MHGDM 35

3.4K 132 21
                                    

Lychi's Point Of View

Nagtinginan kami ni Leaf bago siya pumasok sa kwarto..

Leaf siguro ito ang Mas mabubuti sa akin, sa puso ko, para maghilom ito, yung lalayo ka sa akin, diba ganun naman talaga Pag ang isang tao ay Hindi mo na nakikita, Nakakalimutan mo siya at nawawala na ang Spark niyong Dalawa....

Nginitian ko ang Mommy ni Leaf bago ako Pumasok ng Kwarto ko..

Humiga ako sa kama at bumuntong gininga

Parang Kahapon lang ei, kakadating lang ni Leaf sa Dorm na ito, pinaingay niya ang bawat sulok neto at binigyan niya ng maraming ala ala.

Kahit minsan ay Masama ang Ugali at Laging nakasimangot! Nakita ko ang iba't ibang Uri ng pag uugali niya. may Mabuting side din pala ang Baklang dahon Na iyon.

Sa mga lumipas na araw ay Nakita ko kung sino siya, at kung bakit nagustuhan ko ang isang Dahon na sumulpot na lang bigla sa buhay ko, siya ang dahon na Kahit Mukhang Bored palagi, aalalahanin parin ang Ikabubuti mo. Kahit Mukhang Mangangat siya, napapangiti niya ako..

Pero ngayon aalis na siya,

Sa kakaisip ko ng Kung ano ano!, hindi ko namalayan na Dinalaw na pala ako ng Antok at Tuluyan na akong nakatulog..

---------------------------------------

Nagising ako ng Ala sais ng Umaga...
Naisipan ko na Magluto ng Makakain namin ni Leaf, gusto ko bago siya umalis, May magandang Maiibabaon ako sa kanya..

Lumabas ako ng Kwarto ko, una hindi ko napansin yung mga Maleta na Nasa Mini Sofa.

Pero ng Marealize ko na pamilyar ang mga maleta ay Kinabahan ako..

Maleta iyon ni Leaf, at aalis na siya.

Bakit Ang Bilis naman?.

Iba talaga pag Marami kang Pera. Kaya mong Manipulahin ng Ganoon kabilis ang mga Bagay Bagay, ngayon naiintindihan ko na kung bakit Iba si leaf sa mga nakilala ko napagtagpi tagpi ko din ang mga bagay sa isang maliit na oras noong magkasama pa kami, hindi pangkaraniwan ang baklang dahon na ito, halata sa kanya ang pagiging anak mayaman, na kumpirma ko lang ito noong mga magkagalit kami, hindi niya alam Sinearch ko sa Google kung Sino ba talaga siya, noong una hindi ako makapaniwala na May isang anak ng Bilyunaryo na nag ngangalang Leaf Iuhence Heizer, Sabi ko noon baka kaparehas nila lang ng pangalan, pero may mga article na may mga social Gathering akong nakita sa at Napatunayan ko na Ang Baklang Dahon na nasakatabing kwarto ko lang ay Anak ng Bilyunaryo, ang ipinagtataka ko lang kung bakit nandito siya sa Lugar kong saan Maliit at iba sa ginagalawan niya, nag trabaho din siya sa Restaurant kung saan ako nag tatrabaho, hindi ko akalain na Napaka taas niya.

Kaya imposibleng imposible ako sa kanya, kung maging lalaki man siya baka Hindi rin ako pwede sa kanya dahil Mahirap at probinsyana lang ako

Napatingin ako sa pinto ng Kwarto ni Leaf ng bumukas ito.

Lumabas si Leaf na Suot suot ang Bored Looks niya...

Nakapang alis na siya at mukhang Handang Handa na siya Maglipat...

Iiwan niya na ba talaga ako? iiwan niya na ba talaga ang Dorm Mate niya?.

Umiwas ako ng Tingin sa kanya, Pakiramdam ko may mainit na likido na Tutulo sa mga mata ko pag Tumagal pa ang Pagtitig ko sa kanya, napakalayo niya kung saan ang estado ko.

Dumeretso ako sa C.R at umupo sa Bowl, doon na tumulo ang Luha ko, Siguro dahil bago sakin ang lahat kaya hindi ako aware sa totoong nararamdaman ko sa kanya, nabulag ako sa nararamdaman ko kay Jade, pero hindi ko alam unti unti na pala akong Nahuhulog sa kay Leaf.

Isa ito sa mga dahilan kung bakit ayokong may nagtatagal na kashare ko sa dorm, ayoko sa lahat yung aalis na sila, dahil masakit ang reality na hindi na sila babalik.

Pag napalapit kasi ako sa kanila ayoko na, na Iwanan nila ako kaso imposible ang bagay na yun, at walang kasiguraduhan.

Tumagal ako ng 30 minutes sa C.R, pinahupa ko muna ang Luha ko isa pa Ayokong makita ako ni Leaf sa mahinang Ako, ayokong nakita siyang Umalis.

Lumabas ako ng C.R at Agad akong Napatingin sa Sofa na may Maleta ni Leaf...

Wala na ito doon...

Wala na Umalis na si Leaf...

Napatingin ako sa Kwarto niya, bukas ito at wala na yung mga Gamit niya...

Naglakad ako para pumunta ng lamesa at uminom ng Tubig..

Parang Sumisikip ang Dibdib ko, ang sakit Maiwanan lalo na kung matagal tagal din kayong nag sama.

May nakita akong Nakatakip na Pagkain sa lamesa, Binuksan ko ito at Nakita kong Bagong Luto itong Sinangag..

Nilutuan ako ni Leaf bago siya umalis.

Ang sama ko, hindi man lang ako Nagpaalam ng maayos sa ka Dorm Mate ko.

Nagpasya ako na Bumaba, baka sakaling Maabutan ko pa si Leaf..

Gusto kong Magpasalamat sa Kanya at Sabihin ang Nararamdaman ko.

Siguro mas Gagaan ang nasa dibdib ko kung Masasabi ko sa kanya na Gusto ko siya....

Wala akong Pinalagpas na segundo at Dali dali akong Bumaba ng Hagdan para Habulin si Leaf...

May nakita akong Lalaking Nakatalikod mula sa akin at papalabas na siya ng Building ng Dormitoryo namin...

"LEAF!" sigaw ko.

Agad ko namang Nakuha ang Atensyon niya kaya Humarap siya sa Gawi ko.

Nakita ko na Sumilay sa Labi niya ang Isang Maliit na Ngiti...

"Baklang Dahon ka! Salamat sa Sinangag mo! wag mo kong Kakalimutan ah!, T-tyaka pala L-leaf! May Aaminin ako sa iyo!" Sabi ko sa kanya.

Nanatiling Nakatingin lang sa akin ang Baklang dahon na ito.

Gusto ko sabihin sa kanya yung nararamdaman ko para kahit papano mabawasan yung sakit.

"L-leaf! G-gusto na K-kita!" Sabi ko sa kanya.

Hindi siya kumibo sa sinabi ko Bagkus ay Tumalikod siya sa akin at Naglakad na palabas ng Building namin....

Alam ko na,


Alam ko na, na Ganito ang Kakalabasan kaya, maspipiliin ko na lang Itigil, kesa ipag patuloy pa ang Imposibleng Pag ibig na ito.......

Inilabas ko din ito para magising ako na wala talagang Pag asa, walang pag asa ang Pag ibig ko sa isang taong Salungat ang nararamdaman at pagkatao.

My Handsome Gay Dorm Mate [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon