MHGDM 18

3.6K 134 14
                                    

Lychi's Point Of View

Pumunta sa Pwesto ko si Leaf, hindi ako makapaniwala na si Leaf ang Nandidito kesa kay Jade.

Speaking of My love jade!, Hindi ko alam kong nasaan na siya, Sinagot niya lang ang tawag ng Mommy niya. Bakit nawala siya bigla.

Gusto ko sanang tumutol na hintayin si jade ko, ang kaso nahiya ako sa photographer na kanina pa nag aantay dahil lumabas si jade, at nandito naman na si Leaf. Kaya papabayan ko na.

"1,2 and 3" Pagkasabing pagkasabi ng photoGrapher.

Nag Peace Sign ako at nilawakan ko ang ngiti ko.

"Okay Isa pa! 1,2 and 3" Pagkasabilang ulit ng Photographer. Ngumiti na lang ako. Hindi ko alam kung ano ang itsura ng mukha ko sa larawan na iyon, miski nga ang Itsura ni Leaf hindi ko alam kung Ano na ginawa niya... Siguro kagaya rin noong Post niya kanina noong Sila ni Wenny ang Nag Papicture

"Isuot niyo naman ito!" May inabot sa amin ni Leaf na Bear Hat ang Photographer...

Sinuot ko naman ito ng walang Angal.. gusto ko ng matapos ito at alamin kong nasaan na si Jade ko.

Nang matapos ang Litrato namin ni Leaf. Dali dali akong lumabas ng Photo booth at Hinanap si Jade.

Nakita ko siyang nakapamulsa at kasama si Wenny na nakatingin sa Screen kung saan lumalabas ang Litrato noong kinukunan.

Bakit hindi siya yung Pumasok sa loob at nakipag picture sa akin?.

Nakakaselos na kasama niya si Wenny.

"Jade!" Pinilit kong Ngumiti kahit Nagtatampo ako sa kanya... Bakit hindi siya yung nakasama ko mag picture...

Bakit si Baklang dahon ang nandoon na dapat siya... Akala ko pa naman magkakaroon na kami ng first Picture.... Nakakatampo talaga....

"Sorry! Kakatapos lang ng Tawag ni Mom ngayon, Sorry Nakiusap ako kay Leaf na pumalit muna sa akin para hindi ka inip..." Sabi ni Jade.

Kanina nagtatampo ako.. pero ngayon noong narinig ko na ang Side niya kong bakit hindi siya yung nakasama ko nawala na yung pagtatampo ko..

"Okay lang jade Naiintindihan ko!" Sabi ko sa kanya at nginitian ko siya.

"Saan niyo naman Gustong pumunta?" Lumingon si Jade kila Wenny at Leaf na Magkasama na..

"Sa Arcade Tayo!" Masiglang sabi ni Wenny.

"Nagugutom na ako!" Walang gan namang sabi ni Leaf...

"Okay Kumain muna tayo then Arcade after!" Sabi ni Jade at nginitian ako, jade ngiti mo palang busog na ko.

Mas gusto kung Suggestion ni Jade. Hihihi... Nagugutom na rin kasi ako..

Pumasok kami sa Isang Kainan.. hindi ako pamilyar sa ganitong kainan, dahil hindi naman ako madalas kumain sa labas, wala akong Budget.

Umupo kami sa lamesa na kasya ang Apat na tao, syempre ang Katabi ko si Jade pero ang Kaharap ko naman ay si Leaf.

"Ako ng bahala sa kakain natin!" Sabi ni jade ko at tumayo na siya sa Upuan niya para pumunta ng Counter..

Ngumiti lang ako sa kanya at tumingin kay Wenny na tumayo din..

"C.R lang muna ako Guys!" Sabi ni Wenny at Iniwan kaming Dalawa doon ni Leaf...

Eto nanaman kami, magkasama nanaman kami... Hindi ba kami pwedeng paghiwalayin ng pagkakataon lagi na lang umiepal to.

Dorm, School, Trabaho at Date! Magkasama na kami.

Awat na mga teh!.

Tumingin ako kay Leaf na Kasalukuyang Nakatingin sa akin!.

"Bakit? May dumi ba ako sa mukha?" Tanong ko sa kanya...

Hindi ako sinagot ni Leaf Bagkos ay may Inabot siya sa aking Tatlong pares ng Papel

Kinuha ko ito,

Eto yung Litrato namin ni Leaf kanina sa PhotoBooth. Nakalimutan kung kuhain dahil nagmamadali akong hanapin si Jade.

Nang tinig ko ang Mga mukha namin ni leaf sa Litrato..

Biglang kumabog ang Puso ko..

Nakangiti si Leaf sa Tatlong Litrato na kinuhanan sa amin kanina..

Pero ang mas nakapag patibok ng mabilis sa puso ko ay ang Litrato namin ni leaf noong Suot namin ni Leaf ang Bear Hat.

Nakatingin sa akin si Leaf sa larawang iyon at Malawak siyang Nakangiti....

Bakit ako kinakabahan ng Ganito?

First time kong makitang Ngumiti si Leaf........

My Handsome Gay Dorm Mate [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon