009

1.7K 114 69
                                    

Kim Mingyu. Siya lagi ang unang naiisip ni Wonwoo kapag pumapasok siya ng classroom.

Kim Mingyu is the one Wonwoo admires the most. Lagi niya itong tinitingnan sa malayo. Wonwoo is not the one who socialize with others. Konti lang ang mga kaibigan nito at hindi pa niya kaklase.

Mas nagkaroon pa siya ng dahilan para pumasok nang nakatabi niya si Mingyu. Pinalipat kasi siya ng section ngayong quarter kaya iniba ng teacher nila yung seating arrangement kaya nakatabi niya ito.

Kabaligtaran ni Mingyu si Wonwoo. Mingyu is considered as the friendliest student in their school. Halos lahat yata ng estudyante sa kanila ay kaibigan nito. Hindi rin naman maitatanggi na gwapo ito kaya marami rin ang nagkakagusto dito at syempre kasama na si Wonwoo doon.

Wonwoo met Mingyu a year ago. Nakita niya si Mingyu nun na may nililigtas na pusang nasa taas ng puno. Kahit natatakot ito ay nakuha pa rin niya itong hawakan para iligtas. Alam niyang mababawa lang yung dahilan pero that's the time he started to like Mingyu.

Nagulat siya nang biglang pumasok si Mingyu sa classroom nila kaya inayos niya ang upo niya. Hindi pa rin siya sanay na katabi niya si Mingyu. Monday ngayon at dalawang araw na silang magkatabi at hindi pa rin siya kilala nito.

Nagulat ulit siya nang nginitian siya ni Mingyu bago ito umupo. Yumuko na lang siya dahil feeling niya ay pumupula na ang pisngi niya dahil sa ginawa ng binata.

"Hi! Pwede ko bang matanong kung anong pangalan mo?" tanong ni Mingyu sa kanya.

Nagulat ulit si Wonwoo sa pangatlong pagkakataon. Hindi niya alam kung sasabihin niya ba o hindi dahil nahihiya siya rito.

"W-ww..o.."

Hindi niya natuloy yung sasabihin niya nang pumasok sa loob yung teacher nila. Binati na nila ito at sinumulang magklase.

Hindi na ulit sila nagkausap ngayong araw dahil umiiwas si Wonwoo kay Mingyu. Gusto niya ito pero nahihiya siya dahil baka hindi nito tanggapin ang feelings nito.

Lunch time na at kasabay ni Wonwoo sila Seungkwan at Minghao.

"Wonu hyung, katabi mo raw si Mingyu?" tanong ni Seungkwan sa kanya. Napatigil ito dahil narinig na naman niya ang pangalan ni Mingyu.

"Ha? Ah oo." Matipid niyang sagot at tinuloy ang pagkain niya.

Kahit kasama nila si Minghao, hindi niya naririnig yung pinaguusapan nila dahil nakaearphones ito at busy sa panonood sa cellphone niya. Sumama lang talaga siya sa canteen para manood at hindi kumain.

"Ano na nangyari? Di ba gusto mo yun?" Malakas tanong ni Seungkwan dito.

"Wag ka ngang maingay. Baka may makarinig sayo. Sabihin oa kay Mingyu yun. Alam mo namang sikat yun diba? Wala pang nangyari at walamg mangyayari." Sabi ni Wonwoo nang nay mahinang boses.

"Sorry naman. Naexcite lang ako masyado kasi akala ko magkaibigan na kayo ni Fafa Gyu." Sabi ni Seungkwan.

"Malabong mangyari yun. Hindi naman niya ako mapaoansin kahit na katabi ko siya." Pagdedepensa ni Wonwoo kay Seungkwan.

"Anong malabo? Malay mo gusto ka rin nun di lang niya pinapahalata."

"Anong gusto niya rin ako? Eh hindi nga niya alam pangalan ko paano niya ako magugustuhan diba?" Sabi naman ni Wonwoo.

"Malay mo nga lang diba. Alam ko na kung bakit ka nagpalipat ng section. Nagpalipat ka para naging close kay Mingyu. Akala mo hindi ko malalaman yun ha." Sabi ni Seungkwan sa kanya.

"Anong para kay Mingyu? Hindi siya yung dahilan 'no. Nilipat talaga ako nung adviser natin para maging equal yung number ng students per section. Kung anu-ano na naman naiisip mo Seungkwan." Sabi nito at pinalo si Seungkwan.

"Aray ha! Masakit yun ha! Maswerte ka at good mood ako ngayon kasi nakausap ko si Hansol ko! Hihihi" sabi ni Seungkwan at inalog-alog si Minghao na busy pa rin sa panonood.

'Hansol?'

rants ✩ meanieHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin