MHGDM 26

3.1K 130 18
                                    

Lychi's Point Of View

Lumabas ako ng kwarto ko ng Iika ika.

Isang Araw na akong nakakulong sa Dorm na ito, paano ba kasi ayaw akong papasukin ni Leaf sa School at sa Restaurant, mag pahinga daw muna ako dahil hindi pa magaling ang Paa kong napilayan.

"Baklang dahon nanjan ka ba?" Sigaw ko pagkalabas ko ng Kwarto ko.

May sasabihin ako sa inyong pangyayari na mahirap paniwalaan.

Si Baklang dahon pala ay may Pusong Mamon din, I mean Oo matagal na nang Malambot ang puso niya Kasi nga Bading siya, pero ang ibig kong sabihin ay Inaalagaan niya ako, Sinusunod niya ang mga nais ko at pinagsisilbihan niya ako, feeling ko Prinsesa ako at siya ang Hari ko Este siya ang masuyod ko taga pagsilbi ganun.

"Nasaan kaya yon?" Kahit hirap ako maglakad ay tinungo ko ang Kwarto ni Baklang dahon para tignan kung nandoon siya.

Kumatok muna ako ng Tatlong beses para malaman kong may tao sa Kwarto niya.

Pero walang sumagot sa mga katok ko.

"Leaf papasok na ako!" Sabi ko at pinihit na ang door knob ng pinto,

Sinilip ko muna ang Loob ng kwarto niya bago ako pumasok ng tuluyan sa loob.

Wala din siya sa Kwarto niya, saan naman kaya nag suot ang baklang Dahon na iyon, hindi kaya Umawra?

Kagaya ng Una kong pag pasok sa kwarto ni Baklang dahon, Malinis at Maaliwalas parin ito, amoy na amoy dito ang body wash na ginagamit niya at scent ng shave cream na ginagamit niya.

Bakit Leaf! Bakit Ganito ang Kwarto mo! Inaakit ako! Naiingit ang kwarto ko sa kwarto mong malinis at mabango.

Inilibot ko ulit ang Paningin ko dito sa loob, ay Kung makiusap kaya ako kay leaf na palit muna kami ng Kwarto papayag kaya siya?

Siguro hindi! Kasi nasusura yon kapag nasa loob siya ng kwarto ko, lagi siyang na parang galit at napapamura pa ng pabulong.

Kawawang kwarto ko, pag nakakapasok si leaf minumura ng pabulong with matching pasabunot pa sa sariling buhok.

Lagi din siyang Hinihingal na parang Pinagpapawisan ng Malamig kapag nasa kwarto ko siya, grabe siya sa kwarto ko, sa sobrang pandidiri sa akin ayaw niyang tumatagal sa kwarto ko labas din siya agad at laging badabong ng sinasara ang pintuan ko.

Minsan nga Nagpatulong ako sa kanya na Ihook ang Bra ko sa Likod kasi Nahihirapan ako na ihook iyon.

Ang Baklang Leaf na iyon ay padabog na Lumabas ng Kwarto at pabalang na isinara ang pinto.

Nagtataka ako kung bakit ganoon ang Inaksyon niya, ei alam ko naman na Bakla siya kaya walang malisya kong sa kanya ako mag papahook ng Bra diba.

Naglakad ako papunta sa kama ni Leaf at Umupo doon..

Bakit parang may kakaiba sa Kama niya ei Parehas lang naman kami ng Foam. Bakit pakiramdam ko, mas masarap tulugan ang Kama niya kesa sa kama ko?

Maya maya nakaramdam ako ng parang Yumuyugyug ang Pwetan ko..

Nagtataka kong Kinapa ang Inupuan ko...

May nakapa ako ditong bagay na Parihaba at Nanginginig ito..

Tumayo ako para tignan kong ano ang bagay na Nanginginig.

May nakita akong Cellphone na Touch Screen at sa palagay ko mamahalin ang Ganitong Uri ng Cellphone.

May ganitong gamit ang Baklang dahon na iyon?

Nanginginig ang cellphone na ito, at nang tinignan ko ang Screen ng Phone ay may tumatawag pala dito...

"Mommy?" Nagtataka kong sabi..

Tumatawag ang MOMMY ni leaf, anong gagawin ko? Sasagutin ko ba? O papabayan ko na lang?.

Sa bandang Huli namutawi sa akin ang pasyang sagutin na lang ang Tawag ng Mommy ni Leaf..

Sasabihin ko na lang na Lumabas si Leaf at Mamaya niya lang Tawagan ang Anak niya..

Pinindot ko ang Cellphone at Sinagot ko ang Mommy ni Leaf..

"Hello po?" Sabi ko at itinapat na sa tenga ko ang Cellphone..

"L-leaf son! Nag aalala na kami sayo! Nasaan ka ba? Hinahanap ka na rin ng Daddy mo!" Sabi ng Mommy ni Leaf .

"Hindi po ito si Leaf! Lumabas po siya  at naiwan niya po ang Cellphone N------" Napahinto ako sa pagsasalita ng May Umagawa ng Cellphone mula sa Tenga ko...

"Who told you na mangialam sa gamit ko?" Galit na sabi ni Leaf.

Hala! Anong Nangyari kay Leaf?

Sinagot ko lang naman ang Tawag ng Mommy niya.. anong Masama doon?

My Handsome Gay Dorm Mate [EDITING]Where stories live. Discover now