094

709 45 8
                                    

Dali-daling lumabas ng bahay niya si Mingyu pagkatapos niyang ibaba ang telepono. Nagpapanic na naman siya. Hindi na naman niya alam ang gagawin ngayon dahil nagkasakit si Wonwoo.

Hindi na bago sa kanya 'to dahil nangyari na ito dati noong sila pa ni Minghao.

Tinakbo niya yung supermarket dahil medyo malapit lang naman ito mula sa bahay niya. Bumili siya ng pwede niyang lutuin para kay Wonwoo. Dumampot na lang siya ng kung anu-ano dahil nagmamadali na ito para makapunta kaagad kila Wonwoo.

Habang naglalakd siya papunta sa counter, iniisip na niya kung anong pwede niyang lutuin sa mga pinamili niya. Literal na dumampot lang siya ng mga pagkain dahil gusto na niyang puntahan si Wonwoo ngayon. Siya na yung nasa pila at binigay na niya sa cashier yung mga pinamili niya. Magbabayad na dapat siya pero hindi niya makapa yung wallet niya sa bulsa. Tingin niya ay nakalimutan niya ito sa bahay o kaya ay nahulog habang tumatakbo siya.

Sasabihin na sana niya na naiwan niya yung wallet niya sa cashier at babalikan na lang ang mga ito kahit alam niyang hindi papayag ang mga ito nang may tumawag sa kanya. "Mingyu!" tawag ng lalaking may pamilyar na boses. "Uy Jungkook, ikaw pala! hehe" sabi niya rito na parang nahihiya. "Bat mukhang tense na tense ka? May nangyari ba?" Tanong nito at lumapit sa binata. "Ano kasi, may sakit si Wonwoo kaya pupunta ako sa kanya kaso ang problema naiwan ko yata yung wallet ko sa bahay. Nakakahiya naman kung sasabihin ko sa kanila. Pwede bang pahiram muna ako ng pera hehe." nahihiyang sabi ni Mingyu sa binata. Sobrang nahihiya talaga siya pero lahat gagawin niya para kay Wonwoo.

"Ay ganon ba, sige buti may extra akong pera dito. Gusto mo ba samahan na kita kila Wonwoo? Mukha kasing ikaw din magkakasakit na eh." sabi nito at mukhang nag-aalala para kay Mingyu. "Hindi ba nakakahiya sayo? Baka may puntahan ka pa, medyo malayo pa yung bahay ni Wonwoo hyung." sabi nito pabalik. Alam niya kasing medyo ayaw ni Wonwoo kay Jungkook kaya magkakaproblema kapag sinama pa niya ito. Seloso pa naman daw si Wonwoo nitong mga nakaraang araw.

"Okay lang, wala naman talaga akong lakad ngayon. Boring sa apartment ni Taehyung hyung kaya samahan na kita dun. Gusto ko ring bisitahin si Wonwoo hyung." pagpupumilit nito. Patay tayo dito, sabi ni Mingyu sa isip. Wala namang nagawa si Mingyu kaya pumayag na lang din ito tutal kung hindi dahil sa kanya, wala siyang maibabayad sa pinamili niya.

"Sige, sumama ka na nga haha. Thank you pala sa pagbayad nung mga binili ko. Matutuwa si Wonwoo hyung kapag nakita niya to." Syempre hindi, baka patayin pa nga ako nun. Dugtong siya sa sinabi niya. Lumabas na sila ng supermarket at sumakay ng bus para pumunta sa unit ni Wonwoo.

Pagkarating nila sa building, sumakay na sila sa elevator at pinindot naman ni Mingyu ang button kung saan may nakasulat na 17. Nasa 17th floor kasi ang unit ni Wonwoo at hindi pa rin maisip ni Mingyu kung bakit sa 17th floor pa gustong tumira ni Wonwoo.

Nasa 10th floor na sila at nagulat nalang ang mga ito nang biglang namatay ang ilaw sa loob. Nagulat si Jungkook kaya bigla itong napahawak sa braso ni Mingyu at nagulat naman ang nakatatanda sa ginawa ng binata.

Bigla rin namang bumalik ang ilaw sa loob pero nakatigil pa rin ang elevator sa 10th floor. Napatingin naman si Mingyu sa kamay ni Jungkook na nakahawak pa rin sa braso nito. Bigla namang binitawan ng nakababata ang hawak niya sa braso ni Mingyu.

"Sorry." mahinang sabi niya at inayos ang sarili. Sunagot naman si Mingyu ng mahinang "Okay lang." wala ng nagsalita sa dalawa pagkatapos nun.

Maya maya pa, bigla namang umandar ang elevator na parang walang nangyaring aberya kanina. Sa tingin ko kailangan nang lumipat ni Wonwoo hyung mukha madalas masira tong elevator nila. Sabi ni Mingyu sa isip habang nililibot ng tingin ang elevator.

rants ✩ meanieOnde as histórias ganham vida. Descobre agora