MHGDM 38

3.7K 142 57
                                    

Lychi's Point Of View

agad akong kumalas mula sa Pagkakayakap ng isang kamay niya sa Bewang ko.

Tumakbo ako sa kwarto ko at Mabilis na isinara iyon at nilock.

Napasandal ako sa likod pintuan at napahawak pa ako sa Dibdib ko, bakit ayaw matigil ng pagwawala ng Puso ko?

Ano itong Ginawa mo sa akin Leaf.

Tumakbo ako sa kama at Nagtalukbong ng kumot, para akong sasabog sa kilig ngayon.

Ayokong sumigaw dahil nasa kabilang kwarto lang si Leaf at Nagpapahinga na.

Hindi pa daw siya makaka uwi ngayon dahil walang masasakyan, tapos malakas pa daw ang Ulan.

Tinanong ko siya kung ano ang Sadya niya, Prangkahan niya akong sinagot na 'ako Daw ang Sadya niya kaya siya Pumunta dito ng Dis Oras ng Gabi, hindi daw kasi siya makatulog ng Hindi siya kampante na ligtas ako'

Gusto kong Kiligin that Time pero baka, isipin niya na Baliw na baliw ako sa kanya.

Sa sobrang Lalim ng mga Iniisip ko ay Hindi ko namalayan na Nakatulog na pala ako

----------------------------------

Nagising ako dahil sa Sobrang lamig ng nararamdaman ko.

Napabalikwas ako para tignan kung Nandito pa si Leaf at Hindi pa umuuwi.

Lumabas ako ng Kwarto ko at tinungo ang Kwarto niya..

Kumatok ako ng Tatlong beses, pero walang Sumasagot, Binuksan ko na ang pintuan niya para tignan kung nandoon pa siya.

Nakita ko doon si Leaf na Namamaluktot sa higaan at Parang Nilalamig siya.

Napatakbo akong Pumunta sa Kanya.

"Leaf? Anong Nangyayari sayo? Teka! Mainit ka ah!"sabi ko at Kinapa ko ang Noo niya.

Kasalan niya kung bakit siya nilagnat ngayon, sumugod siya sa Ulan para lang makapunta dito.

"Tsk! Malamang Buhay ako kaya mainit ako!" Sabi niya.

Tignan mo itong isang ito! May sakit na Nagagawa pang mamilosopo.

Umirap ako sa hangin at Tumakbo sa kwarto ko para Kuhanin yung Kumot at Unan ko.

Nakalimutan ko na Pahiramin siya ng kumot at Unan, wala siyang Kumot kaya malakas ang Posibility na Magkasakit siya tapos sabayan mo pa ng malakas na Ulan ngayon.

Nilagyan ko ng Unan ang ulo niya at Inilatag ko sa katawan niya ang Kumot.

"Leaf, Try kong manghingi ng Gamot kay Auntie baka meron siya." Sabi ko sa kanya at tatakbo na sana ng pigilan ni Leaf ang Kamay ko

"Chi! Lagnat lang ito Hindi pa ako Mamatay" sabi niya at Napahagikgik pa.

Oo Hindi ka mamatay, pero ako mamamatay sa kaka alala sa Kalagayan mo.

Nginitian ko siya at Umupo sa gilid ng kama niya.

"Leaf Bibili ako ng Makakain mo"sabi ko sa kanya.

Natatandaan ko pa na Kapag may sakit ako hindi ako makakain, kaya ang ginagawa ng Nanay ko noon ay Nilulutuan niya ako ng Lugaw, kasi daw ang Lugaw ay pampalakas ng May sakit.

"No need! Dito ka lang Chi sa Tabi ko, Sapat na iyon para gumaling ako" sabi niya.

Napapikit ako dahil sa Kilig.. leaf Ganito ang Epekto mo sa akin.

"Pero Leaf?" Kokontra pa sana ako sakanya ng Hilahin niya ako.

Napatumba ako, Lumanding ang Ulo sa Dibdib niya, Rinig na rinig ko ang Mabilis na pagpintig ng Puso niya.

Leaf parehas tayo, ganyan na ganyan din kabilis ang Tibok ng Puso ko.

"Matulog na tayo!" Sabi niya at Niyakap ako ng dalawa niyang Kamay.

Para akong Isang Unan na Ayaw niyang Pakawalan...

Ang Posisyon namin ay Nakatagilid siya na nakayakap sa akin, ang ulo ko naman ay Nakasandal sa Dibdib niya....

Leaf! Buwiyset ka, pinapakilig mo ko lagi..........

My Handsome Gay Dorm Mate [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon