019

1.4K 100 26
                                    

Alam na ni Wonwoo. Alam na ni Wonwoo na si Mingyu yung kausap niya. Alam na niyang yung taong gusto niya yung kausap niya. Wonwoo didn't expect that it was Mingyu. He thought it was an ordinary person who wants to rant.

Nagulat siya syempre. Nagulat siya kasi he confessed to Mingyu indirectly. Yung mga panahong sinasabi niya yung tungkol sa taong gusto niya, nasabi na niya kay Mingyu lahat lahat.

Kahit alam niyang mali, gusto niya pa ring ipagpatuloy yung pag-uusap nilang dalawa. Kahit na magsinungaling pa siya kay Mingyu. Dahil nakakausap niya nang maayos si Mingyu thru text.

He also realized na siya pala yung katabing binabanggit ng kausap niya sa text. He realized that Mingyu had a little crush on him back then. Masaya siya kasi kahit konti, nagkaron ng feelings si Mingyu para sa kanya.

"Wonwoo hyung! Nakikinig ka pa ba sa akin?!"Seungkwan sbouted that made Wonwoo back to reality. Iniisip niya pa rin yung mga nangyayari.

"Oo nakikinig ako. Ano nga ulit yung sinabi sayo ni Hansol?" Tanong nito para kunwari ay alam niya ang sinasabi ng kaibigan niya.

"Ano ka ba, hyung?! Kanina ko pa nakwento yan ha! Hindi ka talaga nakikinig eh! Ang bad mo!" Pagtatampo nito.

"Ang dami ko kasing iniisip, okay? Magkwento ka na lang ulit makikinig na ako sayo." Sabi ni Wonwoo at pinagpatuloy ang pagkain sa burger niya.

"Ayoko na. Ikaw na lang magkwento. Anyare na sa inyo ni 'rant dongsaeng' mo?" Nagulat siya nang marinig ang tawag niya doon.

Sasabihin ko ba? He thought. Naga-alangan siya kung sasabihin niya lahat kay Seungkwan o hindi. He's Wonwoo's friend after all.

"Kilala ko na siya, Kwan." Sabi nito.

"Sino? Yung rant dongsaeng mo?" Tanong ni Seungkwan dito.

"Oo. At magugulat ka kung sino siya." Sabi nito.

"Sino omg? Si Hansol ko ba? Sabihin mo hyunggg" sabi ni Seungkwan at inalog-alog si Wonwoo.

"Hindi siya no. Wag ka ngang oa. Si Mingyu pala yung katext ko. Si Mingyu okay, hindi si Hansol. Myghad." sabi ni Wonwoo.

"Siya talaga?! Omayghad!! Anong plano mo? Sasabihin mo bang 'hi ako yung katext mo at gusto ko lang sabihin na gusto kita' ganon ba ha?" tuloy tuloy na sabi ni Seungkwan.

"Hindi, malamang. Bat ko naman sasabihin yun? Ayokong saktan yung sarili ko. Sayang din tung pagkakataong makausap siya. Alam mo namang hindi ako nakakapagsalita sa personal kapag kausap ko siya diba." sagot ni Wonwoo.

"So magsisinungaling ka ganon?"

"Sa tingin mo?"

"Hindi ko alam kung may halong pang-aasar yan pero feeling ko meron nga. Eh di magagalit sayo si Mingyu niyan!" sabi ni Seungkwan.

"Anong meron kay Mingyu?" singit sa usapan ni Minghao na kararating lang.

"Ah wala. Wala pa kasi akong naiisip na plano para sa project namin kaya baka magalit siya kapag wala kaming magagawa." pagdadahilan ni Wonwoo.

Yan ang maganda kay Wonwoo, nakakaisip siya kaagad ng dahilan kapag naiipit siya sa isang sitwasyon. Katulad nung sinabi niya sira yung sim card niya. He just said that para magkaron siya ng dahilan na hindi itext si Mingyu.

"Partners kayo ni Mingyu? Buti naman at kinakausap mo na siya hyung. Alam mo bang halos mabaliw na yon sa kaiisip kung may galit ka ba sa kanya o wala." sabi ni Minghao at tumabi kay Seungkwan.

