MHGDM 42

2.6K 110 16
                                    

Lychi's Point Of View

Nang nag uwian na, agad akong Nagpasya na Umuwi, wala naman akong Ibang Gagawin, at Tyaka baka Magkita ulit kami ni Leaf at noong Girlfriend niyang si Trixie.

Pagkalabas ko ng School, marami akong Nakitang Sasakyan na Naka Park, Tapos madaming Mga Tao na naghihintay sa labas, Sa Tantya ko ay Mga Reporter sila, malamang lang na Magkakaroon ng mga Reporter dito kasi may Artista ngayon sa Eskwelahan namin.

"Nakalabas na ba sila Trixie at Yung Boyfriend niya?" narinig kong Tanong ng isang babaeng reporter sa Kasamahan niyang Reporter din.

"Ang Sabi ng Guard ay Nandidito pa daw sila sa Loob" sagot ng Isang Reporter.

Nako! Mabuti ng Lumayo ako kay Leaf sa Ngayon, ayokong madawit lalo na at Buong mundo pa ang Makakakita.

Nagsimula na akong Maglakad, paalis ng school, alam niyo ba yung Pakiramdam na Parang Magisa ka at Para kang Baliw na Palingon lingon...

Ewan ko ba kung Bakit nakakaramdam ako ngayon ng Ganoon.

Sa Kalagitnaan ng Paglalakad ko ay Napatingin ako sa Sasakyan na Tumigil sa Gilid ko.

Una Hindi ko iyon pinansin pero sa kanatagalan ay Napapansin ko na Sumusunod na sa akin iyon.

Pag Humihinto ako Hihinto din ang Sasakyan pag maglalalad na ako aandar na rin yung sasakyan..

Pinag titripan ba ako ng Driver neto...

Hindi ko Pinansin ang sasakyan na iyon bagkus ay Pinag patuloy ko ang paglalakad ko.

Maya maya ay Napatingin ako sa Side Window ng Sasakyan na sumusonod sa akin, bumukas kasi ito.

Nangunot ang Noo ko dahil sa taong Sakay neto.

"Hahaha! Bakit malungkot ka nanaman?" sabi ng Lalaking ito.

Nang makilala ko siya ay Nawala ang Pangamba sa Dibdib ko.

"Sir Dharwin Ikaw pala!" Sabi ko.

"Kapag tuwing nagkikita tayo ay Malungkot ka na lang lagi!" Sabi niya.

Ngumiti ako sa kanya kahit alam kong Peke iyon.

"Sumabay ka na sa akin Chi!" Alok niya sa akin.

"Hindi na sir Dharwin Malapit lang naman na ako!" Pagtanggi ko sa alok niya.

"Ayos! Wag ka nang mahiya Chi! Teka Matanong ko lang May gagawin ka ba bukas ng Hapon?" Nagulat ako sa tinanong Niya.

Nag isip ako kung May Gagawin ba ako?

"Wala na naman, bakit niyo po natanong?" Tanong ko sa kanya.

"Gusto sana kitang Isama Bukas May Photoshoot ako, Para Sumaya ka naman!" Sabi niya at Nginitian ako.

Sasama ba ako? Wala naman akong Gagawin bukas.

"Sige Sir Dharwin Asahan niyo po Sasama ako" sabi ko sa kanya.

Naisip ko kasi na Hindi pa din ako Nakakapanood ng Mga Photoshoot ng Mga Artista, malay ko Makita ko doon yung Iba kong Idol, pag sumama ako, at Tyaka gusto ko rin munang Matigil itong Pag iisip ko Tungkol kay Leaf at Trixie.

"So Bukas! 4pm Susunduin kita sa Restaurant" sabi niya.

Tumango ako sa kanya at Ngumiti ng Matamis.

Bakit pag Malungkot ako nagpapakita itong Si Dharwin, May Sa maligno ba siya?...........

Hindi din nagtagal ay Napapayag niya na akong Sumabay sa kanya at Ihatid niya ako sa Dorm Building ko

"See you Tommorrow Sir" sabi ko sa Kanya..

Ngumiti siya at Tumango sa akin Bago Umalis.

Pag alis niya ay Napatingin ako sa Sasakyan na nakaparada sa hindi kalayuan.

Nakasakay doon si Leaf at Masamang Nakatingin sa akin..

Ilang segundo lang ay Umandar ang Sasakyan ng Napakabilis paalis doon

Siya ba iyon O Namamalikmata lang ako?


To be Continue..........

My Handsome Gay Dorm Mate [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon