Eighth Leaf

19 7 9
                                    

Ahihihi. New book Cover😊😊! Lovelots petals! All love from ate Daxx. All support from you. Harthart.

—————

Pagdating namin sa Canteen ay marami nanaman ang nakatingin samin. Mukhang kailangan ko nang masanay sa ganitong scenario.

Bakit ba ganito ang mga tao? Wala silang pakialam kung marinig sila ng pinag uusapan nila. They talk about me like I'm not here, like I don't exist.

Napahigpit ang hawak ni Fire sa kamay ko nang makita namin kung sino ang nasa likuran namin. Napakapit din saakin si Sofie. Namumutla nanaman siya na parang kinakabahan.

Nakita namin ang barkada nila sa isang table. Nakangiti saamin si Rocher na kumakaway. I bet, tinatawag niya si Fire para 'don kumain. Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

"Tawag ka nila. Sige na, 'don lang kami ni Sofie."tinuro ko ang hindi nalalayong table sa kanila. Pero hinawakan niya nanaman ako sa kamay ko at ngumiti.

"No. You should come with me."mukhang hindi ko nanaman kakayaning tumanggi sa kaniya. "I'll show them the girl I loved."

That was his second confession. Naiilang ako pag nagcoconfess siya. Feeling ko, napaka sama ng ugali ko. Ano ba Oxygen?!

"S-sigurado ka?"nauutal kong tanong nang mapansin na nandon na si Zero at ang babaeng may bangs.

Ilang beses akong inirapan ng babae bago makasagot sakin si Fire.

"Oo, sigurado ako."ihinarap niya ako sa kaniya habang hawak hawak ang magkabilang balikat ko. Tinignan niya ako saaking mga mata habang pekeng nakangiti. "Look, Oxygen. Kahit kailan hindi ako nagsisi na nagustuhan kita. Kaya kahit kailan ay hindi rin ako magsisisi na minahal kita."

"Ano ba? Guys naiinggit na ako ah! Over na. Over na."pumagitna saamin si Sofie. Atlast she's back to her normal self again. Ang madaldal na si Sofie. Niyakap niya ang braso ko sa kaliwa at sumandal sa balikat ko. Tumingala siya sa'kin at nagpout. "Gutom na ako."

Natawa na lang kami ni Fire sa kaniya. Para kaming may kasamang bata. Gee. She's really cute. If I were Herrald, I would ask Sofie on a date.

Sabay sabay kaming lumapit sa table nila. And to my bad luck, katapat ko ng upuan si Zero. Katapat naman ni Sofie 'yong babae at katapat ni Fire si Rocher. Damn. Pakiramdam ko tuloy ay pinagsakluban ako ng apoy at tubig. Bakit ba kailangan na si Zero pa ang makatapat ko?

Kumuha na kami ng mga order namin nung lumapit saamin ang waitress. Si Herrald, McQueen, Rocher at Nemo ay nakangiti ng nakakaloko habang nakatingin kay Fire at kay Zero.

"Alam mo Fire, hindi ko talaga inisip na kayo ni Oxygen ang magkakatuluyan e. Haha."panimula ni McQueen habang subo subo ang lollipop.

"Oo nga!"sabay na sabi ni Rocher at Herrald.

"Teka, teka, diba si Zero at si Oxygen ang may mutual understanding dati? Anong nangyari huh?"taas baba pa ang kilay ni Rocher. lahat naman sila ngayon ay nakatingin kay Zero. Nahagip ng mata ko ang babaeng may bangs na mukhang nang gigigil na sa topic.

She wasn't Fire's ex. She's Zero's girlfriend.

"Wait. Tell us the story, bro."sabay nguso ni Herrald dun sa may bangs. Kinuha ni Zero ang cellphone niya. Tumayo siya at lumayo nang kaunti sa'min.

Sabay sabay na nagtunugan ang cellphone nila—including Fire and Sofie's phone. Magkakilala si Zero at Sofie? Samantalang kaming dalawa nung babaeng may bangs, parehong nakatingin sa mata ng isa't isa at halata mong may tensyon sa pagitan naming dalawa.

"Huh? Weh? Oo sige."tumingin sa'kin si Fire bago ibaba ang tawag.

Pero napabaling nanaman ang tingin ko dun sa babae. She looks so familiar. Hindi ko lang maalala, pero alam ko na nakita ko na siya.

Nagulat ako nang bumuka ang bunganga niya. She mouthed 'bitch' on me sabay ngiti ng nakakaloko. Ako yung tipo ng babae na hindi mapagpatol pero hindi naman tama na ganunin niya ako nang hindi ko alam ang dahilan.

"P*cha naman oh! Tutusukin ko yang mata mo, swear! Pwede ba yang ugali mo paki iwanan muna sa basurahan? Nangangalingasaw e. Bulok na bulok na! L*tseng toh."napatayo na ako at hindi napigilan ang paghampas ko sa lamesa. Marami tuloy ang nakatingin sa'kin. Marami siguro ang nakarinig sa sinabi ko.

"Who are you to talk to me that way?"nagkibit balikat siya at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Lalo tuloy nag init ang dugo ko. "Who do you think you are?"

"Kailangan ko pa ba talagang magpakilala sayo?"i faked a laugh. "Eh siraulo ka pala eh!"

This time nahila ko na lang siya bigla. Hindi ko na alam ang sunod na nangyari, basta bigla na lang kaming pinaghiwalay at nakita kong gulo gulo na ang buhok niya. Halata ko sa kaniya na inis na inis siya.

Nagulat ako nang lumapit sa kaniya si Sofie para tulungan siyang ayusin ang sarili niya. Ngumiti siya sakin. Isang plastik at mataray na ngiti.

"Sino ka ba?!"mas lalong lumakas ang boses ko. Mas lalong dumami ang taong nanonood sa paligid. Pakiramdam ko, anumang oras ay makakapatay ako ng tao sa sobrang galit ko.

"I am Janelle Gomez. Zero's future wife."nag ayos siya ng tayo at lumapit sa'kin. "Ikaw sino ka ba?"

"I'm Oxygen Monterial. Janelle's future killer."mapait ko siyang tinignan. Kumalas ako sa pagkakahawak ni Fire sa'kin.

Wala na akong pakialam kung sino man ang nasa paligid ko at kung ano man ang nakita nila sa Canteen. Nagwalkout ako. Maraming eatudyante ang nag gigive way saakin. Napayukom na lang ako ng kamao ko.

Siya ang mapapangasawa ni Zero. Ano nga ba ang laban ko 'don? Ano?! F*ck! Wala akong laban sa kaniya! Isa lang akong ilusyunada at feelingerang ambisyosa na gustong pumasok sa buhay ni Zero.

At hindi 'yon pwede. He's now happy with someone else.

CaurdaxxCodes

Live Until We Die (Book1)Where stories live. Discover now