sa sasakyan at tumatakbong lumapit sa'kin. Nakarinig ako ng malakas na pagtunog ng baril na nanggaling sa hindi kalayuan.

Nakita ko na lang si Nemo na nakahiga sa sahig hawak ang kaniyang tagiliran. He saved me. At kasalanan ko kung bakit nangyari 'to. Kung hindi lang sana ako lumabas ng kotse edi sana hindi ako babarilin at hindi siya matatamaan. Damn. Ano ba ang nagawa kong kasalanan sa mundong 'to?

Nanghihina ang tuhod ko na lumuhod sa tabi ni Nemo. Lalong nagpatakan ang mga luha ko. Niyakap ko siya at makailang beses na hinalikan ang noo niya habang humihingi ng tulong. Wala akong ibang marinig kundi ang boses ko.

And everything turned slow mo. He closed his eyes then smiled.

"No... Nemo. Be strong."but it was too late. "Tulungan niyo ko!"

May mga dumating na pulis. Nagkalat sila sa paligid. May ambulansya rin na naglabas ng stretcher para kay Nemo. At may humila saakin palayo sa kaniya.

"Hindi ko man nagawnag pigilan na umalis ang nanay ko at ang kakambal kong babae, atleast ngayon mapapatunayan ko na kaya ko sana silang ipaglaban if onky I was at the right age. At Oxygen, malakas ang kutob ko. Ikaw ang kapatid ko. Kaya hindi ako magdadalawang isip na iligtas ka ng paulit ulit hanggang sa mamatay ako."

Ang mga salitang 'yon na nagpapaulit ulit sa isipan ko. Damn. Anong nagawa ko? Wala. Umiyak lang ako. I am weak.

Niyakao ako ng humila sa'kin.

"Tahan na, nandito na ako."And those words. That voice.

"Zero..."iniangat ko ang tingin ko sa kaniya. "Mamamatay ba si Nemo?"

'CaudaxxCodes'

Live Until We Die (Book1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon