097

567 29 2
                                    

Pagkatapos kausapin ni Mingyu sa Wonwoo sa phone, umalis na kaagad siya sa lugar kung nasaan siya kanina. He's with his cousins kasi pinaguusapan nila kung anong plano nila sa birthday ni Mingyu.

Mingyu's birthday is approaching kaya naguusap na sila kung anong magandang gawin sa araw na iyon.

Nakarating naman agad si Mingyu sa apartment ni Wonwoo at nakangiting pumasok. Nakita naman niya ang nakatatanda na nakahiga pa rin sa kama.

"Akala ko ba gusto mong umalis hyung? Bakit nakahiga ka pa rin?" Bungad na tanong nito at umupo sa gilid ng kama.

"Nakakatamad mag-ayos. Five minutes pa please." sabi naman ni wonwoo at biglang nagpaawa. Bumilis naman ang tibok ng puso ni Mingyu dahil puta, ang cute ng hyung niya.

"Aww kawawa naman ang baby ko. Gusto mo paliguan nalang kita?" panloloko naman ni Mingyu at habang hinahawakan ang buhok ni Wonwoo.

"Ayoko. Baka kung saan pa mapunta yun kapag pinaliguan mo ako." sagot naman pabalik ng nakatatanda. "Wala naman akong gagawing masama? Unless gusto mong gawin ulit natin yun." sabi ni Mingyu habang itinaas baba ang kilay.

Bigla namang umirap si Wonwoo at ngumit nang bahagya saka tumayo sa kama. "Wag na. Eto na oh, maliligo na ako. Wag kang mangangalikot ng mga gamit diyan ha." sabi nito bago pumasom sa banyo. Napatawa naman nang mahina ang nakababata dahil sa sinabi nito.

Pagkatapos ng kalahating oras, natapos na sa pag-aayos si Wonwoo at handa na umalis ng bahay. Wonwoo looks really great with his clothes kaya naman halos tumalon ang puso nung isa dahil sa hyung niya.

The younger is really in love with Wonwoo. Sobrang saya niya at dumating ito sa buhay niya. Wonwoo is really different sa lahat ng taong nakarelasyon niya. There's something with Wonwoo that's really unique at sa kanya lang niya mahahanap yun.

"Done staring, gyu? Ayaw mo na bang umalis?" Wonwoo asked with a smirk. Hindi niya alam kung anong ipinapahiwatig nito pero hindi nalang niya inintindi kung ano man yun.

"Huh? Sorry, I couldn't help not to stare at you. You look great kasi, hyung. Alis na tayo?" Sagot ni Mingyu at hinawakan naman sa kamay ang nakatatanda saka lumabas ng pinto.

Nakarating sila ng mall nang puro tawanan at kwentuhan. Naging mabilis sa kanila ang halos isa't kalahating oras na biyahe dahil puro iyon lang ang ginagawa nila.

Habang naglilibot sila sa loob ng mall, may biglang tumawag kay Wonwoo na ikinagulat naman ng dalawa. "Wonwoo!" sabay nilang nilingon yung taong tumawag kay Wonwoo. Tinawag ito pabalik ni Wonwoo at sa pagkakarinig ni Mingyu, Jinsoo ang pangalan niya.

"How are you Wonwoo? It's been a while since we last talked. Mukhang you're happy now ha." Jinsoo said at tumingin kay Mingyu dahil napansin nito kung gaano kahigpit ang hawak niya sa nakatatanda. Bigla namang sumama ang tingi ni Mingyu kay Jinsoo sa di malamang dahilan.

"I'm okay. Ikaw ba? Ang tagal na rin nating di nagkikita ah. Mga two or three years na ba? Halata ba? Syempre I found my happiness na eh. By the way, Jinsoo si Mingyu, my boyfriend and Gyu, he's Jinsoo my classmate in high school." pagpapakilala nito sa dalawa.