"Oo para sa project sa science. Siya yung nag-aya so nakakahiya naman kung tatanggi ako kaya pumayag na ako. Tsaka hindi naman ako galit sa kanya eh. Hindi lang talaga ako pala-salita." Sabi ni Wonwoo. At nahihiya pa rin ako sa kanya.

"Hindi ka nga pala madaldal di katulad ni Seungkwan na walang tigil ang bibig. Pero sana magtuloy tuloy yung friendship niyo ni Mingyu. He always want you to be his friend. Mas gusto ka pa nga niya yata kaysa sa akin eh." sabi ni Minghao at tumawa nang mahina.

"Hindi no. Syempre mas gusto ka ni Mingyu. Iba naman kasi yung friendship kaysa sa relationship niyo eh." sabi ni Wonwoo at ngumiti nang mapait. Mas gusto ka niya. Ikaw nga yung nililigawan eh.

"Bat nadamay yung cutie lips ko dyan, Minghao ha?!" singit ni Seungkwan sa usapan.

"Sinasabi ko lang naman kung gano ka kadaldal, imma!" sabi ni Minghao kay Seungkwan. Napangiti naman si Wonwoo dahil ang cute nilang tingnan kapag nag-aaway. "Iwanan ko muna kayo dyan. Malapit na yung next class ko." paalam ni Wonwoo sa mga kaibigan.

Pumunta na si Wonwoo sa klase niya which is Science. Science means, Mingyu. Kaklase niya si Mingyu sa halos lahat ng mga subjects niya and that includes Science.

Katabi nya nga rin pala ito sa lahat na subjects na magkaklase sila so mas nahihirapan siyang layuan ito.

"Hi hyung!" bati ni Mingyu rito pagkapasok niya ng room. Ngumiti muna ito bago magsalita. "Hello, Mingyu. Bakit paranf ang aga mo yata? 10 minutes pa bago magstart yung klase ha." Sabi ni Wonwoo. Kinaya niyang hindi mabulol habang kinakausap si Mingyu. That's already an achievement for himself.

"Ganon ako lagi, hyung. Sa room ako kumakain ng lunch kasi masyadong mainit sa canteen kapag lunch time." Sabi ni Mingyu at inayos ang bag niya.

"Ah ganon ba? Sayang masarap pa naman yung pagkain sa canteen." Sabi ni Wonwoo at kinakalma ang sarili. Ito na ang pinakamatagal na nakausap niya si Mingyu.

"Mas masarap pa rin yung luto ko dun." Sabi ni Mingyu. "Luto mo yung kinakain mo?" Gulat na tanong ni Wonwoo habang nakatingin kay Mingyu.

"Oo. Hindi ka naniniwala? Eto. Tikman mo. May natira pa akong ulam kanina." Sabi ni Mingyu at inabot yung tupperware at kutsara kay Wonwoo.

"Wag kang mag-alala, hyung. Hinuhugasan ko yung kutsara ko palagi pagkatapos kumain." Sabi ni Mingyu. Inabot naman ni Wonwoo yung kutsara at tinikman yung luto ni Mingyu.

"Masarap nga!" sabi ni Wonwoo at napangiti siya sa sarap ng luto ni Mingyu. Ano kayang feeling kapag nilutuan ka ni Mingyu?

"Sabi ko naman sayo eh. Masarap akong magluto eh. Huwag kang mag-alala hyung, dadalhan kita bukas." Sabi ni Mingyu. Nagulat naman si Wonwoo sa natinig niya.

"Ha? Kahit wag na. Nakakahiya naman sayo." nahihiyang sabi ni Wonwoo rito.

"Okay lang yun hyung. Gusto ko ring makipagkaibigan sayo. Ay oo nga pala. Ayos na ba yung sim card mo? Hindi mo pa sakin nabibigay yung number mo eh. Baka hindi kita macontact kung sakaling magkaproblema sa project." Sabi ni Mingyu.

"Ha? Ah oo nga pala. Mamaya ko pa aayusin yung sa sim card ko eh. Hayaan mo itetext kita mamaya kapag naayos na." Pagdadahilan ni Wonwoo.

Mukhang kailangan ko nang bumili ng bagong sim.

rants ✩ meanieWhere stories live. Discover now