106

528 35 7
                                    

Dali-daling lumabas ng bahay si Mingyu para pumunta sa park na sinabi ni Wonwoo na madalas nilang pinagkikitaan dati.

Hindi niya alam kung bakit gustong gusto siyang makausap ng nakatatanda. Nagiisip siya kung may nagawa ba siyang mali o ano netong nakaraang mga araw.

Hindi kaya- hindi, hindi naman niya siguro nakita yun, sabi nito sa kanyang sarili habang naglalakad.

Nakarating na siya sa park. Kinakabahan na talaga siya pabilis nang pabilis ang tibok ng kaniyang puso habang papalapit siya sa binatang nakaupo sa upuan malapit sa fountain.

"Hyung." mahinang sabi ni Mingyu pero sapat na para marinig ni Wonwoo.

Tumayo ang nakatatanda at sinabing "Happy Birthday." at saka ngumiti. Bigla namang nawala ang kaba ni Mingyu dahil doon. Akala niya kasi ay may kung anong nangyari. "Thank you, hyung." pasasalamat naman nito at niyakap ang nakatatanda.

"'To pala yung regalo ko sayo." sabi ni Wonwoo pagkatapos bumitawa sa yakap at nakangiti pa rin. Napansin naman ni Mingyu na medyo kakaiba ang ngiti nito. Yung parang ngiting nakaloloko. Tiningnan naman niya kung ano yung iniaabot sa kanya. Cellphone? tanong nito sa sarili.

"Anong meron sa cellphone mo hyung?" nagtatakang tanong ni Mingyu. "Nandyan sa loob yung regalo ko, tingnan mo dali. Excited na talaga akong makita mo yun." Kinuha naman ni Mingyu yung cellphone nito. Nanginginig yung kamay niya habang binubuksan ito, marahil ay kinakabahan siya. Kakaiba kasi ang ikinikilos ni Wonwoo ngayon. Parang may alam ito na hindi alam ng binata.

Pagkabukas niya, lumabas ang larawan nila ni Minghao. It's a picture where the two of them are kissing. Nagulat naman ang binata sa nakita niya. Kanina lang nangyari ito at hindi niya alam ang gagawin. Balak naman niyang sabihin 'to kay Wonwoo pero naunahan na siya ng taong hindi niya kilala kung sino.

"H-hyung, san mo n-nakuha to? Let m-" hindi makapagsalita nang maayos si Mingyu dahil sa nangyayari. "Bago ko sagutin yan, ikaw muna ang tatanungin ko. Ano 'to Mingyu? Naglolokohan lang ba tayo dito?" kalmado niyang tanong kay Mingyu. Halata namang galit na galit siya pero hindi niya pinapakita.

"Hyung it's not what you think. Let me explain." sabi ng nakababata na parang nagmamakaawa.

"Anong it's not what i think? Ano edited lang yan tapos may nagsend sakin para sirain tayo ganon? Ang galing naman parehong pareho yung suot mo sa picture tsaka suot mo ngayon. Pero go, I'm giving you time para magpaliwanag. Ayusin mo ha, baka masapak kita sa sobrang galit, Mingyu." sagot nito at naging seryoso na ang mukha. Pinipilit niyang hindi maluha pero may kaunting luha nang lumabas sa mata niya.

"Yung sinabi ko sayong kikitain ko kahapon, si Minghao talaga yun. Sorry kung hindi ko sinabing siya yun, gusto niya lang daw kasi akong makausap bago siya umalis ng Korea kaya pumayag ako. Akala ko maguusap lang kami pero nung nagpapaalam na ako, he kissed me. Tinutulak ko siya pero ang higpit nung hawak niya sakin. I'm sorry kung nagsinungaling ako, hyung. Sasabihin ko rin naman sayo to kaso naunahan na ako. Please wag ka nang magalit, hindi ko naman ginusto yun." mahabang paliwanang ng binata. 

"Sa tingin mo ba gusto ko rin yung nangyari? Sa tingin mo okay lang sakin na halikan ka ni Minghao? Sa tingin mo natutuwa ako ngayon? Okay, let's just say that you didn't do it on pupose per Mingyu, you lied to me. Sinabi mo lang na kikitain mo yung kaibigan mo pero hindi mo sinabi na si Minghao yun. Ay kaibigan mo nga rin pala yun. Sa lahat ng kikitain mo, bakit si Minghao pa? And bakit hindi mo sinabi sa akin? Kasi hindi ako papayag? Mingyu hindi ganon kakitid yung utak ko para gawin yun. Gusto ko lang naman na walang nagtatago ng sikreto sa ating dalawa. Anong silbi ng relasyon na to kung puro kasinungalingan na lang. Nanggigil ako sayo Mingyu, gustong gusto kitang sapakin pero hindi ko magawa." Mahaba ring linya ni Wonwoo na tuluyan nang naiyak.

"Sorry, Wonwoo please aayusin ko to. Kahit sapakin mo na ako ngayon kung gusto mo pero please wag ka nang magalit." Pagmamakaawa ni Mingyu sa nakatatanda.

"Hindi ganon kadali yun Mingyu. Pwede ba? Bitawan mo ako. Happy birthday nga pala, sana masaya ka ngayong araw." sabi nito habang nagpupunas ng luha.

Naglakad na si Wonwoo papalayo pero bigla itong hinabol ni Mingyu at niyakap patalikod. "Hyung, I'm sorry. Just give me a chance. Babawi ako sa kasalanang nagawa ko sayo, please, hyung." sabi nito habang umiiyak. 

"Wag muna ngayon, please. Ayusin mo kung gusto mong ayusin pero wag mo muna akong kausapin, kailangan kong kumalma." sagot ni Wonwoo pabalik at pumiglas sa yakap ni Mingyu at naglakas ulit papalayo.

Naiwan naman si Mingyu na umiiyak na nakatayo habang tinitingnan ang kasintahang tuluyan nang naglakad palayo sa kanya.

Isa dapat ito sa pinakamasayang araw ni Mingyu pero dahil sa mga nangyari, isa na ito sa pinakaayaw niyang maalala sa buhay niya.

rants ✩ meanieWhere stories live. Discover now