"I'm fine also. I've been very busy kasi sa studies eh. Alam mo na, graduating kaya kailangang magsikap. Oh nice to meet you. Swerte mo kay Wonwoo napakasweet at caring niyan." sabi naman nito at iniabot ang kamay para makipagkamay kay Mingyu.

Medyo nainis ito pero tinanggap naman niya ito at nagsalita. "Nice to meet you too. Pano mo naman nasabing sweet siya?" He asked with an irritated tone. "Uhm wala, ganyan naman kasi siya sa lahat kaya ko nasabi yon." sagot naman ni Jinsoo pabalik.

Naramdaman naman ni Wonwoo na naiinis na ang nakababata kaya pumagitna na siya sa dalawa. "Oo! Sweet at caring talaga ako! It's nice to see you here Jinsoo may appointment pa nga pala kami sa salon. So see you when I see you, mauuna na kami." Wonwoo said at hinatak na si Mingyu. Hindi na nila hinintay sumagot si Jinsoo.

Nang makalayo na sila kay Jinsoo, tinanong ni Wonwoo kung ayos lang ba ang nakababata. "Hey, are you okay? You look pissed kasi kanina kaya nilayo na kita kaagad dun." Mingyu smiled and answered, "Oo, okay lang ako hyung. So halika na? Let's start out date." Mingyu put his hand around his hyung's waist and walked.

Kumain muna sila bago maglibot ulit sa mall. Wonwoo did some shopping dahil may nakita siyang magagandang damit and they are on sale kaya binili niya ito. He really likes sale things kasi mas marami siyang mabibili sa murang halaga. Mingyu ended up carrying all those paper bags dahil nagpresenta ito. Kaya naman walang nagawa si Wonwoo at ibinigay nalang kay Mingyu lahat.

Bago sila umuwi, nagarcade muna sila sandal. Well actually, hindi sandal kasi they spent an hour and a half there playing dahil gusto nilang magipon ng tickets. They collected almost a thousand of tickets kaya naman nakakuha sila ng maliit na stuffed toy when they went to the prizes section to get their tickets exchanged.

Wonwoo really had fun today pero medyo napansin niyang hindi ganon kasaya at parang hindi rin totoo ang mga ngiti na ibinibigay ni Mingyu sa kanya ngayong araw. Gusto niya itong tanungin pero humahanap pa siya ng tamang tyempo para gawin ito. Baka kausapin na lang niya ito sa chat o sa text mamaya. 

Hinatid muna ni Mingyu si Wonwoo sa apartment nito bago siya umuwi ng bahay. "Wonwoo hyung." tawag ni Mingyu dito bago ito pumasok ng apartment niya. "Hmm?" Sagot nito at naghihintay kung ano ang sasabihin ng nakababata. 

Wala siyang narinig sa salita galling sa binata pero may naramdaman siyang labing lumapat sa labi niya.  Mingyu is kissing Wonwoo right now. Biglang bumilis ang tibok ng puso nito. Mingyu started moving his lips pero hindi nagalaw si Wonwoo dahil sa gulat. They ended up breaking the kiss at wala nang nagawa si Wonwoo. Sayang, he thought.

"I love you, hyung." Mingyu said and smiled widely. This time, sigurado si Wonwoo na totoong ngiti ang binigay sa kanya ni Mingyu. Unlike before, kitang kita mo sa ngiti niya na masaya siya. "I love you too. Sige, gyu it's late na papasok na ako. Umuwi ka kaagad ha wag pupunta kung saan saan." bilin ni Wonwoo bago pumasok sa loob. Tumango naman si Mingyu at hinintay na pumasok ang nakatatanda sa loob.

Dahan dahan niyang isinara yung pinto at sinilip niya si Mingyu sa peephole kung nandoon pa. He saw Mingyu smiling. Bumilis na naman ang tibok ng puso niya and touched his lips. He remembered the kiss clearly in his mind and that, made him smile also.

——————————————————————————
okaaaayyyy so it's been a while since i last update so here it is! this was supposed to be published before mingyu's birthday kaso tamad ako hehehe

rants ✩ meanieWhere stories live. Discover now