032

1.2K 81 134
                                    

Warning: G Y U H A O (wag ano oki)

Agad na dumiretso si Mingyu sa apartment ni Minghao. Hindi naman ganon kalayo 'yon kaya tinakbo na lang niya. Mingyu runs as fast as he can para mabilis makarating sa apartment.

Kinakabahan siya. It's the first time na hindi nagreply si Minghao sa text niya, kahit nung magkaibigan pa sila.

When he reached the building, dali dali siyang sumakay sa elevator and pressed the '13' button. Nasa 13th floor yung apartment ni Minghao at hassle kung gagamit pa siya ng hagdan. Bukod sa mapapagod siya, magsasayang din siya ng oras kapag ginawa niya yun.

Nang makarating na siya sa 13th floor, mabilis siyang pumunta sa unit ni Minghao. Nakarating na siya sa pinto at noong bubuksan na niya ito, napansin niyang nakalock ito. Minsan na siyang nakarating dito kaya inaalala niya yung code. Naalala niyang it's Minghao's birthday.  1107. It opened.

Medyo malaki para sa isang tao yung unit ni Minghao. Walang tao sa living room kaya sa tingin ni Mingyu ay nasa kwarto ito.

"Hao? Nandyan ka ba?" sabi ni Mingyu at kumatok. After a few seconds, walang sumagot sa kanya. Naghintay pa siya ng konti pero wala pa rin. He didn't have a choice but to open the door.

Nakita niya ang isang Minghao na nakahiga pa rin sa kama at balot na balot ng kumot. "Yah! Anong oras na nakahiga ka pa rin diyan!" sabi ni Mingyu at lumapit sa kama.

Akmang yuyugyugin na niya ito pero natigilan siya dahil sobrang init ni Minghao. May lagnat siya! Mingyu thought. "Yah Minghao! Gumising ka na diyan. Nilalagnat ka!" sigaw nito kaya gumalaw nang konti si Minghao.

"Hmm" yan lang ang narinig ni Mingyu kay Minghao na tinalikuran siya.

"Minghao! Gumising ka na at kailangan mo pang kumain at uminom ng gamot!" hindi pa rin nagalaw si Minghao kaya lumabas muna si Mingyu para tingnan ang ref ni Minghao kung anong pwede maluto para sa kanya.

Binuksan nito ang ref pero wala siyang nakita maliban sa tubig. Hindi pa nagg-grocery si Minghao dahil tuwing Saturday niya ito ginagawa. Pero ngayong may sakit siya mukhang hindi niya ito magagawa.

Lumabas muna si Mingyu para bumili ng nga gagamitin niya. He took him almost an hour sa pamimili ng pagkain. Pinipili niya yung pinakamaayos na itsura at brand. Muntik na nga niyang bilhin yung pinakamahal para sure siyang maayos yung mapapakain niya kay Minghao.

Dumiretso na siya sa unit ni Minghao para magluto. Nagluto na kaagad siya para makakain si Minghao. First time niyang makaranas ng ganito kaya natataranta siya habang nagluluto. Kadalasan kasi siya ang ipinagluluto kapag may sakit siya. Ngayon, siya ang tagaluto.

Magt-twelve na ng tanghali nang matapos siyang magluto. Pumunta na siya sa kwarto ni Minghao at nagdala ng pagkain at gamot.

Pagpasok niya, nakita niyang gising na ito pero nakahiga pa rin sa kama. "Ano bang nangyari sayo? Bat bigla kang nilagnat?" tanong nito at nilagay yung tray sa table. "Hindi ko nga rin alam eh. Basta paggising ko ang sakit na ng ulo ko tsaka eto, nilalagnat na ako." sabi ni Minghao at umupo sa kama niya.

Inayos muna ni Mingyu yung kama ni Minghao para makakain siya. Umupo siya sa tabi nito para subuan si Minghao. "Kaya ko namang kumain mag-isa. Wag mo na akong subuan." sabi ni Minghao at kinuha na yung bowl pero kinuha ulit ni Mingyu pabalik sa kanya. "Hindi pwede. Susubuan kita. May sakit ka pa kaya say ahh" sabi ni Mingyu at inilapit yung kutsara sa bibig ni Minghao. Binuka naman niya yung bibig niya para kainin yung pagkain.

rants ✩ meanieWhere stories live. Discover now